"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Friday, July 25, 2008

Mga kamoteng Jeepney Driver...

July 25, 2008..


Galing ako sa shop nila kuya kiko, papunta sa skul kase me pasok ako... sumakay ako sa jeep papuntang sm..


bilang isang matinong mamamayang pilipino, ay nagbayad naman ako... sabi ko..
'Isang SM po.. Estudyante..'
baryang sampu ang binayad ko at dahil sa pagiging mahinahon ko hinintay ko ang sukli ko...

napansin kong tinignan ako ng kasama ng driver,ang suot ko,uniform kung meron, mukha ko, kung mukha ba kong estudyante... nakita ko na habang nakatingin sya sakin, kumukuha na sya ng panukli na tatlompiso... tapos tumalikod na sya sakin...

habang kinakausap ang driver,di ko alam kung nagtatanong sya... ay biglang nagbago ang hawak nyang barya na panuklit sakin.. naging wampipti nalang... pagkatanggap nong sukli ko, di ko alam kung sasabihin ko bang estudyante ako o hindi... nalungkot nalang ako bilga at umiyak.. (joke..) doon ko naalala ang mga kabulastugan ng mga driver sa buhay ko.. hehehe naalala ko nanaman ang sinulat ko noon sa post na pinamagatang 'Basahan'...

naalala ko rin tuloy bigla ang mga jeep mula SM north hanggang lagro ang byahe... sa tatlong beses kong sumakay nito(ngayong collage) ay di manlang ako umabot ng lagro o ng totoong bababaan ko... nsknsknsk... yung una, sa lagro talaga kami bababa ni lean.. binaba kami sa donya carmen.. noong pangalawa inisip kong bumaba sa fcm... binaba ako sa litex kamote... kahapon, bababasana ako sa regalado sa shop nila kuya kiko... sa may ncba naman ako binaba kamote yan, kelan ba tatama ang bababaan ko..?

hindi ko to sinasabi dahil galit ako sa mga driver, taxi driver ang tatay ko ngayon at wala naman akong nakikita na masama sa trabaho nila... sana lang naman ay gawin nila ng tama ang mga trabaho nila, para maging masaya tayong lahat... at para sulit ang mga bayad natin sa kanila...

dabah?

No comments: