simple lang.. para di ka makaperwisyo sa buhay ng dati mong karelasyon.. at ng buhay ng mga taong sa kasalukuyan ay nakapaligid sa buhay nya.. at para makapagfocus ka na sa buhay mo, para makahanap ka na rin ng bago, at matapos mo ang mga dapat mong tapusin..
What did you do to really move on?
tae, tinry ko na ata lahat.. pero isa lang ang siguradong gumana sakin kahit joke lang yun.. sinubukan kong lumayo para di ko sya makita, ending: mas namiss ko lang sya at nagte-text ako sa kanya na.. "namimiss nanaman kita..".. ginawa kong umiwas sa mga lugar na pinupuntahan namin lagi, ending: isang beses lang ulit akong nadaan dun at bumalik ulit lahat, nagtext ulit ako.. ginawa ko rin pumasok sa isang relasyon (actually, dalawa) nang walang plano, para siguro, iba na isipin ko.. ending: na-realize ko na walang tama sa pinaggagawa ko, kaya tinigil ko nalang.. ano yung gumana na joke lang? i thought i have found someone to really replace her.. hehe, sana nga naging sya nalang kaso di pede.. dito pumapasok yung taeng kasabihan na "masmabuting magkaibigan lang kayo.." kesa masira pa yun, eh ginawa ko nalang biro ang lahat, at dun ko nalaman na ayos na ko.. mas naging close pa kami ng taong yun kahit papano..
Is the process of moving on hard?
takteng tanong yan, kaya nga nagmo-move on ang tao para di na sya masaktan, pero gaya rin ng sabi ko, kelangan din masaktanng isang tao para sya magising.. tae, masakit.. sa araw araw, (or every sunday) na nakikita ko yung "x" kong iyon, di maiiwasang mapaisip.. kahit nung nagkaron na sya ng bf, umasa parin akong "sana balang araw, babalik ka rin sakin..".. siguradong darating yung mga panahong sobrang malulungkot ka ng sobra (as in "SOBRA", gusto mo umiyak, di mo alam bakit..).. sa prosesong ito, ginawa kong bato yung puso ko, sa twing nakikita ko sya, yung mukha nya, yung ngiti nya, umaasa akong sana sakin yun, pero di na pwede.. so ginawa ko ngang bato ang puso ko, I pretended that I never loved her.. para akong masamang tao.. para wala talaga akong pakealam sa kanya, kahit konte, na syang pinagsisihan ko nang husto.. at ipinangako ko sa sarili ko na di ko na ulit gagawin yun, sa kahit na kanino..
Have you moved on?
Kung paglilinay-linayan ko lahat ng mga nangyari at ang mga nangyayari ngayon sa buhay ko, masasabi kong tunay na kong nakapagmove on.. ngayon, pagnasasaktan ako, iba na ang dahilan, at yung dahilan kong iyon ang rason kung bakit ako ulit nakapagmove on nang tunay.. at patuloy na humihinga..
No comments:
Post a Comment