"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Friday, October 10, 2008

gibi-gaP

eto ang mga panahon kung saan ako humahanap ng iba pang dahilan para ngumiti.. (pero di naman ako nakukulangan.. ^_^)



September 28... 4th year anniv. dapat namin ng 'X' ko.. na nagkataong kasabay din ng anniversary ng church namin.. isang magandang pagkakataon.. di ko masyadong naramdaman ang excitement ng anniversary namin (ng church) kase nasanay akong twing December ito ginaganap... pero ayos na rin.. marami na rin ang mga nagsipuntahan... isa na sa mga taong yon si khrixa.. hehe ang kikay ng pangalan... pero merong 'something' sa kanya na kumuha ng aking atensyon.. at di ko alam yun...

nilapitan nya ako kasama ang isang kakilala bago matapos ang buong programa... pinakilala kami sa isat-isa, nagkamayan kami, hindi sa paraang iniisip mo (kumakain.. corny..) eto nalang... kinamayan namin ang isat isa, nag-ngitian at nagsimulang bumuo ng isang bagong mundo... hehehe lalim... sa totoo lang, bago ako nakauwi ay pinipilit kong alalahanin ang pangalan nya... kase nakalimutan ko... hanggang sa merong nag text sakin at nag miss call... sya na pala yun... kinuha nya daw ang number ko sa isang kakilala... hehehe

ngayon ay di ko alam kung saan na papunta ang mga pagte-text at pagpupuyat ko.. isang ldr ang parating sa buhay ko.. di ako handa o anuman.. wala naman sigurong mawawala kung subukan natin... baka may masmagandang mangyari kung susubukan natin... espesyal na sya sakin ngayon... at pinapangiti nya ako sa twing nawawalan ako ng dahilang ngumiti... binibigyan nya ng pansin ang walang kwentang pagkatao ko.. malamang kase isang beses palang kaming nagkikita at di pa namin masyadong nakikilala ang isat isa... hehehe ang labo ng emong author nyo... basta.. sayang naman ang libreng internet dito sa skul eh... kaya lubus-lubusin na natin... hehehe..

sana nararamdaman nyo ang emosyon ng post na to... kung meron man kayong nakita o gustong sabihin, malaya kayong m ag comment... wala namang bayad eh... hehehe... pede rin kayong mag-subscribe para malaman nyo kung meron nang mga bagong post.. salamat!!

No comments: