hehehe muli ay bagong ligo nanaman ang computer ko.. at sa mga unang araw nito ay para lamang syang isang napakalaking mp4 na kailangang i-plug para gumana.. Walang games, wala pang masyadong pictures para pagexperementuhan.. kaya mas pinili kong magbasa ng halos maghapon kesa mag-solitaire lamang o maglaro ng freecell at kumonsumo ng kuryente, tulad ng ginagawa ko ngayong madaling araw..
kahit na hindi ko masyadong kabisado ang lyrics ng kantang Beauty and Madness ni Fra Lippo Lippi ay walang palya nitong kinukurot ang aking puso sa pamamagitang ng himig nito.. hehehe..
bigla ko tuloy napansin, na kapag titignan mo yung drive c mo eh naka-ngiti pero yung drive d, nakasimangot.. siguro sinadya yun ng nagibento ng computer.. hehehe baliw?.. maghapon na kasing si Dan Brown ang kausap ko eh, tas tulog, kain, kaya tumataas ang body fat index at body fat mass ko, noong nakalipas na term, normal lang ang estado ko, noong wednesday, tuluyan nang napatunayan na "Tumataba na talaga ako.." kamoteng katotohanan yan, kelangan nang magbago, kumilos para di tuluyang magaya sa mga causcasian na karamihan ay obese (parang si roel dati.. joke).. endure.. sana makayanan kong bumalik pa sa dati kong itsura.. hehhe... tomguts na naman ako pero kunwari lang ako na di ko to pinapansin, sa totoo lang tinatamad lang akong kumain (lalo na ngayong alas dos y medya ng madaling araw..) so yun lang.. hehehe
BGM: the yes yes show, parokya ni edgar feat. Francis Magalona.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment