"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Monday, July 14, 2008

Unang Araw...

eto ang unang araw nang pinakahihintay namin H.E. week...


na-late ako sa usapan naming 6:30 am sa nova stop kahit na maaga akong nagising... halos 7 na ko nakarating... tapos na-traffic pa..


pag-dating sa Eco Park, lahat ng grupo ay naghihntay pa sa labas ng park, naghihntayan na makumpleto ang lahat.. nagsimula na silang pumasok at kami ang pinaka huli sa lahat..

after noon, bonding moments na agad, isang warm up activity na ang agad naming ginawa.. kelangang-isort ang lahat ng members ng grupo ayon sa edad, birthdate, pangalan, taas, bigat, at pati na ang size ng sapatos.. at syempre tulad ng inaasahan namin.. di kami makakahuka ng kahit na isang score dahil andami namin, hanghirap isort...

tapos hanap ng lugar kung saan mag-iistay ang team.. tapos, isang bonding game nanaman ang ginawa namin.. ang tawag KO dito ay Connection String.. hehehe.. nakuha ko yung terminology na yun sa visual basic.. basta, maganda yung game.. mag tatanong si sir sa grupo tapos pipili ng isang tao, tapos yung tao na yun ang hahawak ng dulo ng string, tatanungin ul;et sya ni sir, tapos, yung pipiliin nyang tao ang susnod na hahawak ng string, dugtong-dugtong lang, hanggang maubusan ka na ng taong mapipili...

pagkatapos nun, food trip naman.. yumyum!! ang sarap ng ulam ko 'ke-bab' ang tawag.. di ko lang alam kung kamag-anak to ni bob marley o ano.. basta patok yun...

tapos game ulet, card game, hulaan mo kung nasaan ang susunod na card sa mga naka-jumble na cards na nakabaligtad... ang matatalo, sasaway kahit na nangdugas na to... napakitaaan namin tuloy sila ng isang malupit na sayaw...

tapos gagawa ng tower using straw, ang hirap kase unang beses ko palang maglaro ng ganung laro.. di pa yun natatapos, ay tinawag na kami para sa isang game na gagawin ng lahat ng team.. ang.. tantananan-tantanaan!! nag: 'Longest Line, sa ulan' syempre maputik yun kaya alam mo na ang nangyar sa pantalon ko, jacket ng kapatid ko, bagong tatak kong t-shirt, vans kong sapatos na peke, at medyas na tigbe-bente.. lahat sila, nabaon sa putik ang ang panyo ko naman ay dinekwat ng mabubuting tao.. lahat kami, baligo sa ulan ng walang kalaban-laban.. at ako naman ay namo-mroblema kung paano ako uuwi dahil wala akong pamalit sa syorts at brief, t-shirt lang.. hanggang sa nagkaroon ng problema, yung sa pila ng mga damit namin, meron akong mga kagrupona nanggulo raw ng ibang grupo at nagsikuhaan ng mga gamit sa linya kaya kami na-disqualified.. and im pissed-off, ni hindi ko man lang magawang ngumiti ke mam joemen sa pangyayring iyon.. isa yung malaking kamote..

wala na kong kinausap nang matino nun.. di na ko nagpapakita sa mga ka-grupo ko, emo mode nanaman.. pero kelangang makisama.. balik ako sa grupo, sinuggest kong gawin na ang kabaliwang ginawa ni (sounds like) mang jak, hawak-hawak ng kamay habang sunisigaw sa ilalim ng malakas na ulan.. unity walk daw ang tawag dun.. dun ko nalang dinaan ang stress ko, at hopefully, nawala naman ang stress ko.. sana nga lang ay di ako magkasakit bukas pag-dating sa north..

kala namin, 2 points lang talaga ang nagawa namin, haggang sa matapos ang lahat at sinabi ang mga points na nakuha ng bawat grupo.. naka-lampas na pala kami ng 50 points.. astig..

tapos super trip naman pag balik ng sm fairview.. namasyal, kumain sa Jollibee, at hindi inaasahang lalaban pa ko ng competition ng flash at photoshop sa north bukas bilang isa sa mga representative ng school namin.. kamote... surprise.!! pero kung walang lalaban, pano nalang, kaya ko tinanggap.. ginawa ko lahat yan sa loob ng SM nang basa ang shorts ko at brief.. nagpatuyo lang talaga ko dito ngayon..

at yun ang unang araw ng H.E. week namin ngayon.. sana maulit ulet yun sa wed.. heheh

babay, patay na ang aircon..

No comments: