Kahit kelan ba pwedeng ma-late magkwento tungkol sa mothers day?
kung parehas tayong hindi ang sagot, magsisimula na ako..
kung o-oo ka jan, please press the backspace button..
si mama yung nagaalis ng uban ko..
kahit gabi,
kahit ginawa na nya yun five minutes palang ng lumilipas,
kahit alam nyang wala na kong uban,
kahit nagta-trabaho na ko,
kahit may wax buhok ko..
si mama yung laging nagmamasahe at kumakamit ng likod ko..
pagkagaling sa trabaho,
kahit habang nagluluto sya,
kahit habang naglalaba sya,
kahit wala na syang kuko,
kahit puro sugat na likod ko,
kahit di sya marunong mag masahe..
si mama yung laging nakangiti..
paguwi ko galing trabaho,
kahit namomroblema kaming lahat sa pera,
kahit maraming labahan syang nakatambak,
kahit sunong na yung sinaing (o kahit hilaw)..
si mama yung unang nag magturo sakin ng mga bagay,
si mama yung laging bilib na bilib sakin,
si mama ay si mama
kahit maingay sya,
kahit may kota ang mga inay na maglabas ng 20,000 words per day, at super sobra ang ginagawa nya kesa 20,000 words lang,
kahit iba sya,
kahit loko loko sya,
kahit na ilang beses akong ipapanganak sa mundong ito, kung hindi sa kanya ako maggagaling, at di rin cesarean, aatras ako.. wahahaha..
mahal ko si mama, walang pake - alamanan..
Vilma N. Mangente
1963 - Present
Buhay pa nanay ko
1963 - Present
Buhay pa nanay ko
No comments:
Post a Comment