"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Tuesday, July 15, 2008

Pangalawa hanggang huling araw ng H.E. week...

hehehe... eto ang isa pang araw na akala kong magigng maaga akong papasok...

dahil sa maaga akong nagising ay malaki ang kompyansa ko sa sarili ko na hindi ako male-late...

yun ang akala ko... masyado akong maraming oras na nasayang sa panonood ng atashinchi... (sana tama speling)..


hehe martes, araw na lalaban ako para sa skul ng photoshop at macromedia flash, di ko nga talaga alam kung bakit ako nasali dun kase programmer ako... ang tanging praktis ko lang ang ang nakalipas na gabi at basa pa ang brief ko nun dahil naligo kami sa ulan...



di na ko pumunta ng maaga dahil alam ko namang ala-una pa ang laban namin.. kahit na 50 points ang makukuha namin sa pinaka maagang grupo na makarating sa north.. pero kami parin naman ang nanalo eh.. hehhe.. ang gagaling magsisisayaw ng mga taga fairview, pati na rin ang mga taga north.. halos 60% nga ata ng croud noon ay mga taga fairview.. malamang kapag may contest, at may mga taga fairview na kasali.. tapos palakpakan ang basehan ng kung sino ang mananalo, alam na kung sino ang papanigan ng tao.. hehehe lahat tuloy ng contest na sinalihan ng mga taga fairvew, nanalo... hhehe pati yung logo making contest, taga fairview ang nanalo.. natalo natin ang mga taga north-edsa at mga taga cainta... astig..!!!


tapos, uwian.. hehe..


pangatlong araw.. eco park ulet ang location.. ito ang araw na kung saan handang handa na ang lahat ng mga estujante na maligo ulet sa ulan gaya ng unang araw...


kaso nga lang hindi natuloy... 'lam nyo kung bakit... kase yung si (sound like) mang jack, ay tawag ng tawag sa center manager namin dito sa fairview... nagrereklamo kase baka daw mabasa kaming lahat.. kung kelan naman handa na talaga kaming lahat na mabasa... kungkelan may mga baon na kaming mga damit, underwear (yung iba), extra shorts, plastic na lagayan ng mga basang damit... hay... kamote talaga....


maraming napeste nung araw na yung... umabot hanggang sabado ang lahat... yung istorya namin na kukunan sana sa loob ng eco park ay nagbago.. 10:45 sinabi ni mam Joemen na di na kami pede pang magtagal sa eco park dahil may bagyo daw.. at kelangan na namin umuwi.. lahat ng mga kelangang kuhaan para sa music video ay kunan na.. hanggang 11:00 am lang daw kami.. anong makukunan naming ng kulang-kulang 15 minutes...? kaya kanya-kanya nalang na diskarte para makakuha ng eksena para sa music video... dbale first scene lang talaga ang nakunan namin dun.. tapos punta kila fafa james at brain storming para sa mga magbabagong eksena... dun na kami nag lunch at kinunan ang natitira pang mga eksena sa music video namin... tapos-plano-planuhan kung anong mga gagawin pa sa mga darating na mga events... at sa hindi inaasahang pagkakataon ay natapos namin ang buong music video, sempre yung editing, ginawa namin sa bahay ni Rupert.. inabot ako ng alas tres ng madaling araw para putul-putulin ang buong video at pag gising ko ng umaga a y meron na tong transition... ayos... magaling talaga.. tapos uwe... tulog ulet ng saglit sa bahay, at pag gising..


simula na ng pang-apat na araw.. ang alam ko 1 oklak pa kami manonood ng film showing sa skul namin, the love guru ang tittle nun.. pero mas minabuti ko nang pumasok ng maaga para makasigurado.. pero dumating ako ng mga 12 ata dahil kumain pa ko sa bahay at akala ko, ayos lang.. yun lang.. hindi pala.. pagdating ko, sinalubong ako ng batikos.. 'bakit ngayon ka lang?' kakatakot, masyado akong chill pero silang lahat, seryoso... wala akong magawa, tumahimik nalang ako... mamya-mamya konte, kinausap kami ni sir. Joey, biglang nagalit... meron daw mga kaming mga ka-grupo na hindi sumusunod sa designated leaders namin.. kaya pala umiyak si ate Vivian.. tinanong ko pa kung umiyak sya.. umiyak pala sya talaga.. late kase ako eh, kaya wala akong alam.. tsktsktsk.. tapos magshu-shoot sana kami ng commercial bago manlang magstart yung movie, pero nagloloko yung camera.. kaya pinili na naming i-huli yon.. hehehe, natapos ang pelikula at akala ko sobrang nakakatawa sya.. hindi pala... sunubukan ulet na kunan ang commercial.. pero di na talaga na kiki-cooperate ang camera.. bumili kami ng bagong cd pero ayaw nya... di wag!.. nagpunta kami sa bahay nila kuya lo para makapag-practise ng sayaw... hindi nakisama ang panahon, pero saglit lang yun... ayos rin naman... halos natapos namin ang lahat ng kelangang sayawin.. pero bago pa matapos lahat.. nagkaroon ng isang hindi inaasahang pangyayari.. biglang sumuka ng dugo si ate vivian.. kakatakot.. dugo talaga ang sinuka nya.. tinakbo nila sya sa ospital.. gamit ang kotse ni james.. tapos, balik ulet sa praktis.. yung iba, uweng uwe na dahil alas otso na.. heehhe.. malalayo pa ang mga uuwian nila.. gusto ko sana silang ihatid pero... malayo talaga ang tinitirahan nila... tapos isang pasada pa bago sila talagang umiwi.. kami nila sir, naiwan. kasama si kuya rupert at si eco.. hinintay namin na maka balik sila james at kuya lo dahil magkasama sila na tinakbo sa ospital si ate vivian.. kasama rin nila si camille.. pag balik nilang tatlo.. ayun.. konteng kwentuhan at PRAKTIS DAW ULET.. tapos alam na.. tapos nung mga 10 na.. umuwi na kaming lahat.. pagkagising..


panglimang araw na... isa ako sa mga lalaban para sa mga orions sa 'Games of the Geek'... ako ang lalaban sa Turbo C.. gusto ko kasing matalo si lean.. sya lang talaga ang gusto kong talunin.. dahil alam kong matatalo ako kay aerol.. para kaming wala sa contest nun.. tawanan lang at kwentuhan.. pero walang mga kadugasan na naganap.. bilang patunay.. walang nakatapos saming lahat sa pinapagawang project sa turbo c.. pero parehas naming napapa-run ni aerol yung saming dalawa.. after ng competition, kinunan na namin yung commercial sa skul.. gamit ang camera ni ate ruby... tapos punta ulet kila james para perfekin ang praktis ng sayaw ng 70's ang tema... yung kse ang naka-assign samin eh.. natapos namin ang buong sayaw... ng duguan.. hehehe.. ansaya.. meron pa sana akong mga gustong sabihin pero sakin nalang yun... yung iba kong mga ka-grupo, me alam na.. basta akin nalang yun.. hehehe



after naming mag-praktis ng sayaw nakaplano na na pupunta ako sa jam namin ng mga kabanda ko, pero... wala pa kaming ipe-perform na pangboyband para sa kinabukasan.. kaya mas pinili kong maiwan pa ng saglit para makapagensayo kaming lahat.. praktis palang namin ay nababaliw na kaming lahat, sa kakatawa.. hehehe di namin talaga lubos na maisip na gagawin naming lahat iyon.. sa harap ng lahat ng estudyante at empleyado ng Informatics fairview... pero kelangan eh.. kahit na alam namin na sobrang nakakahiya yoon, kahit na graduate na si Rupert, kahit na titser si sir. Joey sa info, at meron syang magandang misis na guro din sa info na maaaring manood sa kanya pagdating ng sabado,kahit na pasado na ang karamihan ng mga midterms ko (kase yung iba di pa dumarating..) di ko na kelangan ng mga plus points.. kahit na walang dahilan si james para gawin ang mga kalukohan nyang yon.. kelangan parin naming mag perform sa sabado ng kahit na anong boy band.. at tatawagin nalang namin itong 'gay' band.. hehehe inspired ng mga kanta ng pussy cat dolls, spice girls at ni beyonce at britney.. lahat sila si james ang nakaisip kaya wala na kaming nagawa kundi sumunod... natapos namin ang praktis ng sayaw mula sa halo-halong mga idea.. mga 8:45 na ata kami natapos noon.. tapos pagdating ko sa ministop, nandun parin ang kabanda ko.. pinagalitan ako kung bakit ako late, kung bakit ako di nagte-text kung makakapunta ba ako o hindi, kung masaya na ba ako sa mga ginagawa ko.. pero natapos ang lahat.. nakapagjam parin kami.. kase kelangan me kakanta ng mga kakantahin ko, kelangan ako lang ang gagawa nun.. pagdating namin doon, na-fail ko sila.. sobrang pagod na ko at si na abot ng boses ko ang mga kanun katatas na mga nota.. pero ayos lang.. umuwi parin ako ng nakangiti at pagod.. kinabukasan...



pang-anim araw na.. eto na ang araw na pinakahihintay ng lahat.. ang sabado.. kung saan lahat ng mga pinagpaguran namin mula lunes hanggang byernes ay mahuhusgahan na.. commercial spoof, mtv, boy band, evolution of dance.. awarding ng mga nanalo sa 'Games of the geek', at kung sino ang (ehem) ang pinaka malakas na grupo noong sem na yon.. sa boy band, pang apat kami.. alam kong isa kami sa mga pinaka-aabangan nood mga oras na yun.. kase sobrang nakakahiya ang mga costume namin.. mini skirt, tube make-up na pang bakla, wigs.. sana talaga hindi nalang yun yung ginawa namin.. pero wala nang atrasan.. kami na ang susunod, umakyat na kami sa stage.. huminga ng malalim at... bugum!!! tumugtog na ang tugtog namin.. kamote..





natapos ang kanta.. buti nalang pag natutuwa ka na sa ginagawa mo, doon biglang bumibilis ang oras.. hindi ko sinasabing natuwa ako sa ginawa kong iyon, nakakhiya lang.. kamote.. tapos maganda naman ang nangyari sa ginawa naming 70's na sayaw bago kami mag-'gay' band.. ayos naman ang pagkakakanta ni ate ruby sa acoustic performance namin, ang comedy skit, na-laos dahil sa mga pinaggagawa namin sa boy band.. tapos change location.. lipat kami sa badminton court dahil meron daw gagamit ng covered court.. ayos lang kase halos awarding nalang naman ang gagawin eh.. hehehe.. unang inawardan ang mga nanalo sa "Games of the geek".. panalo ang Aquila sa Quiz bee.. kamote yan. ayos lang.. hehehe tapos yung nanalo sa Turbo C naman.. akala ko hindi ako yung mananalo kase is aerol ang kalaban ko.. pero ako ang tinawag eh.. hehehe kala ko noong elementary lang ako magkakaroon ng medal eh.. pero mali ako.. nakakuha pa ako ngayong kolehiyo.. ang nanalo sa corel draw, ang Aquila, tapos ang nanalo naman sa commercial spoof.. ang mga draco.. har!.. hehe ayaw ni gian na magpaasar... siya kase ang gumanap bilang Foody Anne Santol sa commercial nilang magic sarap.. hehe astig.. tapos sa kanila rin napunta ang award para sa pinaka magaling na boy band.. hehehe di ko na inasahang kami pa ang manalo dahil diserving naman sila na manalo.. ang best na sayaw, sa hydra napunta.. tapos ang over-all na panalo ay ang

tantananan...

HYDRA.. hehehe

dinaan nalang nilang lahat sa early birds ang kanilang panalo.. eh nung games of the geek nga wala silang napanalunan eh.. nsksnksnk.. basta yun... yun ang lahat ng nangyari sa College week.. nakakabitin noh..

1 comment:

Anonymous said...

anu naman kung wala kaming napanalunan sa games of the geek?
Sabi nga nila binase nila yung scoring depende sa kung anung place ang nakuha nila sa games of the geek. Hindi naman kami mananalo kung puro early bird lang pinanlaban namin. Ibig sabihin lang nun hindi kami nangulelat sa mga laro ng Games of the geek.