"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Tuesday, December 20, 2011

Tragis..

hehehe... nagsusulat nanaman ako..


eh anong magagawa ko, ito lang naman ang labasan ng mga nararamdaman kong di ko kayang sabihin, at sino nga naman ang pagsasabihan ko nito? hehehe

hehehe, nakakalungkot lang kase nasasaktan ako.. wala naman siyang kasalanan kung bakit ako nasasaktan.. nasasaktan ako kase nagmamahal ako.. kambal nga raw un eh.. di mo masasabing nagmamahal ka kung di ka nasasaktan.. at kung magmamahal ka, wag mong i-expect na di ka masasaktan, magfe-fail ka lang..

kahit ako mismo, di ko alam kung bakit ako malungkot.. parang baliw lang noh, hehehe.. tas tumatawa pa.. baliw nga.. :D

baka ganito, nalulungkot ako kase, uhm.. kase may iba. nalulungkot ako kase di ko na sya nakakasama.. nalulungkot ako kase di ko sya nasayaw.. nalulungkot ako kase, gusto ko lang naman ay ihatid sya, yun nalang naman kase yung oras na magiging magkasama kami eh, kaso may advantage yung isa, parehas kase sila ng sasakyan pauwi.. (parehas nga ba?).. nalulungkot ako kase, halata naman eh, na kahit gaano ko sya kagustong pasayahin, mas pipiliin nyang sumaya sa iba, kase dun nya gusto.. ikaw ba, pag sumakay ka sa bus, san ka uupo, sa tabi ng isang lalaki na nakaupo sa pandalawahang upuan, o sa tabi ng lalaki na nakaupo sa pangtatluhang upuan? syempre, dun na sa maluwag.. (o baka ganito lang ako mag isip..).. 

space,

space siguro kelangan nya... sana mamiss nya rin ako talaga.. sobrang mahal ko sya, kaya ganito nalang ako masaktan..

Saturday, October 29, 2011

MASAYA


oo masya, halos di nga ko nakatulog sa sobrang saya eh..

teka, bakit nga ba ko masaya?

sige syempye si brad..

ito ang buong istorya..

nung nalaman kong bigla syang nagkagusto kay domo, isa lang naisip kong ibigay sa kanya..
mga ilang buwan din dumaan bago ko sya mabili.. ibinli ko two weeks before her birthday.. balak ko talagang ibigay sa birthday nya kaso (1) di ko naman sya makakasama nun kahit gano ko kagusto.. at (2) mayroon lamang 7 replacement policy yung comic alley kaya kelangan kong maibigay agad sa kanya para if ever na maliit sa kanya, pede pang palitan.. ^_^..
 






Parang ganito yun eh..
syempre di lang yung regalo ang mahalaga.. kailangan espesyal din yung lagayan nya..

Plan A:  ilalagay ko sa rectangular box yung jacket tas babalutin ko ng brown na crepe paper  tas gagawing parang domo rin yung itsura.. di na tuloy kase wala akong makitang box na magkakasya sya at yung paglalagyan ko naman kung sakali nung box ay sinira ng isang kaibigan na napahiya.. hehehe

Plan B: Paper bag.. sa Papemelroti ako nagtingin.. nagtanong ako sa tindera, "miss, yan lang po yung paper bag nyo?" habang tinuturo ko yung mga pink na paper bag.. "ano ilalagay sir" tanong ni ate.. "yung kakasya po ito.. " nilalabas ko yung jacket sa bag, inabot ko kay ate para sukatin nya sa paper bag.. "ang mahal naman.." sabi nya, di ko nalang sya pinansin.. "wala po bang kulay brown?" tanong ko,di kase bagay yung pink eh, floral pa.. "ito po sir, plain lang.." "yan po sakto!" sabi ko... sinukat ulit ni ate tas sinabi nya ulet.. "ang mahal.." binayaran ko nalang yung paper bag.. hehehe.. tas lipat naman ako sa national bookstore, kung saan 3 hours na kong naglilibot kakaisip kung pano ko ibabalot yung jacket.. bumili ako ng kokomban (bond paper), red colored paper, cutter, permanent marker, at double sided tape.

di pa ko nakauwi agad kase biglaan kaming nagkaroon ng mini reunion ng mga klasmeyts ko nung 1st year highschool.. bale bitbit ko lahat ng yun habang nagbi-videoke kami, kumakain, naglalakad nang di alam kung san pupunta hanggang dumating ang panahong mapunit na yung handle ng bag kase may napahiya.. nakauwi ako ng lampas alas dyis ng gabi, pinlanog tapusin lahat bago magalasdose at di yun natuloy.. natagalan akong buksan ng pc ko at paganahin ang mouse.. nag edit sa photoshop, nakikipagbuno pa ko sa kuryente namin kase pag maraming nakabukas na appliances, namamatay lahat (ewan ko lang talaga kung may naka-tap sa kuryente namin..) .. kaya badtrip.. buti gumana na yung computer nang maayos pati na rin yung printer.. high school mode.. arts and crafts chorvanez.. print tas ica-cutter tas pepentelan yung gilid ng papel, tas lalagyang ng double sided tape tas ididikit sa brown paper bag.. whoala! nagmukhang si domo na ang bag.. hehehe at inabot ako ng alas tres sa paggawa nun pati na rin sa pagsulat ng message part of the gift.. hehehe

And there was evening, and there was morning—the first day. in other words.. kinabukasan...

paggising ko ng umaga, pagkatapos ko mag-prepare bago pumasok sa opis, kinuha ko yung domo na bag, di na sya sealed nang husto, bumigay yung double sided tape, tae yan, pano na? sabay nagtanong si papa "Para kanino yan? bakit brad nakasulat?" "Sa katrabaho ko.." "Brad? Lalake? Bakla kaba?" tignan mo yan, napagkamalan pa kong bading.. potek.. "babae yun! yun yung nililigawan ko sa opis.. brad yung tawag ko sa kanya.." sabay labas ng pinto.. hehehe

diretso ako ng robinsons nova para bumili ng masking tape sa national bookstore.. tas niremedyohan ang bag na di na sealed nang husto sa bus, habang bumabyahe.. pagdating sa opis, sakto wala masyadong tao, parang late nanaman kasi ako tas naka-duty na ang lahat, at wlang nakakita na may bitbit ako na domo na paper bag..

alas tres, uwian ni brad, normal nalang na ihahatid ko sya, pumayag naman si boss eh.. hehe.. un lang yung tyempo na hinihintay ko.. binigay ko yung bag, at sinabi kong ako lang yung gumawa nung domo dun.. cool, pasikat.. hahaha... tapos, di nya muna binuksan.. usap konte hanggang sa paglabas ng building.. doon nya binuksan, habang naglalakad kami sa kainitan ng edsa. hehehe ewan ko lang kung may idea na sya na yung yung ibibigay ko sa kanya, pero alam ko, alam na nya un.. nagulat parin sya, napasigaw, tas tinalon ako ng yakap (ang sarap talaga sa pakiramdam..).. nag blush nang mga 5 minutes tas natameme habang naglalakad kami.. sobrang saya ko talaga nun kase nagustuhan nya yung binigay ko.. hehehe.. hanggan dito nalang, kase masaya yung title e, dapat masaya lang.. :D

Tuesday, September 20, 2011

Lahat ng bagay may first time

hehehe.. ito ang unang beses kong mag blog nooong highschool..

http://leasminhoj.blogspot.com/

4th year highschool.. andami png nangyayaring masasayang bagay sa mga panahong ito, mga bagay na sana, hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa.. kaso nga lang, di na pede.. marami nang nagbago.. hahahaha, at masaya naman ako sa mga pagbabagong iyon.. naiwan lang ako... :( hehehe.. nakalimutan ko na yung account ko para i-login sa account na yan..dati pa pala, mahilig na ko magkwento, dami na nangyari mula noong highschool.. hehehe isa lang di nagbabago sakin.. yung mga typographical errors ko.. hahaha...

Monday, September 19, 2011

Bakit Ngayon Pa?

hehe.. bakit ngayon pa nga ba?


teka, ano bang gusto kong sabihin..?


pag ibig nanaman.. ehhehe


bigla lang kasi eh.. hehe.. sa tagal kong single, dami ko na namiss..


hehe.. oo, sa totoo lang, sa tagal kong single, nakalimutan ko na ata lahat.. pati manligaw.. hehe nakakamiss lang talaga ang mga bagay na ginagawa mo sa mahal mo pag single ka na.. pati yung mga ginagawa nya, nakakamiss din, sobra... ano yung mga yun? hehe.. sige, isusulat ko pero in no particular order, depende sa maisip ko lang..

una siguro yung yakap.. sa twing umuuwi ako sa bahay, nagpapayakap ako sa pamangkin ko ng sobrang higpit, kahit sobrang liit palang ng mga braso nya, kahit di nya talaga kaya, magkaroon lang sya ng pasalubong at yakap naman sakin, tas kiss, tas bless.. iba kase yung yakap sa kiss, at holding hands... para sakin, parang mas ramdam mo na mahal ka habang nasa gitna ka ng mga braso ng mahal mo.. parang langit, nakakatanggal ng pagod, nakakamiss..

pangalawa, yung holding hands.. eto yung ginagawa ng magkarelasyon sa mga mall, o kahit habang naglalakad lang.. at di pedeng gawin ng magkaibgan lang (lalo na pag lalake).. ang pagkakaroong ng isang taong hahawak sa kamay mo sa kahit anong sitwasyon ay isang napakagandang bagay.. at lubhang nakakamiss din.. having someone to hold your hands means meron kang taong mapagkakatiwalaan, at pagkakatiwalaan ka rin bago ang iba.. ang pagkakaroon ng taong hahawak ng kamay mo pag may problema ka, pag may ginawa kang maganda, pag may kaguluhan o kahit na wala, kahit nagkita lang kayo, ay isang bagay na nagbibigay sakin ng ngiti..

