"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Tuesday, October 6, 2009

Pag-iibiga...

Ito ay tungkol sa isang istorya ng pagiibigan na naudlot..



Si Sam ay isang lalake, mahiyain at iyakin nung bata..
sumasama sya lagi sa pamilya nya, noong bata pa sya, na magsimba, hanggang ngayon din naman hehehe.. Noong bata pa sya, habang nasa isang sunday school, syempre mga bata, uso ang asaran.. Inaasar ni Sam si Flora, isang batang babaeng cute pero di pansin, na may crush daw ito sa kanya.. Todo tanggi si Flora at halos umiyak na sa kakasumbong sa ate ni Sam na wala nga syang crush dito..

Lumaking may magandang kalooban at pisikal na anyo si Flora at twing linggo ay nagkikita parin sila ni Sam sa simbahan at naging magkaibigan (friend palang ah.. mamaya pa yun, hehe)..

High school mode na at marami nang nakasalamiha na mga tao itong sina Sam at Flora.. 2nd year high school at mayroong nakilalang isang babae itong si Sam, Iako ang pangalan nya, may magandang physical features at isang palabang babae, hindi nagpapa-agrabyado at kung tinalo mo sya, matutunaw ka sa mura.. hehehe... Nabighani at nabulag sa kagandahan nya si Sam at tinanggka pa nito ligawan ire... sa isang magandang kiasunduan ay tumigil nalang si Sam sa panliligaw nya kase mayroong mas magandang deal itong si Iako kesa makipag relasyon at tulad ng isang masakit na katotohanan, masmabuti silang magkaibigan..

3rd year high school at patuloy ang pagkakaibigan itong si Sam at is Iako, si Flora naman ay patuloy rin sa kanyang high school life, sa hindi inaasahang pagkakataon, ay nagkaroon ng paghanga itong si Flora kay Jes na matalik na kaibigan at ka-klase naman si Sam. Laging nagpapaligsahan si Sam at si Jes sa kanilang mga quizzes, exam, etc. lalo na sa math at chemistry.. Hindi nagpapatalo ang isa sa isa, pag dating ng pagtatapos ng taon, si jes ang nakakuha ng Top 2 sa klase at pangatlo lamang si Sam..

4th year high school na si Sam at Jes at dahil sa nasa top 2 at 3 ang dalawa ay naging magka-klase muli sila at napunta sa isang section.. Unang araw nang klase at si Jes ang pinaka-late na dumating sa klase, buti nalamang at kilala nya karamihan ang mga kaklase nila ni Sam sa section na iyon.. Sa section ring iyon napunta si Flora, inisip nyang lumipat ng section kase nandun yung crush nyang si Jes ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi sya nakalipat ng section at naging magka-klase silang tatlo... Hindi nya..



Itutuloy..

1 comment:

KARAP said...

wow....muntik bitin ah...