"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Monday, March 10, 2008

Episode 4 maRIMANDO at ESSERyo.. (ang mabangong nakaraan)

masaya silang dalawa na nagtatawanan at nagku-kwentuhan habang kumakain ng fishball ni manong guard...



tunay ngang masaya silang dalawa sa piling ng isat-isa...


'sana ay di na matapos tong oras na to...'


sabi nila sa isat-isa... habang may fishball sa bibig...



patuloy pang lumipas ang mga oras ng di nila napapansin, at 5 minuto palang talaga ang lumilipas....



hanggang sa abutan silang dalawa ni anJOYCElica....



ang propesyonal na rugby girl na addict kay ESSERyo na taga ortigas.....



at ang sabi nya...




'hule.... hahaha, kala nyo ah.... san ka nanaman galing esseryo?'

'bakit? ano bang pakealam mo jan? asawa ba kita?'



sagot ni ESSERyo kay anJOYCElica....


'sino sya, esseryo? close ba kayo?'


tanong ni maRIMANDO kay ESSERyo...


'hindi noh....! tignan mo nga sya... masyadong maganda ang mga damit nya para
maging rugby girl lang, di kami bagay..'


sagot ni ESSERyo...


'ano ka? matagal na kitang gusto, esseryo.... bakit ba ayaw mo sakin, eh isa
lang naman akong propesyonal na rugby girl...'

bulyaw ni anJOYCElica kay ESSERyo...


'yun nga eh.. ang yabang yabang mo... mas magaling ka pa sakin mag-rugby....
nagmumukha tuloy akong pulube....'

patuloy parin silang nagsagutan na dalawa... ni hindi manlang sila nahiya kay maRIMANDO... at dahil sa mga pangyayaring iyon ay nahiya si maRIMANDO kaya dahan-dahan itong dumiskarte para makalayo nang hindi napapansin....


patuloy silang nagsigawan at di nga nila napansin si maRIMANDO na naglalakad na umiiyak...


sugatan ang kanyang puso dahil hindi man lang sya inasikaso ng taong gusto nya... sobra syang nasaktan dahil ayon sa mga pangyayari ay... mas marami nang panahon na nagsama si ESSERyo at anJOYCElica kaysa sa kanilang dalawa... tuloy nag selos sya...

sa kanyang paglalakad ay nakasalubong nya ang isang matagal na hinahangaan, na matagal na ring humanga sa kanya....

osige na.. kinilig ulet sya,

pero di na kasing lakas ng dati...


Abangan ang susunod na kabanata...

No comments: