we, my friends and i, trekked Mt. Makiling last November 4, 2012.. Day hike, maaga ang call time, kaya para maka sigurado... di na ako natulog.. 3 am, umalis kami ng manila at around 5:30-6:00 nasa sto. tomas batangas na kami para makapag prepare sa hike.. :D then we start trekking..
para medyo makapaglibang-libang ng konte ay kinakausap namin yung guide namin (pero nakalimutan kong itanong yung pangalan nya..) ng kung anu-ano, isa na doon ang alamat ni Maria makiling.. Tinanong namin sya kung totoo ba yung totoo ba si Maria Makiling, totoo naman daw. Tinanong namin sya kung nakita na nya sya, hindi pa raw, pero yung daw yung kwento sa kanina nung mga matatanda dati.. sabi nila na bumababa pa raw ng bundok si Maria (Makiling) at namamalenke na may dalang sako, yung malaki at gaya ng mga bakikita natin sa mga libro natin noong elementary pa tayo, naka suot daw sya ng kulay puting bestida... Maganda raw si Maria at sa bundok sya nakatira.. nalaman daw nilang diwata ito kase kapag umaahon (umaakyat ng bundok) daw sya at hindi namamanstahan o napuputikan ang laylayan ng puti nyang bestida.. (wow, seems legit)..
Nasabi ko kanina na ang bundok ng makiling ay mahahalintulad natin sa babaeng pinay.. pinay na maganda, dahil kung titignan mo ang kagandahan ng budok, at ng buong kabuohan nya ay mahuhumaling ka talaga.. pero hindi sya basta basta.. gaya ng proseso ng panliligaw, ay hindi basta-bastang mapapasaiyo nag isang babae, kelangan mo itong suyuin. ang Mt. Makiling ay maganda pero hindi ka nya hahayaang makita lang ang kanyang kagandahan.. ipaparanas rin nito kung gaano kahirap ang kailangan mong daanin para maranasan mo ng buo ang kayang ganda. muntik na akong matutong mag mura ulit bago ko marating ang tugatog nito. matinding sakripisyo ang pagdaraanan mo, sakit sa katawan, magdadawalang isip ( o tatlo, o apat, o twelve times) kang magtatangkang umatras nalang, magugutom, malilinta (marami kasing limatik dun eh, kaya prepare yung alcohol), madudulas, mauuntog, masusugatan, maiinis..
pero sulit naman kung natapos mo at kahit papano, maiku-kwento mo sa mga anak mo sa hinaharap na:
"Naakyat ko na yang Mt. Makiling na `yan, nak".
1 comment:
wow . astig . sana ako din . maka akyat din . hehe
Post a Comment