"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Sunday, June 13, 2010

Musikalenyo 70's

Introduction:

Nakapatay ang ilaw

Narrator: Mga manonood, ngayon ay inyong matutunghayan ang isang palabas na pinamagatang “MUSIKALENYO DEKADA SITENTA”

1st Scene: Disco, nakaupo na yung grupo ni Janella with other girls, may iba pang customer yung bar at may bartender at waiter syempre)

Lights On

Si Merlo (leading actor) at yung mga katropa nya ay papasok sa loob ng disco, oorder sa bar tapos tutugtog ang Tayo’y Magsayawan, sasayaw ang mga boys makikita ni Merlo si Janella (leading actress) na medyo umiindak kaya hihilain nila ito at sasayaw na din ang lahat ng mga babae na kasama nya.. (lahat na sasayaw pati bartender, at ang mga customer sa loob ng bar, sasayaw na rin).. After ng tayoy magsayawan, sasayawin naman ng lahat ang Awiting mo isasayaw ko, iswing mo ako, at DISCO Fever nang magpa-partner-partner.. Pagkatapos ng lahat ng mga kanta, mapupunta si Merlo at Janella sa middle front, magkaharap, tapos hahatakin sila ng mga kaibigan nila parang nanghihinayang kase di pa sila magkakilala..

Lights Off

2nd Scene: 1st part (yung isa sa tatlong part ng backdraft) nasa bahay, parang kwatro lang

Lights On (spot lights lang sana kay Merlo)

May sisigaw sa background sa “GISING NA, TANGHALI NA, PUMASOK KA NA SA ESKWELAHAN!!!” , Pagod na gigising si Merlo tapos magbibihis sabay ang tugtog na ESTUDYANTE BLUES titingin sa lamesa kung may makakain, lalabas ng bahay (naka spotlight, if ever) pupunta sa..

2nd part (yungdalawa sa tatlong part ng backdraft) Tindahan may maliit na stall may nakasabit na mga chitcheria, mga candy, may mga upuan sa tabi

Nakatabmay sa tindahan yung mga katropa ni Merlo kumakanta ng HIMIG NATIN, biglang may magsasalita sa kanila nang “Uy! Si Merlo oh, papasok ka ba ngayon?” may sasagot na katropa din “syempre hindi, alam mo namang titsers enemi number 1 yan eh.” Sabay tutugtog yung TITSER’S ENEMI NUMBER ONE na kantantahin sa kanya ng mga katropa nya.. Bago pa matapos yung kanta, biglang dadaan si Janella, with the girls, na papuntang school. Mapapatingin ang mga boys sa mga girls, makikinig ng konte ang mga girls pagkatapos ng kanta ng mga boys ay sasayawin naman ni Janella with the girls ang ANNIE BATUMBAKAL, after nila, dimagpapatalo ang mga kalalakihat kaya magpapasikat sila at sasayaw sila ng MACHO GWAPITO, after nila sumayaw, aagawin ni Merlo yung gitara tapos lalapit sya kay Janella para kantahan nya ng BINIBINI, ba-backupan sya ng mga katropa nya.. Tapos, parang magpapakipot si Janella at aayain ang mga girls na umalis na at pumasok na sa school..

Lights Off

3rd Scene: School (parang first day, lahat masaya)

Lights On

Kanya-kanyang chismisan, papasok ang mga girls tapos tutuksuhin nila si Janella kase may nanliligaw sa kanya.. kakantahan nila at sasaywan ng BONGGA KA DAY si Janella, syempre, sasali sya.. matatapos ang tugtog, uupo na ang lahat ng mga estudyante, parang magpe-prepare.. darating nang late ang mga boys at makikita nila na magkakaklase pala sila ng mga girls.. (Day Dream Scene) Pause lahat except kay Merlo.. (kung pde, spot lights lang kay Merlo at Janella para mangibabaw sila) Biglang kakanta si Merlo ng Miss Universe ng buhay ko.. Biglang back to reality, gagalaw lahat, sisindi ulet ang ilaw, biglang aasarin ng mga boys si Merlo.. “Tigilan nyo nga ako jan” , sasabihin ni melo sa mga kasama nya. Pero bigla syang tatabi kay Janella at kakantahan nya ito ng IPAGPATAWAD MO.. Pagkatapos nyang kantahan si Janella, aayain nya tatanungin nya ito kung pwede silang lumabas na dalawa, parang kikiligin si Janella at syempre, papayag naman, sabay tunog ng bell ibig sabihin ay uwian na.. Lalabas sila ng class room lahat..

Lights Off

4th Scene: Park (May nagde-date, nagbebenta ng ice cream, nagbebenta ng lobo)

Lights On

May mga nagdedate at namamasyal sa park.. Biglang darating si Merlo at Janella.. Bobolahin ni Merlo si Janella, kikiligin nama yung isa.. Biglang may mga chismoso sa paligid nila, maiirita si Janella at kakanta ng NOSI BALASI.. Mapapangiti naman si Merlo at kakantahan nya si Janella ng IKAW ANG AKING MAHAL,

Sasagot naman si Janella ng PERS LAB, Kakanta ulit si Merlo ng DAHIL MAHAL KITA, tapos magdu-duet sila sa HIMIG NG PAG-IBIG, tapos, kakanta si Janella ng O, LUMAPIT KA.. Magiging komportable na si Merlo kay Janella at parang aakbay ito sabay tugtog ng NO TOUCH... Titigil na si Merlo na mangakbay kay Janella at aayain nya itong kumain nalang.. Aalis sila ng Park

Lights Off

5th and Final Scene: Sa Disco (Di gaya ng simula, parang medyo malungkot yung atmosphere)

Lights On

Papasok si Merlo sa bar, pupunta sa counter at kukuha ng inumin.. habang umiinom, makikita ni Merlo si Janella na papasok sa bar, lalapitan nya ito tapos tatanungin kung bakit sya nandoon, sabay pasok si Elord (the other guy), tatanungin nya nang “Hi hon, may problema ba?” si Janella, sabay sagot si Janella ng “Wala naman” at ipapakilala nya ito kay Merlo “Boyfriend ko nga pala, si Elord..” Biglang tugtog ang SALAWAHAN na kakantahin ni Merlo sa mukha ni Janella.. Malulungkot sya sa isang sulok at kakantahin ang NAKAPAGTATAKA.. Lalapitan sya ng mga kaibigan nya at kakantahan sya ng AWIT NG BARKADA at KAIBIGAN... Maglalakad sa bar si Merlo sa loob ng bar at biglang may makakabunggong isa pang babae, mapapangiti sya at tutugtog ang BONGGAHAN, SUMAYAW, SUMUNOD at MANILA.

Lights Off

- End

2 comments:

Roel said...

kelan yan? papanoorin namen yan. pede ba kame manood? wahaha!

Sma said...

takte, hindi na tuloy eh... nak nang..