"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Saturday, October 29, 2011

MASAYA


oo masya, halos di nga ko nakatulog sa sobrang saya eh..

teka, bakit nga ba ko masaya?

sige syempye si brad..

ito ang buong istorya..

nung nalaman kong bigla syang nagkagusto kay domo, isa lang naisip kong ibigay sa kanya..
mga ilang buwan din dumaan bago ko sya mabili.. ibinli ko two weeks before her birthday.. balak ko talagang ibigay sa birthday nya kaso (1) di ko naman sya makakasama nun kahit gano ko kagusto.. at (2) mayroon lamang 7 replacement policy yung comic alley kaya kelangan kong maibigay agad sa kanya para if ever na maliit sa kanya, pede pang palitan.. ^_^..
 






Parang ganito yun eh..
syempre di lang yung regalo ang mahalaga.. kailangan espesyal din yung lagayan nya..

Plan A:  ilalagay ko sa rectangular box yung jacket tas babalutin ko ng brown na crepe paper  tas gagawing parang domo rin yung itsura.. di na tuloy kase wala akong makitang box na magkakasya sya at yung paglalagyan ko naman kung sakali nung box ay sinira ng isang kaibigan na napahiya.. hehehe

Plan B: Paper bag.. sa Papemelroti ako nagtingin.. nagtanong ako sa tindera, "miss, yan lang po yung paper bag nyo?" habang tinuturo ko yung mga pink na paper bag.. "ano ilalagay sir" tanong ni ate.. "yung kakasya po ito.. " nilalabas ko yung jacket sa bag, inabot ko kay ate para sukatin nya sa paper bag.. "ang mahal naman.." sabi nya, di ko nalang sya pinansin.. "wala po bang kulay brown?" tanong ko,di kase bagay yung pink eh, floral pa.. "ito po sir, plain lang.." "yan po sakto!" sabi ko... sinukat ulit ni ate tas sinabi nya ulet.. "ang mahal.." binayaran ko nalang yung paper bag.. hehehe.. tas lipat naman ako sa national bookstore, kung saan 3 hours na kong naglilibot kakaisip kung pano ko ibabalot yung jacket.. bumili ako ng kokomban (bond paper), red colored paper, cutter, permanent marker, at double sided tape.

di pa ko nakauwi agad kase biglaan kaming nagkaroon ng mini reunion ng mga klasmeyts ko nung 1st year highschool.. bale bitbit ko lahat ng yun habang nagbi-videoke kami, kumakain, naglalakad nang di alam kung san pupunta hanggang dumating ang panahong mapunit na yung handle ng bag kase may napahiya.. nakauwi ako ng lampas alas dyis ng gabi, pinlanog tapusin lahat bago magalasdose at di yun natuloy.. natagalan akong buksan ng pc ko at paganahin ang mouse.. nag edit sa photoshop, nakikipagbuno pa ko sa kuryente namin kase pag maraming nakabukas na appliances, namamatay lahat (ewan ko lang talaga kung may naka-tap sa kuryente namin..) .. kaya badtrip.. buti gumana na yung computer nang maayos pati na rin yung printer.. high school mode.. arts and crafts chorvanez.. print tas ica-cutter tas pepentelan yung gilid ng papel, tas lalagyang ng double sided tape tas ididikit sa brown paper bag.. whoala! nagmukhang si domo na ang bag.. hehehe at inabot ako ng alas tres sa paggawa nun pati na rin sa pagsulat ng message part of the gift.. hehehe

And there was evening, and there was morning—the first day. in other words.. kinabukasan...

paggising ko ng umaga, pagkatapos ko mag-prepare bago pumasok sa opis, kinuha ko yung domo na bag, di na sya sealed nang husto, bumigay yung double sided tape, tae yan, pano na? sabay nagtanong si papa "Para kanino yan? bakit brad nakasulat?" "Sa katrabaho ko.." "Brad? Lalake? Bakla kaba?" tignan mo yan, napagkamalan pa kong bading.. potek.. "babae yun! yun yung nililigawan ko sa opis.. brad yung tawag ko sa kanya.." sabay labas ng pinto.. hehehe

diretso ako ng robinsons nova para bumili ng masking tape sa national bookstore.. tas niremedyohan ang bag na di na sealed nang husto sa bus, habang bumabyahe.. pagdating sa opis, sakto wala masyadong tao, parang late nanaman kasi ako tas naka-duty na ang lahat, at wlang nakakita na may bitbit ako na domo na paper bag..

alas tres, uwian ni brad, normal nalang na ihahatid ko sya, pumayag naman si boss eh.. hehe.. un lang yung tyempo na hinihintay ko.. binigay ko yung bag, at sinabi kong ako lang yung gumawa nung domo dun.. cool, pasikat.. hahaha... tapos, di nya muna binuksan.. usap konte hanggang sa paglabas ng building.. doon nya binuksan, habang naglalakad kami sa kainitan ng edsa. hehehe ewan ko lang kung may idea na sya na yung yung ibibigay ko sa kanya, pero alam ko, alam na nya un.. nagulat parin sya, napasigaw, tas tinalon ako ng yakap (ang sarap talaga sa pakiramdam..).. nag blush nang mga 5 minutes tas natameme habang naglalakad kami.. sobrang saya ko talaga nun kase nagustuhan nya yung binigay ko.. hehehe.. hanggan dito nalang, kase masaya yung title e, dapat masaya lang.. :D

No comments: