"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Tuesday, March 11, 2008

Sino ba si isma pag malungkot???

si isma ay yung masayang tao...





at si balong ang malungkuting side...





ako, parang mas kilala ko na si balong ... bakit? kase halos buong buhay ko na ata ay malungkot ako....





oo, mahilig akong magpasaya ng mga tao, pero sa loob-loob ko, eh malungkot ako....





i used to smile, pero hindi ako masaya, pero mas lalong di ako plastik.... ngumingiti ako para tabunan ang kalungkutan sa loob-loob ko.... ngumingiti ako dahil may Isang palaging nagpapangiti sakin, ano man ang maging kalagayan ko.... buti nalang nanjan Sya palagi..





di dahil sa ganito ang topic ko ay Emo na ko..





kamoteng emo yan... hindi lahat ng mga malungkot na tao eh... emo nga.




pano nalang yung mga taong may sakit na pag masaya sila eh pumapangit sila, kaya mas pinipili nalang nilang maging malungkot, emo ba un?





minsan, nami-misinterpret natin ang mga ibat-ibang emosyon ng mga tao, lalo na ko.. ganun kase ako eh... konting ngiti lang.. masaya na ko.. kala ko naman natuwa sya sakin, yun pala sa chokolate lang...



kamoteng puso it... masyado nang naging malungkot, kaya naghahanap ng mga taong mamahalin...



mas lalo kong nararamdaman tuloy ang kalungkutan na to ngayon dahil.. may tigyawat akong tumutubo sa kanang mata ko... kamote.. ang sakit ng mukha ko...


hay nako.. ano nga ba ang nagudyo sakin na gawin ang lahat ng ito...

noong nakaraang valentines day kase... bukod sa bad trip na lahat ng mga nakikita ko ay meron isang kaibigan na nagbigay sakin ng isang munting papel na may nakasulat na ganito...


'dont be affraid to tell someone you love them... if you do, they might break your heart, but if you dont.. you might break theirs..'
ako naman si kapal ng mukha... kala mo gwapo... natakot ako sa mga maaaring mangyari din... ayun, nagsalita ako at it broke.. hard.. kahit na it is still broken, mas lalo pa tong nadurog.. ang emo ko noh?... hehehe

sa tingin ko nga mas masaya ako pag malungkot ako eh... nakakatawa pero ganun talaga... mas masaya akong Sya lang ang kasama ko.. kase alam kong secured ako sa piling Nya... nakakabaliw, pero dito sa mundong ito, maraming paraan para saktan ka ng ibang tao... and all you can do is to hold on to Him...

kamote.... ganun talaga...


siguro nga eh ang blogoseryeng maRIMANDO at ESSERyo ay palusot ko lang , bukod sa gusto kong magpasaya ng tao..., para di na makita ang mga nakalipas pang mga post...

pero sa ngayon ay medyo masaya naman ako sa pagiging malungkot... sabi nga ni kuya jan.. 'mas masarap lumapit sa Lord kapag broken ang soul mo..' asteeg...

at sa sobrang haba ng ginawa kong ko... ay di ko na alam kung pano to tatapusin... kaya ganito nalang bigla nalang mawawala.. hmp...

No comments: