"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Monday, June 23, 2008

hatdog...

eto ang kwento ng buhay ko kasama si frank, matapos nyang pataubin ang MV Princess of the Stars at walo pang mga sasakyang pandagat, kumitil ng halos 117 na buhay sa Pilipinas at manira ng halos Php. 555,ooo,ooo.oo na halaga ng pananim...

linggo yung at sya ang dahilan kung bakit ako di nakasimba.. alam ko may kasalanan din ako dun dahil di ako nakagawa ng effort na makasimba pero lahat ng yon, kasalanan ni frank... umaga palang, pagkagising naming magka-ka-klase sa bahay ng klasmeyt namin ay humahagupit na ang malalakas na hangin sa tarpaulin ng Shakey's sa bahay ng klasmeyt namin... pinlano kong umuwi ng maaga para makapag-simba nga pero wala akong pamasahe at payong para panlaban sana kay frank.. at bukod pa doon, tulog pa ang mga kasama ko para makapag-paalam ako...

dumating ang tanghali at ni hindi manlang namin naramdaman na naaawa si frank sa amin... walang koryente at malo-lobat na kaming lahat... yung batang maganang kasama namin ay sinisigawan na daw ng mama nya sa text... kaya sya ay nauna nang umuwi pagkatapos kumain, eat and run kumbaga...

kami ng mga kasama ko, makalipas ang ilang minuto pagkaalis ng bata ay nagsisunuran na rin na umuwi sa kanya-kanyang mga bahay... at muli naming nakita ang mga pamilya namin ng ligtas..

kina-gabihan, muli kong hinarap si frank para makakuha ng baon this week... sa totoo lang, ang pera sa bulsa ko ay 16 pesos... magandang pangitain.. yung pupuntahan ko, kelangan ng dalawang sakay pa, kaya naisipan kong mag super-trip sa kalagitnaan ng bagyo...


click nyo na lang yung picture para lumaki...


after kong sumakay ng tricycle papuntang maligaya ay sinubukan kong harapin ang lakas ni frank ng lalake sa lalake... sinubukan kong lakarin ang kahabaan ng Quirino Highway mula SM Fairview patungong Sacred Heart Village sa may lagro (sana alam nyo yung sinasabi ko..)...

naging successful ako na marating ang pupuntahan ko noong gabing yon, isang malupet na experience na naman... wala akong masyadong napala noong ginawa ko yon, bukod sa pitong mga suso (snails) na nakita ko, wala akong kasamang naglalakad bukod kay frank at ang signal number 3 nyang bagyo na humahampas sa munti kong payong na yellow, ay nakuha ko naman ang baon ko ngayong linggong to...

ang itsura ko paguwi: basa ang shorts ko na maong, buti nalang hindi nabasa yung cellphone kong N-3210 na model.. at nagawa ko pang mamasyal sa loob ng robinsons supermarket para magpalamig pa ng katawan...

Thursday, June 19, 2008

Ang peste

di ko talaga alam kung bakit.. pero matagal na kong pinepeste nito...

di naman ako naambunan o kung ano man.. pero sa dalawang araw ko ditong nago-ojt, meron akong sipon.. kamote, nakakahiya...

ang ingay ko pa..



eto nalang rasta baybi...

Monday, June 16, 2008

Bawal uminom..

lasing 1: Pre, alam mo... syota ko nuon nanay mo....







lasing 2: (tahimik..)




lasing 1: nakikinig ka ba pre?, sabi ko syota ko noon nanay mo!..










lasing 2:Tama na tay, lasing na po kayo eh.....



ehehehehe

Friday, June 13, 2008

rubix cube daw..

sabi sa isang quote na pinadala sakin....


the heart is like a
rubix cube..
"someone is supposed to
mess the cube first,
so someone else could
fit the colors perfectly.."
tapos biglang kumilos nanaman ang malikot kong imahinasyon...
naisip ko,
oo nga naman, kung ihahalintulad natin ang sitwasyon ng puso natin sa isang rubiks cube.. someone would easily mess our herats up.. but someone will not easily fix it..
katulad ng proseso ng pagaayos ng rubiks cube, kung hindi ka marunong, mas masisira lang at lalong magmumukhang walang kwenta ang rubiks cube.. mas lalong iisipin mo na "mamatay na nagimbento ng rubiks cube.."
minsan sa buhay natin, may darating na tao, akala natin, sya na ang makakapag-ayos sa sira-magulo nating puso..(napaka-emotional ko naman... kamote..) pero, it will end up more messed up...than ever... marami pang mga darating, at muli natin silang hahayaan na guluhin pa ang puso natin...
eh pano pano kaya kung matuto tayong maghintay sa totoong taong magaayos ng lahat ng gulong maaaring magawa ng ibang tao sa puso natin, edi less pain, malungkot na lang, pero walang gaanong sakit...
basta kahit na gaano pa kagulo ang rubiks cube ng buhay natin... hindi ito ginawa ng walang makakabuo... ehhhe
sana sa post na to ay nasabi ang gusto kong sabihin, parang nakukulangan kase ako eh, at yung gusto kong sabihin na yon ay ang laman ng puso ko... di ko gustong magpatama or whattever... di ko to sinulat para sa isang tao lamang , sinulat ko to tungkol sa response ko sa isang quote na pisana sakin, at yung response na yon ay.......
baket nga ba ako nag e-explain? pero, wala talagang dapat ipag alala, kung anong gusto mong makita sa blog ko, yun ang makikita mo.
pero wala ditong tips kung paano mag-solve ng rubiks cube, and if you really need someone to fix that 'rubiks cube', He's always waiting for you to ask Him...at di ka magkakamali sa lalapitan mo..

Wednesday, June 11, 2008

ang buhay ng isang bulag...

sya si mang jack... (isang imaginary creature..sya ang bida.. hindi sya prof sa informatics..)

isa syang tatay na may tatlong anak... masipag sya sa kanyang pagta-trabaho bilang isang taga ayos ng relos...

sa sobrang hirap ng buhay ay kulang ng mga materyales nya sa pagaayos ng mga relos... wala syang gamit na parang microscope(yung nilalagay sa mata ng mga tulad nila, di ko alam tawag eh..) pero sa sobrang linaw ng mga mata nya, hindi na sya gumamit ng mga ito.. at nagpatuloy sya sa trabahong ito ng dalawampung taon...

sobrang dami ng mga customers ni mang jack, sa sobrang dami nito di ko na to mabilang, at dahil doon, nago-over time sya hanggang alas tres ng madaling araw na kandila lang ang gamit, dahil naputulan pa sila ng kuryente, kahit na marami syang customers..

makalipas ang dalawampung taon, nagsisimula nang magkadepekto ang mga mata ni mang jack.. sa twing dumarating ang hapon, sumasakit ang mga mata ni mang jack sa di malamang kadahilanan... lumuluha sya kahit na masaya sya o kahit na wala syang nararamdaman ka kakaiba.. at dahan-dahan na rin na lumalabo ang paningin ni mang jack... kaya nagpakunsulta sya sa isang optalmologyst...

mang jack: mam, may pagasa na po ba akong gumaling?

lasing na nurse: sir, *hik!* ahm... pasens..*hik!* pasensya na po kayo, walana po kk.. *hik!* kayong pagasang gumaling.. pasensya na po mang jack.. *hik!*..

mang jack: wala na po ba talagang pagasa? ano pong maganda kong gawin?

lasing na nurse: wala na po talaga *hik!* mang lito.. *hik!*, jack pala...ang mabuti pa yung perang ipang-o*hik!*opera ninyo ay gamitin*hik!* nyo nalang sa pagbili ng mga gamit para mab *hik!* buhay parin kayo kahit na bulag na kayo...*hik!*

mang jack: ano?, eh anong magandang gawin para makapag-trabaho parinako kahit nabulag nako?

lasing na nurse: ang *hik!* mabuti ho eh *hik!* bumili po kayong gitara at ampifier para magamit nyo sa pama*hik!*malimos..

mang jack: ano!? mamalimos ako!

lasing na nurse: opo, mang nick.. *hik!*yun nalang po ang pinaka marangal na *hik!* trabahong pwede nyong gawin kapag bulag na kayo...*hik!*

mang jack: (galit)hindi ako si nick!, jack ang pangalan ko!! (di na..)anong gagawin ko, eh di ako marunong mag-gitara..

lasing na nurse: (nabawasan ang tama nang nabulyawan..)wala na po talaga akong magagawa dyan... kung gusto nyo pong kumita ngmalaki ay magpaturo po kayo sa yamaha, sa may mega mall, o kaya personal sa mga sikat na gitarista, tulad nila poncy.. mas mabuti na po yun kesa maging pabigat kayo sa mga anak nyo..

mang jack: hayy... eh ano pa nga bang magagawako..

lasing na nurse: mang jack, wag po kayong bibili ng amplifier at gitara na global ang tatak ah, tatawanan kayo ng tao..

kinabukasan,nagmadali si mang jack na bumiling mga kelangan nya sa pamamalimos habang di pa tuluyang lumilipas ang kanyang paningin..

mang jack: magkano po yung ampli nyong MARSHALL?

tinderong kalbo na naka itim: 13 thousand po yan manong, bibili po kayo? san nyo po gagamitin? may banda anak nyo?

mang jack: ah ganun ba.. walang banda ang mga anak ko, mga konyo sila... kelangan ko to kase lumalabo na ang mata ko.. at malapit na kong mabulag..

tinderong kalbo na naka itim: ah, ganun po ba... eh ano naman po yung koneksyon?

mang jack: kase pag tuluyan na kong nabulag, mamamalimos ako...

tinderong kalbo na naka itim: (bagsak sa sahig... tumatawa..).

mang jack: sige bibilhin ko nato...

lahat na ng mga pwedeng gawin at bilhin ay ginawa at binili na ni mang jack... nagpaturong magging lead gitarist, bumili ng gitara at amplifiers na nagkakahalagang 30 thousand lahat-lahat, komportableng upuan na gagamitin nya, donation box na may nakasulat na "maawa na po kayo sa bulag", at baranggay clearance para makapalimos nang malaya...

at tuluyan nang nabulag si mang jack...

sa kasalukuyan ay matatagpuan ninyo ang mga taong katulad ni mang jack sa kahabaan ng EDSA, sa may quiapo, at sa mga lugar na maraming tao at sa tabi ng mga simbahan.. yan ang dahilan kung bakit may mga gamit na gitara at amplifiers ang mga bulag na namamalimos, pero yung iba naman ay may ibang gamit tulad ng organ na ginagamit ng bulag sa ilalim ng tulay sa ortigas..