"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Thursday, May 29, 2008

malaking problema na to... kamote talaga oh...

ambilis nyang magbago... parang kelan lang hindi naman sya ganun talaga...




sa twing may problema ako, sa kanya ako laging tumatakbo... madali ko syang nalalapitan basta't may barya lang ako, ayos na lahat...


pero ngayon, nagbago ka na talaga...



dati, may midterm pa kami sa 218(subject sa informatics - math yun di ko maispel yung diskrit eh...)bigla kong naalala ang problema ko... bday pa ni theo yun... nilapitan kita't natulungan mo ako agad...



nung unang beses pa nga eh nung english 1 namin... katatapos lang ng kwis, tapos, nandyan ka na, andali-dali mong lapitan.... sobrang pampadali ka talaga sa buhay... pano nalang ngayon, nagbago ka na.....



madalas, pag may kakausapin ako, ikaw ang kelangan ko... tapos... ngayon, porket nagmahal ka na, di ka na ganon kadaling lapitan... kamote naman oh...

bat kaya ganon, lalo na pag nagmamahal, nagbabago, di na ganun, tulad ng dati.... nagbago ka na nga...


sana di ka nalang nagmahal para katulad ka parin ng dati, yung dating laging maaasahan, at laging malalapitan sa oras ng kagipitan.... sana di ka nalang nagmahal para di parin ako mahihiya na lapitan ka satwing kelangan kita... sana di ka parin nagbabago, gaya ng dati...


sana...



sana....




kung bakit naman kase eh...

nagmahal ang tissue sa banyo!!! limam piso na!!!

dati 4 lang.. kamote... pano nalang pag tatae ako...


nsknsknsknsk.....

1 comment:

Anonymous said...

malaya tayo sa lahat ng bagay dahil meron tayong free will at dahil meron tayo nun...sasabihin ko ang gusto ko rin sabihin...kung ikaw ang isang tao na di mapakali sa mga bagay na sa tingin mo ay wala na sa hulog...kikilos ka...actions speak louder than words ika nga...pero kung dadaanin mo lang sa puro ganito...eh wala lang mangyayare...at lalu lang nauuwi sa di pagkakaunawaan...sana diniretso mo na lang ung taong tinutukoy mo dito at wag mong idamay ang nananahimik na tissue paper...alam ko ang ikot ng utak mo...di ako tanga para hindi mabasa ang mga nasa espasyong namamagitan sa bawat titik na itinype mo...kilala ko sya...hindi sya nagbago...yang utak mo lang ang nagsasabi na nagbago na sya...dahil un ang nakikita mo...at ayon sa istraktura ng post mo...tinitira mo na ang pagkatao ko...lumampas ka na sa iginuhit kong linya at parang pinupunto mo na masama akong impluwensya sa taong minahal ko...bakit di mo subukang magmahal para masagot yang tanung sa utak mo...hindi mo mararamdaman ang pakiramdam ng isang nakadroga kung hindi mo ilalagay ang sarili mo sa kanya...ika nga..."try walking on my shoes"...dun sa sinasabi mong nagbago...let say ganito na lang...mahaba man ang pasensya natin...meron pa rin itong SUKDULAN. sana naintindihan mo itong komento ko sa post mo pre...alam mo nanahimik na ung taong pinapatamaan mo dito...pero ikaw tong makulet...matagal ko ng gustong magsalita din...pero kinausap lang din ako na tumahimik na din...pre...anu ba tlga ang gusto mong palabasin at mangyare??? at tila yata may napapansin ako...may matagal na akong tanung sa isip ko tungkol sayo...kung tama ako sa iniisip ko...eto lang masasabi ko..."sorry na lang"...diko kasalanan kung mabagal ka kumilos...lalake ka at magpakalalake ka..sabi mo nga sa isa mong post...matatanda na tayo...hindi ung kung kelan nakuha na...saka ka magiinarte at magpaparamdam...siguro nagparamdam ka nuon...pero sapat ba??? alam mong mahirap daaanin sa biro ang ganung klaseng bagay dahil pwede rin itake as a "biro"..pero ginawa mo...bakit di mo tanungin ang sarili mo para malinawan ka...hindi ung pailalim mo kong tinitira...hanggat may patama ka pa sakanya...hindi rin ako titigil sa pagsagot...tandaan mo yan!!!

- tops™ -