"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Friday, July 15, 2011

Maskara

Matagal ko nang magsulat tungkol sa mga kaekekan na naiisip ko..

Maskara..



ano nga ba ang maskara? ayon kay pareng wiki, ang maskara daw or
"A mask is an article normally worn on the face, typically for protection, disguise, performance or entertainment."
Ginagamit para sa proteksyon, pang balat-kayo, sa pag papalabas o pangaliw. Ang maskara ay dilamang natin nakikita ang maskara sa twing may mga Halloween party o iba pang pagtitipon na kailangan ng maskara. Maging ang maskara ay nagbabalat-kayo rin..

kapag wala akong magawa, napapaisip ako, 'bakit kelangan ng ganito ang tao?' kase may tinatago sila. At mas madaling magtago kung may maskara. sa likot ng utak ko, ito ang mga naipon kong mga maskara.

ang Shades ay maskara.
ang "Make-up" ay maskara.
ang damit ay maskara din.
ang buhok ay maskara.
ang boses ay maskara.
ang magandang kutis ay maskara.
ang katahimikan ay maskara.
maging ang Ngiti ay maskara.
ang salitang 'Ayos lang' ay maskara.
minsan, ang pakikipagkaibigan ay maskara din.
ang kasinungalingan ay maskara para sa masakit na katotohanan.

alam ko, marami pa ako sa listahan ko eh, kaso bumibigay na ang utak ko sa antok para magisip pa, baka iba lang masulat ko.. hehehe



No comments: