"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Thursday, March 6, 2008

Episode 2 maRIMANDO at ESSERyo (ang mga ligaw na ilaw..)

setting:
sa isang madilim na lugar kung saan nagtatago si ESSERyo sa twing gagamit sya ng ipinagbabawal na rugby...

'in hell....











exhell, inhell, exhell,' hawak ni ESSERyo ang plastik na may laman na natutuyong rugby sa tapat ng kanyang ilong at bibig.... patuloy si ESSERyo sa pagsuporta sa kanyang bisyo.. halos patuloy lang sya sa ganitong buhay... gising, unat, labas, isnats, takbo, bili ng rugby, bili ng tinapay kung may sukli, tago, tulog gising... paulit-ulit lang sya sa ganitong pamumuhay....





hanggang sa gabing iyong na nakilala nya si maRIMANDO...




tila isang bagong katauhan ang sumuot sa kanya... bigla syang napatigil sa pagamit ng rugby.... tumayo at sinabi sa sarili... 'hindi na dapat na magpatuloy ito.... kelangan ko nang magbago.... sobrang nakakadiri ang itrusa ko, kelangan ko ng maligo... para kay maRIMANDO, magbabago na ko...'





at simula noong araw na yon ay di na muling gumamit ng rugby si ESSERyo, ayon sa pagkakaalam ng author...








sa kabilang banda naman ay naghahanda na si maRIMANDO para sa ititinda nyang sampaguita sa tapat ng bar o ng bahay nila.... magkaibang lugar yun... habang hinuhugasan ni maRIMANDO ang mga bulaklak ay di parin nawawala sa isip nya ang unang pagkikita nila ni ESSERyo..

'bakit miss.. nasaktan ka ba?'

naalala ni maRIMANDO ang mga unang kataga na sinabi sa kanya ni ESSERyo.. at oo, kinilig sya...
'pasensya na miss, nabigla ako'


hanggang sa mga panahong iyon, di parin alam ni maRIMANDO ang kanyang gagawin sa kakaibang pakiramdam na nadarama nya.... patuloy parin siyang kinikilig...



'Ako naman si ESSERyo... ehhe... hi nga pala...'

dahil sa sobrang pag-entertain nya sa feeling na yon ay napisa niya ang 70% ng mga samaguita na hinuhugasan nya.... at


'kamote kang bata ka, siguro iniisip mo nanaman kung pano ka makakatakas sa mga
gawaing bahay noh? , kumilos ka ngang bata ka....'


bulyaw ng nanay nya.... pero



'pasensya na po inay... me naalala lang ako, di ko naman iniisip na tumakas sa
mga gawain eh... kung hindi ko naman to gagawin, lahat tayo magugutom...'

sagot ni maRIMANDO... at muling nagsalita ang nanay nya...

'o sige na... pagpatuloy mo lang yang ginagawamo, bibili ako ng bagong mga
sampaguita pagnanalo ako sa laro naming BINGO ng mga kumare ko sa labas....'

to be continued....

No comments: