"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Thursday, May 29, 2008

malaking problema na to... kamote talaga oh...

ambilis nyang magbago... parang kelan lang hindi naman sya ganun talaga...




sa twing may problema ako, sa kanya ako laging tumatakbo... madali ko syang nalalapitan basta't may barya lang ako, ayos na lahat...


pero ngayon, nagbago ka na talaga...



dati, may midterm pa kami sa 218(subject sa informatics - math yun di ko maispel yung diskrit eh...)bigla kong naalala ang problema ko... bday pa ni theo yun... nilapitan kita't natulungan mo ako agad...



nung unang beses pa nga eh nung english 1 namin... katatapos lang ng kwis, tapos, nandyan ka na, andali-dali mong lapitan.... sobrang pampadali ka talaga sa buhay... pano nalang ngayon, nagbago ka na.....



madalas, pag may kakausapin ako, ikaw ang kelangan ko... tapos... ngayon, porket nagmahal ka na, di ka na ganon kadaling lapitan... kamote naman oh...

bat kaya ganon, lalo na pag nagmamahal, nagbabago, di na ganun, tulad ng dati.... nagbago ka na nga...


sana di ka nalang nagmahal para katulad ka parin ng dati, yung dating laging maaasahan, at laging malalapitan sa oras ng kagipitan.... sana di ka nalang nagmahal para di parin ako mahihiya na lapitan ka satwing kelangan kita... sana di ka parin nagbabago, gaya ng dati...


sana...



sana....




kung bakit naman kase eh...

nagmahal ang tissue sa banyo!!! limam piso na!!!

dati 4 lang.. kamote... pano nalang pag tatae ako...


nsknsknsknsk.....

Monday, May 26, 2008

Alamat ng asanes...

kung bibigyan ka ng chance na maging artista...



















ano ka?































sine-swerte?

Sunday, May 25, 2008

Friendster Horoscope for May 26, 2008

Gemini (May 21 - Jun 21)

The Bottom Line

  • Don't be impressed by an intellectual who's just popped onto the scene. They're not.


In Detail

  • Are you feeling intimidated by an intellectual who's just popped onto the scene? Don't be! The more they talk about how much they know, the more obvious it will become that they don't really know what they are talking about. So just let them hog the spotlight for as long as they want, and they will quickly prove to everyone just how smart they aren't. True intelligence is all about knowing that you don't know everything -- be humble, and keep learning.


ang kulet...




Saturday, May 24, 2008

Kapayapaan...

nsknsknsknsk... bakit kaya minsan mas pinipili nating isara ang utak natin at magkaroon ng mga hindi pagkakaintindihan mula sa mga sobrang liit na mga bagay na kung sa edad natin ay dapat ay naiintindihan na natin to, kesa kalimutan ang mga hindi pagkakaintindihan, dahil magkakaibigan naman tayo, at magpatuloy sa buhay nang may maraming mga kaibigan...?

hehhe

hindi ko to sinusulat para lang magpatama, makasakit, o ano pa mang masasamang bagay... ginagawa ko to ngayon para gumising ang lahat, kilala man kita o hinde, sa mga bagay na dapat nating intindihin, hindi lang mga assignmets, galit, pagkain, kasiyahan, o ano paman... para mas maayos ang mga bagay-bagay.. na nasira.. ng maliit na anay... ngekngekngek...

hindi ko to sinusulat para magkaroon ng kaaway dahil hindi ako marunong nun.. at ayaw ko nun.. at sino bang may gusto nun... ? libre naman magsulat dito at isang paraan na rin to para malaman ng mga tao ang mga bagay-bagay na nasa isip ko.... sakto nga sa subtittle ng blog ko eh... pero siguradong hindi ito para sa isang tao lamang.. para sa lahat ito na may ganitong mga ugali, parang ako na rin minsan... hehehe.... sana madagdagan ko na ang episode 13 ni maRIMANDO, marami nang naghihintay... hhhehehe

Wednesday, May 14, 2008

Legally off....

ngayon lang, bale kahapon pala, legal na natapos lahat.. at talagang hanggang dito nalang talaga to... di nya raw kaya eh, heheh ayos lang... tutal, matagal ko na ring natanggap na hanggang dun lang naman talaga eh... well, meron akong sinasabi sa sarili ko na...
'once special, always special..'
pag minsan ka nang naging espesyal sa buhay ko, lagi ka nang espesyal, parang siopao... wala na tayong magagwa doon... peace menn..


kaya,




babay chamba...
huhuhu

Monday, May 12, 2008

Episode 12 maRimando at ESSERyo.. (Filler 1)

at nung nagkita kita silang tatlo ay....





sumakay sila sa bus... umupo sila sa upuan na tatluhan... nasa gitna nina JERTHOcruzdthird at ESSERyo si maRIMANDO... si ESSERyo and nakaupo sa tabi ng bintana... dahil hindi nila kilala si RosalindaMarimar dirediretso lang itong umupo sa harapan nilang tatlo... na nakaharap sa kanila.. bigla tuloy syang tinanong ni ESSERyo...


'miss.. masikip na po dito... walang upuan jan.. sa kabilang side po ata
meron... daanan namin yan... (kamote.. **bulong)'
hehe napansin nga ni RosalindaMarmar na wala ngang upuan sa pwesto nya... lugar yon para sa paa.. o lagayan ng iba pang gamit.. mahirap i-explain sa salita eh... kung may pics, malalaman nyo....kaya dahan-dahan syang nag-sorry sa tatlo at dahan-dahan ring syang umalis at lumipas ng pwesto...


'kala ko di nila ako mapapansin kahit na nasaharapan nila ako.... ang liit ko
kase eh.... pero.. ano.. ibang klase sya..... napansin nya ako ( ni ESSERyo...)
ang ganda ng mga mata nya....'
lumilipad ang isip ni RosalindaMarimar habang lumilipat ng pwesto sa loob ng bus.... napatid na sya, nanakawan na at lahat-lahat pero wala parin syang pakealam... patuloy parin ang paglipad ng isipan nya... hanggang sa makaupo sya sa isang komportableng pwesto sa tabi ng driver, yung upuan na pagaari ng kundoktor... biglang lapit sa kanya si kuya kondoktor....

'ahm, mis.... ako po ata ng nakaupo jan, maluwag pa naman sa likod eh.... doon
ka nalang muna....'
lipad lang ng lipad ang isip ni RosalindaMarimar pero tumayo sya at lumipat ng pwesto kung saan wala nang sisita sa kanya....
'na pansin nya ko, sa liit kong toh....'
patuloy ang takbo ng mga katagang ito sa munting isip ni RosalindaMarimar... habang si maRIMANDO naman ay pinipigilan ang kanyang 'kilig' dahil napagigitnaan sya ng dalawang taong gusto nya...

hanggang sa makababa na sina JERTHOcruzdthird , ESSERyo at maRIMANDO sa kanilang pupuntahan, dumeretso na sila sa lugar na tutuluyan nila... malapit sa tabing dagat... sa tagal ng byahe nila, dumeretso sila sa kwarto at natulog...

kinabukasan....

abangan...

Sunday, May 11, 2008

Ang eskwelahan...

hehehe pangatlong mayo ko na ata ito ngayon dito sa Informatics Fairview.... dapat nasa norte na ko ngayon... hindi yung sementeryo pero yung informatics sa north... kaso medyo nalate ako ng sobra sa page-enroll ko noong sobrang last sem pa kaya konti lang subjects ko... kaya may mga naiwan na ngayon ko lang kinukuha....

unang araw pero hindi pa nagsisimula ang klase namin... hehhe sige intro lang.... bigbigyan ko muna ng panahon ang pag gawa ng istorya ni maRIMANDO at ESSERyo... hehehe maganda to....

Eklabu: Episode 11 maRIMANDO at ESSERyo.. (Summer Break)

Eklabu: Episode 11 maRIMANDO at ESSERyo.. (Summer Break)

hehe dahil natabunan tong post na to, Click nyo nalang tong link na to....

Tuesday, May 6, 2008

Dagat, Lunod, CPR....

hehehe sa mga interisado lamang tong post na to... alam kong nakasama kita doon pero maganda rin na basahin mo, para maalala mo lahat...











myerkules ata ng simulan nila itong planuhin na kasama ako.... kase di ko tagala sure kung makakasama ako... kase wala akong pera... dumating si kaibigang XR at nagsabing wala na daw akong kelangang problemahin, sagot na namin lahat ng gastos mo.... at yun, ngumiti ako.. hehehe...







byernes ang alis namin... 6-7 ang planong hintayan, 8 ang totoong alis, pasado 9 na kami nakaalis ng sm.... galing.. hehhe... sa jeep, kanya kanyang asaran para talunin ang antok at ang katahimikan.... kanya-kanyang posisyon kung saan ka komportable, ako, medyo minalasa dahil nakataas ang isa kong paa na nakapatong sa upuan... hehehe medyo giniginaw dahil katabi ko ang bintanang walang takip na plastik na salamin.... at sa bilis ng pagpapatakbo ng erpats ni jerry ay salo ko lahat ng hanging pumapasok sa sasakyan.... dahil sa ginaw ay nagkaroon ng isang maliit na asaran, heheh, malamang napapangiti ka na ngayon, sakin nalang yon at sa mga nakasama namin... di ko alam sabihin eh.. hhehhe







sa loob ng jeep, papunta sa venue, kanyakanyang trip para malabanan ang akabagutan, pusoy dos, uno, asaran at kulitan... meron pang takutan kung saan di ka talaga matatakot, kundi matatawa ka lang.. hehehe pag dating sa bahay nila RJ ay kanya-kanyang pasasalamat sa kani-kanilang pagkakatayo.... makalipas ang halos apat na oras na pagkakaupo... pasok sa bahay, testing ng upuan kung malambot o hinde(hehe palusot, gusot lang naman talagang makaupo sa malambot..)







di na namin pinalampas ang magdamag at pumunta na agad kami sa dagat (para lang tignan to at di pa lalangoy...) doon ,napag desisyonan namin mag hapunan ng alas 2 ng madalling araw... ng Mami at may pasikat na Goto.... di pa ata kami tapos kumain at meron kaming narinig na boteng nabasag, saan? sa may likod ko lang ng konte... palibasa, fiesta, inuman, ayaw, sapakan, ganun na yun malamang... at doon din sa kinauupuan naming yon, naimbento ang salitang BEACHT.. hehe past tense yan ng beach.. maniwala kayo sakin... pabakil, patuloy ang taking pictures, asaran, kilitian sa buhangin, tawanan... na walang hanggan...







pagdating sa bahay nila RJ ay paunahan sa paggamit ng CR... tapos laro ng UNO cards... hehehe stwateji(hehe di ko lam tamang spelling..). patuloy lang ang laro hanggang abutan kami ng bandang maingay... bale mga umaga na yun, at mga limang minuto lang ang tulog ko (kung tulog 0pa ang matatawag mo dun....)







tapos, sakay agad, punta na satabing dagat... para muling tignan at magpahinga ng tuluyan... pero nung nakita namin ang dagat ay di na namin natiis ang tubig at tuluyang lumangoy.... hay.. ang sarap ng tubig.. ang alat... yung basa na....







hehe marami kamig pinlano... na kakain sa loob ng tent.. wow, maganda yun.. tinayo namin ng may excitement na marami ang tent.. ang ganda nitong tignan... nang nakatayo...







pagkatapos nun, sinubukan naming magpahinga, at dahil naubusan ng upuan at kanin, ay pinauna na namin sila... at kami'y natulog muna.... haay sarap... pag gising... langoy agad... kalimutan muna ang tyan... hehhee (mapupuno rin naman ng tubig alat na inihian ni Jerry eh..)...







wow, swimming mode ulet... talaptalap... hanggang hapon na to.... kanya-kanyang trip ulet...



ibaon nyo ko sa buhangin ng naka indian-sit, para masaya... hehehe nanakit ang paa ko nito... tapos yung tumpok ng buhangin na pinantakip sakin hanggang sa leeg ginawa naming tarpaulin na matigas at pinagta-tumblingan namin to.. kaso nga lang, si RL lang ang ayaw gumawa nito... heheh, kung sabagay, di ko rin naman ma-imagine na gagawin yon no RL eh.. hehehe











tapos pahinga.. kain ng marami, bawi dahil nakulangan ng tanghalian... tapos simula na ng usapang laseng-lasingan... tawanan sila RL at JL... hehehhe laseng kami ni RJ sa royal na iniinom namin... peroo bago yun... umulan... at yung tent na masaya naming tinayo, hindi na nga namin nagamit, kelangan pa naming i-tupi ulet dahil baka masira ang poles sa lahat ng hangin... syempre, ayun, basa kami... ni CJ...










kinaumagahan.. nakisama ako sa mamamalengke... hehehe syempre, minsan lang to kaya lubusin na naten... isang engrandeng agahan ang nagaabang sa mga kasama ko... sayang nga lang yung ibang tinapa, hindi niluto... yun pa naman gusto ko... hehehhe.... yun ang Brunch namin (pinaghalong breakfast at lunch..) tapos, konting pahinga lang ay dagat nanaman ang ka-bonding namin... habang ang ibay nagsasawa sa kakatulog at meron din namang nagu-uno cards lamang lang....





yun na rin ang naging tanghalian ko... tapos, baw nalang ulit sa hapunan.. heheh.. ngayon naman ay si Chamba naman ang binaon namin sa buhangin... heheh na may kahalong sikret messege pa... tapos picture-picture.. heheh.. tapos balik sa tumbling na pagti-tripp.... at ngayon naman, sinubukan naming gawin to sa tubig... sa mga alon... ansarap... grabe.... ang alat talaga ng tubig.. tapos hahampas pa sa likod mo ang malalaking mga alon... (konti lang naman..) tapos inuman sa tubig.. hehhe. kanya-kanyang trip lang yan.. kung san ka masaya... kahit na maalat, basta makapagpasaya lang ng tao, gagawin lahat.... tapos, kung saan iniisip mong makakapag banlaw at magpapahinga ka na ay dun ka maghihiwa ng manok, daliri, at bawang.. sarap!!!



after namin maluto ang pritong manok na may patatas,paminta, toyo, konting suka, at paminta, na maaari nating tawaging adobo, ay doon palang kami nakapag banlaw... ni RL.... hehehe ng sabay.. sya sa labas, ako sa loob ng banyo... pagkatapos, bihis... tapos, laro ulet ng UNO cards... hehe ang talo, pupulbusan ang mukha... gusto ko sanang matalo manlang para may libreng pulbos... kaso ayaw... hehhehe



after nun... linis mode ang mga pogi.... kami ni RJ... balik sa sayaw ng mga laseng.... yung iba, may susubok na matulog, tapos yung karamihan ay magbo-bonfire.. heheh sarap ng buhay.. hehehe.. after maglinis, sunod na kami sa bonfire, kung saan ang ilang mga tao ay nag-perya... at yung iba- star gazing ang trip.. hanggang buaik yung iba galing sa perya.... at dun sila nagsimulang magsaya.. yung ibang di umiinom nag tawanan, potograper mode... hanggang masimuan ang larong Truth or.. truth.. o kaya spin the bottle... hehehe waa kang choice kundi truth ang piliin.. maraming nabuhaytan ng loob at akoy nasiraan.. alam k na rin naman na magkakaganun eh..

***** some text missing*****
tapos nun... konting asaran nalang at uwian na hehehhe

kakabitin noh...

wala ka kase eh......


at yung ang sbrang bung kwento...

Friday, May 2, 2008

Singing Bee...

'Cause i love her with all that I am..


and my voice shakes along with my hands,
and its frightning to be swimming in this strange sea,
but i'd rather be here than on land..
yeah shes all that I see and shes all that I need
and I'm out of my league once again...







isang napaka-gandang kanta from stephen speaks... nakita yung koment sa kantang to sa youtube, 'siguradong mahuhulog sayo ang taong kakantahan mo nitong kantang to...'(tinagalog ko lang...)..kinakanta ko na to 2nd year high school palang ako....



oo, kinanta ko rin ito sa ex ko... at syempre, gusto nyang kinakanta ko to sa kanya dati....



minsan isang araw, pag-labas sa church, after ng praktis.. i sang this song...



sabay namin tong kinanta ng ex-gf ko... habang nakatingin sa mga mata ng isat-isa....



halong pakiramdam ang mga naramdaman ko nung mga oras na yun... nakakakilig na nakakailang...



nakakakilig dahil were singing the song together, nakakailang dahil hindi na kami, two years ago pa... hehehe.. pero ansarap parin tagalang kantahin ang isang song kasabay ang taong minsan nang naging espesyal sayo.... at habambuhay na magiging espesyal....


panapanahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon.... wuuhh.....

Alamat ng tsunaming maliit...

(tanong ni kyo..)

ano ang tawag sa maliit na tsunami?



-ano?



edi tsunano.....