"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Tuesday, September 20, 2011

Lahat ng bagay may first time

hehehe.. ito ang unang beses kong mag blog nooong highschool..

http://leasminhoj.blogspot.com/

4th year highschool.. andami png nangyayaring masasayang bagay sa mga panahong ito, mga bagay na sana, hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa.. kaso nga lang, di na pede.. marami nang nagbago.. hahahaha, at masaya naman ako sa mga pagbabagong iyon.. naiwan lang ako... :( hehehe.. nakalimutan ko na yung account ko para i-login sa account na yan..dati pa pala, mahilig na ko magkwento, dami na nangyari mula noong highschool.. hehehe isa lang di nagbabago sakin.. yung mga typographical errors ko.. hahaha...

Monday, September 19, 2011

Bakit Ngayon Pa?

hehe.. bakit ngayon pa nga ba?


teka, ano bang gusto kong sabihin..?


pag ibig nanaman.. ehhehe


bigla lang kasi eh.. hehe.. sa tagal kong single, dami ko na namiss..


hehe.. oo, sa totoo lang, sa tagal kong single, nakalimutan ko na ata lahat.. pati manligaw.. hehe nakakamiss lang talaga ang mga bagay na ginagawa mo sa mahal mo pag single ka na.. pati yung mga ginagawa nya, nakakamiss din, sobra... ano yung mga yun? hehe.. sige, isusulat ko pero in no particular order, depende sa maisip ko lang..

una siguro yung yakap.. sa twing umuuwi ako sa bahay, nagpapayakap ako sa pamangkin ko ng sobrang higpit, kahit sobrang liit palang ng mga braso nya, kahit di nya talaga kaya, magkaroon lang sya ng pasalubong at yakap naman sakin, tas kiss, tas bless.. iba kase yung yakap sa kiss, at holding hands... para sakin, parang mas ramdam mo na mahal ka habang nasa gitna ka ng mga braso ng mahal mo.. parang langit, nakakatanggal ng pagod, nakakamiss..

pangalawa, yung holding hands.. eto yung ginagawa ng magkarelasyon sa mga mall, o kahit habang naglalakad lang.. at di pedeng gawin ng magkaibgan lang (lalo na pag lalake).. ang pagkakaroong ng isang taong hahawak sa kamay mo sa kahit anong sitwasyon ay isang napakagandang bagay.. at lubhang nakakamiss din.. having someone to hold your hands means meron kang taong mapagkakatiwalaan, at pagkakatiwalaan ka rin bago ang iba.. ang pagkakaroon ng taong hahawak ng kamay mo pag may problema ka, pag may ginawa kang maganda, pag may kaguluhan o kahit na wala, kahit nagkita lang kayo, ay isang bagay na nagbibigay sakin ng ngiti..

pangatlo na siguro yung mga halik.. kiss and tell na to.. sa mga nakalipas kong relasyon, yung una lang yung nakiss ko.. wala kase akong chance dun sa mga sumunod eh.. hahaha.. okay na sakin yung kiss sa pisngi pag uuwi, pag ayaw nyang sabihin na "ayos lang ako", pag walang salitang lumalabas sa bibig nya pag gusto nyang sabihing "mahal kita.."

pangapat yung tiwala.. iba yung tiwalang ibinibigay natin sa kaibigan natin, iba sa mas close, iba din sa closer friends.. at syempre, iba din sa mga mahal natin at lalo na sa mga kapareha natin.. masarap yung pinagkakatiwalaan ng isang tao, lalo na mahal mo at mahal ka rin.. pano mo nalamang pinagkakatiwalaan ka? mapapansin at mararamdaman mo yun, kung di mo nararamdaman, dalawa lang yan, inutil ka o di ka nya talaga pinagkakatiwalaan.. kase, magkukwento yan ng mga bagay na alam nya ikaw lang ang makakaintindi, at alam nya, kakampihan mo sya..

tapos yung ngiti.. iba talaga ang nagagawa ng ngiti.. napakasarap tumingin sa ngiti ng isang tao.. lalung lalo na kung alam mo na yung ngiting iyon ay para sayo.. ngayon, nakikisarap nalang ako sa ngiti ng ibang tao para sa iba.. basta, napakasarap sa pakiramdam ang ngitian ng mahal mo..


syempre, yung pagibig.. pakiramdam mo may sasay ang pagkalikha mo sa mundo kung alam mo na may nagmamahal sayo..  masarap sa umaga paggising mo, ngingiti ka nang di mo alam ang dahilan, tas excited kang makita ang mahal mo.. pag inlove ang isang tao, they tend to do good things.. at isang napakagandang bagay yun.. bale pag sinasaktan ka na, di ka na mahal, akhit ano pa sabihn nyan..

syempre pinaka nakakamiss yung kapareha, ka-partner, "Sya".. yun na yun eh... ahahaha

Wednesday, September 14, 2011

Moving on..



Why move on?
simple lang.. para di ka makaperwisyo sa buhay ng dati mong karelasyon.. at ng buhay ng mga taong sa kasalukuyan ay nakapaligid sa buhay nya.. at para makapagfocus ka na sa buhay mo, para makahanap ka na rin ng bago, at matapos mo ang mga dapat mong tapusin..

What did you do to really move on?
tae, tinry ko na ata lahat.. pero isa lang ang siguradong gumana sakin kahit joke lang yun.. sinubukan kong lumayo para di ko sya makita, ending: mas namiss ko lang sya at nagte-text ako sa kanya na.. "namimiss nanaman kita..".. ginawa kong umiwas sa mga lugar na pinupuntahan namin lagi, ending: isang beses lang ulit akong nadaan dun at bumalik ulit lahat, nagtext ulit ako.. ginawa ko rin pumasok sa isang relasyon (actually, dalawa) nang walang plano, para siguro, iba na isipin ko.. ending: na-realize ko na walang tama sa pinaggagawa ko, kaya tinigil ko nalang.. ano yung gumana na joke lang? i thought i have found someone to really replace her.. hehe, sana nga naging sya nalang kaso di pede.. dito pumapasok yung taeng kasabihan na "masmabuting magkaibigan lang kayo.." kesa masira pa yun, eh ginawa ko nalang biro ang lahat, at dun ko nalaman na ayos na ko.. mas naging close pa kami ng taong yun kahit papano..
 
Is the process of moving on hard?
takteng tanong yan, kaya nga nagmo-move on ang tao para di na sya masaktan, pero gaya rin ng sabi ko, kelangan din masaktanng isang tao para sya magising.. tae, masakit.. sa araw araw, (or every sunday) na nakikita ko yung "x" kong iyon, di maiiwasang mapaisip.. kahit nung nagkaron na sya ng bf, umasa parin akong "sana balang araw, babalik ka rin sakin.."..  siguradong darating yung mga panahong sobrang malulungkot ka ng sobra (as in "SOBRA", gusto mo umiyak, di mo alam bakit..).. sa prosesong ito, ginawa kong bato yung puso ko, sa twing nakikita ko sya, yung mukha nya, yung ngiti nya, umaasa akong sana sakin yun, pero di na pwede.. so ginawa ko ngang bato ang puso ko, I pretended that I never loved her.. para akong masamang tao.. para wala talaga akong pakealam sa kanya, kahit konte, na syang pinagsisihan ko nang husto.. at ipinangako ko sa sarili ko na di ko na ulit gagawin yun, sa kahit na kanino..

Have you moved on?
Kung paglilinay-linayan ko lahat ng mga nangyari at ang mga nangyayari ngayon sa buhay ko, masasabi kong tunay na kong nakapagmove on.. ngayon, pagnasasaktan ako, iba na ang dahilan, at yung dahilan kong iyon ang rason kung bakit ako ulit nakapagmove on nang tunay.. at patuloy na humihinga..

Monday, September 12, 2011

Love Post: HOW TO REMAIN FAITHFUL!

Love Post: HOW TO REMAIN FAITHFUL!: Another age-old problem when it comes to relationships is how to be faithful, especially if one of the lovers is far, far away. You migh...

Joke time!

Knock Knock..
.
.
.
.
.
.
May kumaway
.
.
.
.
.
May kumaway down town walking fast, faces past and im home bound

iWontTalk

sa totoo lang, di ko alam kung anong dapat kong isulat dito.. hehehe

sige, pagibig nalang yung topic..
para mainstream..



In-love? ako? oo, baka.. hehehe..

Masarap bang ma-inlove?
hehe.. syempre naman, eto yung pakiramdam na lagi kang masaya, inspired, nakakagawa ka ng mga bagay na, dati, ay tinatamad kang gawin (tulad ng mag-blog ulet..), nakatulala ka sa jeep tas biglang ngingiti tapos mahihiya kase wala kang kakilala sa jeep..

Ngayon, ito ata yung nararamdaman ko.. hehehe.. iniisip ng marami, contest ito.. kung ganoon, ito yung paligsahan na walang mananalo.. ang saya diba? di bale na, di na mahalaga yung ending.. ang mahalaga yung paglalakbay, kung ilang episodes pa ang mapa-publish ng mga katrabaho ko sa kwentong ito, at kung may magbabago pa ang ending ng larong ito.. hehehe.

Mahirap bang laruin yang larong yan?
takte, mahirap.. lalo na pag dating sa mga kwentuhan.. kaw lagi talo.. wala ka palang kakampi.. (ayos lang..) sabi ko nga, kung pati ako, di maniniwala sakin, sino pa.. tutal, masarap naman sa pakiramdam habang nandito ako sa "paligsahang" ito.. ibang kase yung pakiramdam eh.. sa twing napapangiti ko sya, masarap at masakit.. masarap kase nakakatanggal ng pagod, nakakarelaks, parang sinasabi sayo ng ngiti nya, "kalimutan mo ang lahat problema mo at ibulsa mo ako..".. masakit kase alam mong kahit ilang beses mong hingin at patunayan, di mapapasayo yung ngiting iyon.. masakit kase parang di talaga para sayo yung mga yun, kase tila mas gusto nya pang ngumiti ng iba ang dahilan..

Sa tingin ko, wala namang rules kung sino yung mga pedeng sumali, lhat na atang klase meron, hehe.. lahat ata sila "meron", anu bang tama dun.. hehe.. walang saysay nanaman pinagsasabi ko..
nakakainis kase, lam mo yun? respeto nalang sana, di man para sakin, pero sa iba.. "shes not mine but you have someone you would call 'mine' ".. :D

Dahil sa walang ending tong kwentong ito, parang tinanggap ko nang di sya mapapasakin, kelangan eh.. pero di ako titigil.. di ako titigil hanggang bawal nang magpatuloy pa.. marami pa naman akong ibubugang hininga, laban pa to.. hehehe

oha! andami kong nasulat, kala mo totoo, yun pala dala lang ng puyat.. hehehe


Friday, September 9, 2011

Ang tunay na Episode 1

Episode 1

@ ofiz conversation....

Boy1: Hatid kita mmya ha

Girl1: wag na!

Boy1: bakit?

Girl1: wala lng ok lng ako...

Boy1: basta mamaya...

Girl1: bahala ka!

10pm out na cla... bumaba na sa elevator...

jayr: hatid mu na, uwian na.

Boy1: syempre

Girl1: wag na nga eh...

Boy1: (bugtog hininga...)

jayr: (Umalis na)

Girl1: Magkasabay kami ni Boy2..

Boy1: Ayos lang.. :D

Girl1: Bumaik ka na sa taas, mahihiya lang sayo yun..

Boy1: Bat sya mahihiya? Aakyat ako pagdating nya.. (Super-trip-mode on)

Girl1: Sus, wag na, bumalik ka na (naiirita na..)

Boy1: Gusto ko lang makasiguro na di ka uuwi mag-isa.. (Seryoso na..)

Girl1: May kasabay nga ko, pramis.. di nga ko uuwi magisa.. (iiyak na..)

Boy1: Sige na nga (babalik sa may elevator, magaabang sa
kabilang side..)

maya maya lng.... si Boy2 bumaba sa elevator:

nagkatinginan si Boy1 at Boy2 sa mata, umiwas sa pagkakatingin ang dalawang Boys.. eww..

Boy2: (isnab si Boy1 habang lumalabas ng elevator)

Boy1: (dedma) (makikipag-apir sana at sasabihin na "ingatan mo si Girl1.." o "ingat kayo.." pero naisnab na sya..) ingats (mahina lang, sana narinig ni Boy2)

Boy2: tara na girl 1... (Nakabusangot paglabas ng elevator)

Girl1 Happy :)

Boy1: (pumasok sa loob ng elevator, ang saya kase nakasira ng araw(akala nya lang yun..)..)



Legend:
Normal fonts: original post from facebook
Bold Fonts: Mga karagdagang tunay na nangyari..
Italic Fonts: omitted scenes ( mga di talaga tunay na nangyari..)