"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Thursday, February 28, 2008

February 28, 2008 (blade pa...)

hehe sino kaya ang( mga ) naghihintay ng post na to....



pasado alas-nueve na ata ang oras ng mga panahon iyon.. maalala ko lang...



kakatapos lang naimng maglaro ng mga ka-klase ko... buti nalang at nagsiuwian na agad ang mga elders ng skul namin... kung nandun sila ay baka di ko pa nagawa ang dapat kong gawin... hehehe....



kala ko umuwi na sya.... yun pala.. naghihintay rin.... yung humahawak ng id.. ehehehe

bigla akong kinabahan... "kamote yan ", bulong ko sa isip ko... pero ayos narin kase ayaw kong matapos ang araw na iyon nang hindi ko nasasabi sa kanya ang gusto kong sabihin....



hanggang dumating ang saktong oras na kaming dalawa nalang ang naroon.. hehehe, napaka romantik ng mga salita.. kala mo totoong author...



buti nalang at nandoon ang toong kaibigan kong kaibigan din ng pinsan ko..... sya ang dahilan kung bakit ko nasabi sa kanya dahil sya ang tumawag sa may hawak ng id tapos nagkaroon kami ng chance na makapag usap na dalawa....



unang chempo.... sa dalawang upuan sa may labas ng info... syempre dahil sa katorpehan ko ay di ko kayang magsabe dun ng merong ibang taong nakakarinig... tapos inaya ko syang lumabas sa tapat ng Info..



pangalawang chempo... oo nga, dun sa labas ng info.. nakatayo kaming dalawa roon at ako naman ay ,halos mamatay sa kaba, nag-iisip ng saktong salita para sabihin sa kanya....



puro 'ahmmm' at 'sandali lang.. nag iisip pa ko....' ang lumalabas sa bibig ko...



pareho kaming dalawa na nagpipilitang magsalita na dahil di ko talaga alam kung pano sisimulan...



******* some text missing********



hanggang sa umuwi ako ay... nangangamote ako sa aking sitwasyon... hindi ko alam ang gagawin ko kung talagang matutuwa ako o hindi pa.... hehehe...

naisip ko nga bigla... para syang 'chamba'...

ano nga ba ang chamba?

ang chamba ay madalas masabi kung merong magandang pangyayaring tila hindi na mauulit muli.... (sana tama yung ibig sabihin ko kase, wala akong makitang tamang translation sa internet eh....)

ang chamba ay isang malupet na pangyayaring hindi mo inaasahan.. at sa parehong paraan... hindi mo rin inaasahan na tapos na pala ang magandang pangyayaring iyon... hehehe.... kamote... parang totoo...

oo.. para nga syang chamba... isang maganda (oo, alam ko me sarili kang saloobin... ito lang nakikita ko...), makulit, medyo matino, masarap ngumiti, at masakit sa puso kung maka tingin... iilan nalang siguro sila dito sa mundo.... chamba nga eh noh.... parang magandang pangyayari, tapos wala na agad.... ganun... hehehe.... nawala dahil sa di maipaliwanag (sa blog) na kadahilanan...

sabi ng sa isang shout-out sa friendster na kakadalaw ko lang "In this life, good things never seems to last.." kamote yan.. kase ang mundong ito ay likas na masama....kahit tayo... sa magkakaibang paraan nga lang.. hehehe... at sa kung paano tayo nakikita ng ibang tao...

parang napapalayo na ko...

balik tayo..

ahm.. siguro naman ay naisulat ko na lahat ng gusto kong isulat dito....kaya hanggang dito nalang muna hehehe

Peace yo....







(bitin ka ba? i-comment mo saloobin mo.. kamote)


at saka nga pala.....


kung may impormasyon kayong gustong malaman ay...










patuloy nalang muna kayong maghintay dito sa blog ko.. hehehe

kala nyo ah.. hehehe

4 comments:

Anonymous said...

madaya ka!!! magboblog ka na lang ilalagay mo pa "some textg missing"... nu kaya un.. sbihin mo na lahat!!! :p

Sma said...

diskarte yan, bro....

Anonymous said...

diskarte ba??? mejo alam ko na ung pinag usapan nyo eh... hehe... gus2 mo i comment ko?? hehe.. pero seryoso alam ko na ung iba...

jelijeli said...

uso na ba ang lovestory sa blog? hahaha.. tama nga yung naisip nating paraan.. dito tayo mag labas ng sama ng loob.. hahah.. biro lang maam..