"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Saturday, October 13, 2012

Recap


nagiisip ako ngayong ng kahit anong pede kong isulat ngayon.. sa totoo lang matagal na naman akong di nakapag sulat at sa notepad ko palang to sinusulat ngayon (parang wala kase akong balak na ilagay to sa blog ko eh..)  sa haba ng panahon na di ako nakapagsulat nitong taon, ay marami na namang nangyaring magaganda sa buhay ko. di ko palang naishe-share kase wala nga akong oras para makapag-sulat muli.. hehe, pasensya naman po.. :D

para simulan tong ahm.. kahit anong sinusulat kong ito ,mapa-blog post man ito o kahit ano, ay nagisip ako ng tema o subject ng gusto kong sabihin.. mahirap magisip kaya naisip ko nalang na isusulat ko dito ang lahat na kahit anong nararamdaman kong kaya kong sulat sa kasalukuyan...

masikip
mataba
mahirap huminga
barado ang ilong (pero di ito ang dahilan ng hirap ko sa paghinga kase hika talaga ang sanhi nun)
pagod
busog
tuyong mga labi

bored (kaya ko nasimulang isulat ito dito sa office)
naghihintay
gusto nang umuwi (9:02 pm na ngayong October 10, 2012 birthday kahapon ng mahal kong pamangkin.)
medyo iritable (sa di malamang kadahilanan)
muling nagpapanggap na kunwari isang "artist" (sa pamamagitan ng pagdrowing ko ng isang failed self portrait kanina na hindi ko kamukha at pagsusulat muli gaya nito..)

nalulungkot
may namimiss
may gustong makita
may gustong muling makita (parehas lang ng namimiss, pero hindi ito yung taong kasama sa mga huling mga post ko last year)
gustong makatanggap ng yakap (matagal ko ng gustong maranasan to ulit..)
nagpaplano ng mga di tiyak na plano..
namomroblema

sa totoo lang, hindi ako sigurado kung naisulat ko nga ba sa itaas ang lahat ng mga bagay na magsasabi ng kalagayan ko ngayon.. pero sa tingi ko, ay sapat na ang mga iyon.

matagal na akong di nakapag sulat at sa haba ng panahon iyon, sigurado akong marami akong kwentong ibabahagi sayo, sa iyo na bumabasa nito.

parang mapapadalas ang pagsusulat ko sa mga darating na araw, abang abang lang :D

No comments: