-Huwebes-
ehehe.. muli ay nagmimistulan nanamang malaking appliance tong pc namen.. bago syang re-format at bagong ligo sya ulet... ehehe.. hindi na sya maituturing na malaking MP4/MP3 player kase nasira na yung installer ko ng sound driver, kaya eto, fm mode ako sa speaker ng pc/radyo namen.. hehehe..
sa kasalukuyan ay mahigit nang 200 ang pinatay ng bagyong si Ondoy at marami pang nawawala, at nababalita pang si Pepeng, na isa ring bagyong susunod sa kanya, ay apat na ulit ang lakas kesa kay Ondoy.. Sabi ng PAG-ASA na baka bukas pa sya ng gabi o sa sabado ng umaga pa natin mararamdaman (hwebes ngayon [October 1, 2009]).. Halos isang linggo na ang lumipas pero marami paring mga lugar na binaon ni Ondoy ang lubog parin sa baha..
Kahapon, sasama sana ako sa isang kaibigan na magpupunta sa SAGIP-KAPAMILYA para mag volunteer.. gabi palang, excited na ko, naging aktibo ako at parang di pa makatulog kase makakatulong ako kahit na papano sa mga nabiktima ni ondoy.. nagpagising ako ke mama nang maaga para makasama, nagising naman ako, tapos sinabi ko sa utak ko: " 5 minutes lang, tatayo na ko.." sabay pikit, nagising na ko nang isang oras lampas sa pinagusapan naming oras, ayun, nalungkot ako at ipinagpatuloy nalang ang pagtulog.. wahh... at hanggang ngayon ay nanghihinayang parin ako sa nangyari sakin.. hehhe..
-Byernes-
actually, sabado na ngayon kase maga-alas tres na ng umaga... mejo nagpaparamdam na si Pepeng, at tila mapapasarap ang tulog ko nito mamaya maya ng konte, ayaw maginstall dito sa Windows 7, bumabagal PC ko.. hehehe, ewan ko ba...
Ayon sa mga balita ay medyo humina na raw si Pepeng at parang lumilihis na rin sya ng direksyon.. sana lang ay madale na nya rin yung lunes kase wala pa kong pera sa mga panahong iyon.. hehehe.. at pag nagkaroon ng pasok ay ga-graduate na ko sa mga absences ko, ayayay...
base pari sa mga balita ay bukas pa ng gabi tatapak sa lupa itong si Pepeng sa bandang Northern Cagayan.. malayo na yon pero tatamaan parin ang manila ng malakas na ulan pero hindi na raw kasing lakas ng dala ni Ondoy kase medyo malayo naman sa NCR si Pepeng... hehe... siguro natatwa si lean, o napapangiti, sa twing naririnig o nababasa sa mga balita ang pangalan ng bagyong si 'Pepeng' siguro nabibitin sya.. hehehe... peace men.. yung lang muna..
-Sabado-
Ngayon medyo nararanasan ko na ang lakas ni papa Pepeng.. pero hindi sya tulad nang kay Ondoy kase medyo malayo sya ngayon sa manila.. nasa Cagayan ata sya ngayon eh.. Hindi rin totoong ngayon gabi pa sya tatama sa luma, sa totoo lang, kaninang mga alas-tres pa nang hapon lumanding sa bandang Cagayan tong si Pepeng.. balita ko eh medyo humina pa nga sya ngayon, at kung magtuloy-tuloy pa, baka sa lunes pa ng hapon sya makaalis ng bansa...
293, bilang ng mga namatay, 42, nawawala at 645,697 na pamilya ang nawalan ng tirahan dahil kay Ondoy, at ngayon ay ume-epal na agad tong si Pepeng, 'Pepeng pasikat, yayyy'...
May klase na daw sa lunes at parang nalulungkot ako kase wala kong pera at pag umabsent ako, ga-graduate na ko, nasabi ko na ata to eh, hehe..
-Linggo-
Ngayon ay di naman masyadong maimpluwensya dito sa manila ang lakas ni manong bagyong Pepeng, makulimlim ang langit pero walang masyadong ulan, kaninang madaling araw lamang... dahil sa lakas ng ulan ng madaling araw ay mayroon poste ng meralco ang naputol mga ilang kanto ang layo sa bahay namin..
mabuti nalang meron akong mabuting kaibigan at nakautang ako ng pamasahe ko para sa shcool bukas, kahit na one-way lang, niligtas nya buhay ko sa pagkaka-drop..
mahangin ang araw na to kaya mula ala una y medya ay nakatulong ako hanggang ala-sais ng gabi.. sarap..
-Lunes-
Balik sa eskwela mode, hindi ako na-late at niligtas pa ko ng isa kong ka-klase't kaibigan para makauwi ako.. hehe
Hindi na masayong maramdaman ang lakas ni Pepeng at hindi sya maka alis sa kinalalagyan nya ngayon dahil sa 'Fujiwara effect' na nilikha nila ni Quedan, ang pinaka-latest na bagyong pumasok nanaman nang walang pahintulot sa teritoryo ng Pilipinas.. Napapabalitaang hindi naman tatama sa lupa itong si Quedan kaya maganda kung sa maganda ngunit medyo hindi pa aalis sa kanyang pwesto itong si Pepeng na sa kasalukuyan ay nasa bandang norte ng Luzon, sa may ilalim lang ng konte ng Batanes Group of Islands..
At diyan po nagtatapos ang weather report, ako po si Sma, Nasa-Bahay News update.. \m/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment