hehehe sa ngayon ay bagong reformat tong pc ko, para syang bagong ligong bata na wala ka pang dungis na makikita, pero sa sobrang linis nya ay wala naman akong masyadong magawa sa kanya kundi makinig ng mga tugtog, maging emo, at alalahanin ang nakaraan...
may nakalimutan akong bilhin kaya malamang al di nanaman ako makatulog nito nang maayos..
naka halukay ako ng cd at natuklasan sa kapatid ko to.. emo kasi yung mga kanya, di ko maintindihan yung lyrics masyado dahil di ko sya alam, di naman sya masyadong maingay para mas piliin ko ang matulog, pero sapat na para pakinggan ko sya (yung iba kase, sa sobrang garalgal ng boses, di ko na pinakikinggan kase baka maputol yung litid ng kumakanta sa kalagitnaan ng kanta, baka mabitin lang ako.. hehehe)...
habang nagsusulat ako ngayon ay kasabay kong pinupuno ang mga inbox ng mga ka-churchmate ko na nagpapauso ng GM (group message).. sa ngayon, ay tinulugan na ako ng mga ka-GM ko at dahan dahang napupuno ang mga inbox nila sa mga walang kwenta messages ko tulad ng: *nagiisip ng maig-gm...* bgm:(basta emo may ganireng lyrics... "the love the love, throw it all away... the perfect dates, the sweetest kisses, the love the love, throw it all away" alam ko title nito, nakalimutan ko lang.. hehhe)
hehehe, habang tumatagal na kapapakinggan ko sila ay di maiwasang maging emosyonal ako ng di inaasahan... hehehe.. emo ako kung yun ang tawag doon, pero hindi sa paraang makiita mo sa kalye na yung mga batang nakasuot ng masisikip na pantalon, itim na eye liners, at naka damit pambabae.. di ko alam pero sadyang malungkutin lang talaga ako.. madalas akong mag-dwell sa mga bagay na hindi dapat pag-dwellan, masasaktan lang ako pero parang sa ganoong paraan nalang ano nasanay na mabuhay kahit na alam kong mayoong Isang tunay na nagmamahal sakin ng sobra...
di ko alam kung nakapagsulat na ako ng ganitong tema sa nakaraan, pero feel kong syang isulat ngayon eh... hehehe, ganito kalakas ang impluwensya saatin ng mga musikang pinakikinggan natin, nakakaapekto ito sa ating emosyon...minsan, ang mga pinakikinggan natin ang naguudyok saatin na gawin ang mga bagay na nagagawa natin.. kaya may mga taong nagpapakamatay, pumamatay, nagpapapatay?, naggagahasa, mainlove ng sobra sa isang iglap, lumuha ng di inaasahan, lumapit pag may altarcall, sumayaw habang tumatawin, humedbang sa fx, at yakapin ang mahal natin... nakakatulong ng husto ang mga napakikinggan natin para gawin natin ang ilan sa mga nasabi ko, ewan ko lang kung papayag kang magpapatay kung marining mo ang "highway to hell" hehehe... marami na kong nasabi...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment