November 11, 2012. Sunday. nasa office ako..
ito yung mga panahong naiinis ako sa sarili ko..
naiinis kase kailangan ko ng ipagpalit ang mga bagay na tunay na masmahalaga sa akin..
malalaki man o maliliit..
yung minsang lunch kasama ang pamilya ko, masarap siguro yung chapsuy na luto ni mama ngayon.. hmmm??
yung pagsisimba ng walang inaalalang trabaho kundi ang Panginoon laman, kahit sa saglit lang na panahon na iyon..
yung makasama ko ng saglit yung mga kapatid ko kay Kristo dahil isang buwan ko na rin silang hindi nakikita.. sobrang namimiss ko na sila.. di ko lang sure pero parang gumawa rin sila ng paraan para kahit papano makasama ako ngayong linggo, inusog nila yung gawain namin tuwing una at ikatlong linggo ng buwan, at gagawin namin sana ngayong ikalawang linggo ng nobyembre.. TAPOS HINDI PARIN AKO PEDE.. nakakainis na makita yung dissapointment sa mukha nya, nakakainis kase wala akong choice..
lahat ng iyon, pinagpalit ko sa trabaho.. na dapat mamayang gabi pa ako nandito, magagawa ko pa sanang lahat ng gusto kong gawin.. wala akong pake sa sweldo, di mahalaga sakin yun.. naiinis lang ako..
kahit kailan, hinding hindi talaga ako sisipagin na pumasok ng linggo..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment