"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Monday, September 19, 2011

Bakit Ngayon Pa?

hehe.. bakit ngayon pa nga ba?


teka, ano bang gusto kong sabihin..?


pag ibig nanaman.. ehhehe


bigla lang kasi eh.. hehe.. sa tagal kong single, dami ko na namiss..


hehe.. oo, sa totoo lang, sa tagal kong single, nakalimutan ko na ata lahat.. pati manligaw.. hehe nakakamiss lang talaga ang mga bagay na ginagawa mo sa mahal mo pag single ka na.. pati yung mga ginagawa nya, nakakamiss din, sobra... ano yung mga yun? hehe.. sige, isusulat ko pero in no particular order, depende sa maisip ko lang..

una siguro yung yakap.. sa twing umuuwi ako sa bahay, nagpapayakap ako sa pamangkin ko ng sobrang higpit, kahit sobrang liit palang ng mga braso nya, kahit di nya talaga kaya, magkaroon lang sya ng pasalubong at yakap naman sakin, tas kiss, tas bless.. iba kase yung yakap sa kiss, at holding hands... para sakin, parang mas ramdam mo na mahal ka habang nasa gitna ka ng mga braso ng mahal mo.. parang langit, nakakatanggal ng pagod, nakakamiss..

pangalawa, yung holding hands.. eto yung ginagawa ng magkarelasyon sa mga mall, o kahit habang naglalakad lang.. at di pedeng gawin ng magkaibgan lang (lalo na pag lalake).. ang pagkakaroong ng isang taong hahawak sa kamay mo sa kahit anong sitwasyon ay isang napakagandang bagay.. at lubhang nakakamiss din.. having someone to hold your hands means meron kang taong mapagkakatiwalaan, at pagkakatiwalaan ka rin bago ang iba.. ang pagkakaroon ng taong hahawak ng kamay mo pag may problema ka, pag may ginawa kang maganda, pag may kaguluhan o kahit na wala, kahit nagkita lang kayo, ay isang bagay na nagbibigay sakin ng ngiti..

pangatlo na siguro yung mga halik.. kiss and tell na to.. sa mga nakalipas kong relasyon, yung una lang yung nakiss ko.. wala kase akong chance dun sa mga sumunod eh.. hahaha.. okay na sakin yung kiss sa pisngi pag uuwi, pag ayaw nyang sabihin na "ayos lang ako", pag walang salitang lumalabas sa bibig nya pag gusto nyang sabihing "mahal kita.."

pangapat yung tiwala.. iba yung tiwalang ibinibigay natin sa kaibigan natin, iba sa mas close, iba din sa closer friends.. at syempre, iba din sa mga mahal natin at lalo na sa mga kapareha natin.. masarap yung pinagkakatiwalaan ng isang tao, lalo na mahal mo at mahal ka rin.. pano mo nalamang pinagkakatiwalaan ka? mapapansin at mararamdaman mo yun, kung di mo nararamdaman, dalawa lang yan, inutil ka o di ka nya talaga pinagkakatiwalaan.. kase, magkukwento yan ng mga bagay na alam nya ikaw lang ang makakaintindi, at alam nya, kakampihan mo sya..

tapos yung ngiti.. iba talaga ang nagagawa ng ngiti.. napakasarap tumingin sa ngiti ng isang tao.. lalung lalo na kung alam mo na yung ngiting iyon ay para sayo.. ngayon, nakikisarap nalang ako sa ngiti ng ibang tao para sa iba.. basta, napakasarap sa pakiramdam ang ngitian ng mahal mo..


syempre, yung pagibig.. pakiramdam mo may sasay ang pagkalikha mo sa mundo kung alam mo na may nagmamahal sayo..  masarap sa umaga paggising mo, ngingiti ka nang di mo alam ang dahilan, tas excited kang makita ang mahal mo.. pag inlove ang isang tao, they tend to do good things.. at isang napakagandang bagay yun.. bale pag sinasaktan ka na, di ka na mahal, akhit ano pa sabihn nyan..

syempre pinaka nakakamiss yung kapareha, ka-partner, "Sya".. yun na yun eh... ahahaha

3 comments:

Anonymous said...

gnun tlga kahit nmimiss mo man ang mga gnyang bagay.. drtng dn ung pnhon n mkkklala mo ung pra sau.. :) ms msrap ung yayakap sau is yung taong mkksma mo hbng buhay.. di lng pra my mksma sa ngaung pnhon.. :)grbe bob ong k tlga ng mkbgong pnhon.. whhhoooo!!! gling :)

ismaforshort said...

binasa ko ulit yung buong post, sumakit yung mata ko kase nagkakaroon ng mga imaginary lines akong nakikita, dami kase nakasulat, naiiyak tuloy ako.. lalo na sa part nung "Mga halik.."

Grabe nakakamiss..

Kung darating yung taong iyon sa tamang panahon at kung masmasarap yung yayakap sakin ay yung makakasama ko habangbuhay, at di para sa ngayong panahon lamang, ibig sabihin ba nitoy masasaktan muna ako ng matagal tagal bago tunay na lumigaya?

pero gayun pa man, ayos lang.. nasasanay narin ako eh.. pero di ibigsabihin ng pagkasanay na yun ay handa na kong sumuko, di pa sapat ang mga dahilan, kahit saksakin pa ko ng mga unggoy sa San Francisco, handa akong maghintay, mabuti ang Lord.. di rin naman basta basta mawawala tong nararamdaman ko, at gaya rin ng sabi ko sa luma kong post, "once special, always special.." hehehe.. kaya ko namang ngumiti nang walang emosyon at dahilan eh.. parang baliw lang.. ehehehe ang haba ng comment ko, parang bagong post na rin.. bwahahha

Nerjateen said...

my mga bagay tlgang sadyang hindi maintindihan.. naranasan ko na ang mga bagay na yan pero bigo pa din ako sa inaakala ko..

sa ngyon inaaliw ko ang sarili sa pagiging SINGLE...

mas nkakakuha ako ng kasiyahan at nakokontento ako sa simple mga bagay na nakalimutan kong gawin nung my karelasyon ako..

lahat ng un ay ibinabalik ko ngyon..at natutunan ko na dapat mas mahalin mo muna ang sarili mo bago mo mahalin ang iba..

kc pag mahal mo ang sarili mo, kaya mo ulit magmahal ng buong buo.. ^___^v