pangatlo na siguro yung mga halik.. kiss and tell na to.. sa mga nakalipas kong relasyon, yung una lang yung nakiss ko.. wala kase akong chance dun sa mga sumunod eh.. hahaha.. okay na sakin yung kiss sa pisngi pag uuwi, pag ayaw nyang sabihin na "ayos lang ako", pag walang salitang lumalabas sa bibig nya pag gusto nyang sabihing "mahal kita.."

pangapat yung tiwala.. iba yung tiwalang ibinibigay natin sa kaibigan natin, iba sa mas close, iba din sa closer friends.. at syempre, iba din sa mga mahal natin at lalo na sa mga kapareha natin.. masarap yung pinagkakatiwalaan ng isang tao, lalo na mahal mo at mahal ka rin.. pano mo nalamang pinagkakatiwalaan ka? mapapansin at mararamdaman mo yun, kung di mo nararamdaman, dalawa lang yan, inutil ka o di ka nya talaga pinagkakatiwalaan.. kase, magkukwento yan ng mga bagay na alam nya ikaw lang ang makakaintindi, at alam nya, kakampihan mo sya..

tapos yung ngiti.. iba talaga ang nagagawa ng ngiti.. napakasarap tumingin sa ngiti ng isang tao.. lalung lalo na kung alam mo na yung ngiting iyon ay para sayo.. ngayon, nakikisarap nalang ako sa ngiti ng ibang tao para sa iba.. basta, napakasarap sa pakiramdam ang ngitian ng mahal mo..


syempre, yung pagibig.. pakiramdam mo may sasay ang pagkalikha mo sa mundo kung alam mo na may nagmamahal sayo..  masarap sa umaga paggising mo, ngingiti ka nang di mo alam ang dahilan, tas excited kang makita ang mahal mo.. pag inlove ang isang tao, they tend to do good things.. at isang napakagandang bagay yun.. bale pag sinasaktan ka na, di ka na mahal, akhit ano pa sabihn nyan..

syempre pinaka nakakamiss yung kapareha, ka-partner, "Sya".. yun na yun eh... ahahaha

Wednesday, September 14, 2011

Moving on..



Why move on?
simple lang.. para di ka makaperwisyo sa buhay ng dati mong karelasyon.. at ng buhay ng mga taong sa kasalukuyan ay nakapaligid sa buhay nya.. at para makapagfocus ka na sa buhay mo, para makahanap ka na rin ng bago, at matapos mo ang mga dapat mong tapusin..

What did you do to really move on?
tae, tinry ko na ata lahat.. pero isa lang ang siguradong gumana sakin kahit joke lang yun.. sinubukan kong lumayo para di ko sya makita, ending: mas namiss ko lang sya at nagte-text ako sa kanya na.. "namimiss nanaman kita..".. ginawa kong umiwas sa mga lugar na pinupuntahan namin lagi, ending: isang beses lang ulit akong nadaan dun at bumalik ulit lahat, nagtext ulit ako.. ginawa ko rin pumasok sa isang relasyon (actually, dalawa) nang walang plano, para siguro, iba na isipin ko.. ending: na-realize ko na walang tama sa pinaggagawa ko, kaya tinigil ko nalang.. ano yung gumana na joke lang? i thought i have found someone to really replace her.. hehe, sana nga naging sya nalang kaso di pede.. dito pumapasok yung taeng kasabihan na "masmabuting magkaibigan lang kayo.." kesa masira pa yun, eh ginawa ko nalang biro ang lahat, at dun ko nalaman na ayos na ko.. mas naging close pa kami ng taong yun kahit papano..
 
Is the process of moving on hard?
takteng tanong yan, kaya nga nagmo-move on ang tao para di na sya masaktan, pero gaya rin ng sabi ko, kelangan din masaktanng isang tao para sya magising.. tae, masakit.. sa araw araw, (or every sunday) na nakikita ko yung "x" kong iyon, di maiiwasang mapaisip.. kahit nung nagkaron na sya ng bf, umasa parin akong "sana balang araw, babalik ka rin sakin.."..  siguradong darating yung mga panahong sobrang malulungkot ka ng sobra (as in "SOBRA", gusto mo umiyak, di mo alam bakit..).. sa prosesong ito, ginawa kong bato yung puso ko, sa twing nakikita ko sya, yung mukha nya, yung ngiti nya, umaasa akong sana sakin yun, pero di na pwede.. so ginawa ko ngang bato ang puso ko, I pretended that I never loved her.. para akong masamang tao.. para wala talaga akong pakealam sa kanya, kahit konte, na syang pinagsisihan ko nang husto.. at ipinangako ko sa sarili ko na di ko na ulit gagawin yun, sa kahit na kanino..

Have you moved on?
Kung paglilinay-linayan ko lahat ng mga nangyari at ang mga nangyayari ngayon sa buhay ko, masasabi kong tunay na kong nakapagmove on.. ngayon, pagnasasaktan ako, iba na ang dahilan, at yung dahilan kong iyon ang rason kung bakit ako ulit nakapagmove on nang tunay.. at patuloy na humihinga..