"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Saturday, May 24, 2008

Kapayapaan...

nsknsknsknsk... bakit kaya minsan mas pinipili nating isara ang utak natin at magkaroon ng mga hindi pagkakaintindihan mula sa mga sobrang liit na mga bagay na kung sa edad natin ay dapat ay naiintindihan na natin to, kesa kalimutan ang mga hindi pagkakaintindihan, dahil magkakaibigan naman tayo, at magpatuloy sa buhay nang may maraming mga kaibigan...?

hehhe

hindi ko to sinusulat para lang magpatama, makasakit, o ano pa mang masasamang bagay... ginagawa ko to ngayon para gumising ang lahat, kilala man kita o hinde, sa mga bagay na dapat nating intindihin, hindi lang mga assignmets, galit, pagkain, kasiyahan, o ano paman... para mas maayos ang mga bagay-bagay.. na nasira.. ng maliit na anay... ngekngekngek...

hindi ko to sinusulat para magkaroon ng kaaway dahil hindi ako marunong nun.. at ayaw ko nun.. at sino bang may gusto nun... ? libre naman magsulat dito at isang paraan na rin to para malaman ng mga tao ang mga bagay-bagay na nasa isip ko.... sakto nga sa subtittle ng blog ko eh... pero siguradong hindi ito para sa isang tao lamang.. para sa lahat ito na may ganitong mga ugali, parang ako na rin minsan... hehehe.... sana madagdagan ko na ang episode 13 ni maRIMANDO, marami nang naghihintay... hhhehehe

2 comments:

Anonymous said...

wth... wala tlga ung koment ko kanina... eto uulitin ko nalang...

sana nga makatulong tong blog entry mo para makapagisip isip tayo...

2ngkol sa tanong mo, bakit nga ba?
ganito xe yan e,
lahat tayo ay may options o choices,
sa kasamaang palad, kailangan nateng pumili ng ayon sa makabubuti sa ating mga sarili o para sa iba...

sana ang piliin naten ay para sa kabutihan ng lahat...

sa tingin ko, wala tayo magagawa kung pinili nateng isara ang utak naten sa mga bagay bagay,

cguro meron tayong ayaw paniwalaan,
cguro meron tayong kinatatakutan,
cguro mxdo tayong mataas para isiping may pagkakamali ren tayo,

haayss...

sana sa huli, maisip nateng buksan ulet ang utak naten at wag piliing isara ito habangbuhay...

bsta ang alam ko, kung may sinara, may bubuksan... haha

kya wag tayo mawalan ng pagasa :D

(ang dame ko ata nasabi, parang blog entry hahaha)

Sma said...

oo nga roel...

kung may sinara, may mabubuksan, parang...

kung may sinukgsok, may madudukot..

hehehe...

tama yun, hindi naman to para lang sa sariling interes ko lang eh..

hindi naman ako nag-post para makita kung sinong mali eh...ginawa ko to para ma'restore' ang mga kelangan i-restore...

hindi lang naman ako ang nasasayangan sa mga nawalan.. ng kaibigan, oo kaibigan ang tawag sa kanila, kaibigan ang tawag sayo, magkakaibigan tayo kaya dapat iniisip natin ang kung ano pang mas makabubuti sa lahat, hindi lang sa mga sarili natin... mahal natin ang isat-isa kaya hindi tayo dapat pumapayag na mawala ang sinuman sa atin..

marami na kong nasulat kaya mananahimik na ko..