"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Thursday, May 21, 2009

Love thyself

as i have set as a caption in my photo;p "Aside from God, We ourselves are the ones that will surely love us" (translated... tama ba?) eto kasi yun eh... bukod sa Diyos, Tayo na lamang ang siguradong magmamahal sa atin, pinipilit pa kasing mag-english eh...

yan ang kasalukuyan kong iniimplement sa sarili ko ngayon... hindi naman sa nagiging emo nanaman ako ngayon, pero ito ang isang katotohanang mas pinipiling kalimutan o balewalain ng mga tao...

hehehe, siguro nga ay ngayon ko lang ito na-realize kaya medyo nakakangiti ako ngayon kahit inaantok na ko... di lang sya sa sarili pedeng sabihin, pede sing sa mga produktong pinoy, sa ating bansa, sa kulay natin, sa boses natin, sa lakas nating sumuntok, sa mga kakayanan nating hindi kaya ng iba, pero pinipilit nating hindi ito pinoy..

walang mali kung pipiliin nating mahalin kung ano tayo kaysa mahalin ang anumang hindi atin..

yun lang... na virusan nanaman pc ko... hehehe babay....

Wednesday, May 13, 2009

bunga ng katamaran

hehehe sa ngayon ay bagong reformat tong pc ko, para syang bagong ligong bata na wala ka pang dungis na makikita, pero sa sobrang linis nya ay wala naman akong masyadong magawa sa kanya kundi makinig ng mga tugtog, maging emo, at alalahanin ang nakaraan...

may nakalimutan akong bilhin kaya malamang al di nanaman ako makatulog nito nang maayos..

naka halukay ako ng cd at natuklasan sa kapatid ko to.. emo kasi yung mga kanya, di ko maintindihan yung lyrics masyado dahil di ko sya alam, di naman sya masyadong maingay para mas piliin ko ang matulog, pero sapat na para pakinggan ko sya (yung iba kase, sa sobrang garalgal ng boses, di ko na pinakikinggan kase baka maputol yung litid ng kumakanta sa kalagitnaan ng kanta, baka mabitin lang ako.. hehehe)...

habang nagsusulat ako ngayon ay kasabay kong pinupuno ang mga inbox ng mga ka-churchmate ko na nagpapauso ng GM (group message).. sa ngayon, ay tinulugan na ako ng mga ka-GM ko at dahan dahang napupuno ang mga inbox nila sa mga walang kwenta messages ko tulad ng: *nagiisip ng maig-gm...* bgm:(basta emo may ganireng lyrics... "the love the love, throw it all away... the perfect dates, the sweetest kisses, the love the love, throw it all away" alam ko title nito, nakalimutan ko lang.. hehhe)

hehehe, habang tumatagal na kapapakinggan ko sila ay di maiwasang maging emosyonal ako ng di inaasahan... hehehe.. emo ako kung yun ang tawag doon, pero hindi sa paraang makiita mo sa kalye na yung mga batang nakasuot ng masisikip na pantalon, itim na eye liners, at naka damit pambabae.. di ko alam pero sadyang malungkutin lang talaga ako.. madalas akong mag-dwell sa mga bagay na hindi dapat pag-dwellan, masasaktan lang ako pero parang sa ganoong paraan nalang ano nasanay na mabuhay kahit na alam kong mayoong Isang tunay na nagmamahal sakin ng sobra...

di ko alam kung nakapagsulat na ako ng ganitong tema sa nakaraan, pero feel kong syang isulat ngayon eh... hehehe, ganito kalakas ang impluwensya saatin ng mga musikang pinakikinggan natin, nakakaapekto ito sa ating emosyon...minsan, ang mga pinakikinggan natin ang naguudyok saatin na gawin ang mga bagay na nagagawa natin.. kaya may mga taong nagpapakamatay, pumamatay, nagpapapatay?, naggagahasa, mainlove ng sobra sa isang iglap, lumuha ng di inaasahan, lumapit pag may altarcall, sumayaw habang tumatawin, humedbang sa fx, at yakapin ang mahal natin... nakakatulong ng husto ang mga napakikinggan natin para gawin natin ang ilan sa mga nasabi ko, ewan ko lang kung papayag kang magpapatay kung marining mo ang "highway to hell" hehehe... marami na kong nasabi...

bakasyon syndrome

matagal na mula noong huli kong post sa blog ko... di ko na nga natatandaan kung tungkol saan yung huli kong sinulat, bigla ko tuloy naalala, joke pala yun.. inisip ko kasi eh... hehehe..

alas dos na nang madaling araw.. naisipan ko lang sumulat ng kung anu-ano para kung sakaling makapagnet, ay ika-copy-paste ko nalang to sa blog ko...

sya nga pala. may sarili na kong computer at walang internet pero sa palagay ko, sapat na to..

mayroon pala akong kopya ng unang tatlong episode ng maRIMANDO at ni ESSERyo, hehehe... halos dalawang summer na ang lilipas at di pa natutuloy ang swimming nila kasama ni JERTHOcrusdthird... yaan nyo. may tamang timing ang lahat...

marami nang nangyari sa buhay ko mula nang huling kwento ko tungkol kay krixa.. may dumating na after ng kwento namin.. walang kulay at lumipas syang muli, minsan na ring umuwi ng bahay namin ang kapatid kong namamaga ang mata dahil napagtripan daw ng mga galit sa frat.. pumogi na rin ako at alam kong matagal nyo nang alam yun, na nagjo-joke lang ako... hehehe.. naka sama ako sa fieldtrip ng skul namin, nakasama ako sa isang youth camp, marami na rin akong mga taong nakilala, nag turo sa VBS bilang music teacher, sayaw at kanta sa loob ng 5 araw, at umabot ng 540++ at mga estudyante namin, di pa ko nagpapagupit (eh anu naman?), naging MC sa isang barangay prayer rally at di naligo na 4 days dahil sa katamarang dala ng bakasyon..

narinig ko na ang huni ng boses ni inay na nagsasabing "baloong... tulog na..." mothers knows best, kaya babay... gotosleep... hehehe †