"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Wednesday, May 13, 2009

bakasyon syndrome

matagal na mula noong huli kong post sa blog ko... di ko na nga natatandaan kung tungkol saan yung huli kong sinulat, bigla ko tuloy naalala, joke pala yun.. inisip ko kasi eh... hehehe..

alas dos na nang madaling araw.. naisipan ko lang sumulat ng kung anu-ano para kung sakaling makapagnet, ay ika-copy-paste ko nalang to sa blog ko...

sya nga pala. may sarili na kong computer at walang internet pero sa palagay ko, sapat na to..

mayroon pala akong kopya ng unang tatlong episode ng maRIMANDO at ni ESSERyo, hehehe... halos dalawang summer na ang lilipas at di pa natutuloy ang swimming nila kasama ni JERTHOcrusdthird... yaan nyo. may tamang timing ang lahat...

marami nang nangyari sa buhay ko mula nang huling kwento ko tungkol kay krixa.. may dumating na after ng kwento namin.. walang kulay at lumipas syang muli, minsan na ring umuwi ng bahay namin ang kapatid kong namamaga ang mata dahil napagtripan daw ng mga galit sa frat.. pumogi na rin ako at alam kong matagal nyo nang alam yun, na nagjo-joke lang ako... hehehe.. naka sama ako sa fieldtrip ng skul namin, nakasama ako sa isang youth camp, marami na rin akong mga taong nakilala, nag turo sa VBS bilang music teacher, sayaw at kanta sa loob ng 5 araw, at umabot ng 540++ at mga estudyante namin, di pa ko nagpapagupit (eh anu naman?), naging MC sa isang barangay prayer rally at di naligo na 4 days dahil sa katamarang dala ng bakasyon..

narinig ko na ang huni ng boses ni inay na nagsasabing "baloong... tulog na..." mothers knows best, kaya babay... gotosleep... hehehe †

No comments: