"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Monday, March 31, 2008

Episode 10 maRIMANDO at ESSERyo.. (gieger counter..)

Setting.... sa future, kung saan nakasal na si manong guard at aling nena at kasalkuyang uwian na ng mga estdyanteng tmatangkilik sa bunso eatery.... pero hindi sobrang future na lumilipad na ang mga kotse.. yung sakto lang.. parang kagabi.. hehehe





**ito ay ngangyari sa totoong buhay ni ESSERyo na itatago natin sa pangalang XR...








di kalayuan sa bunso eatery ay meroong convenient store na ang pangalan ay maliit na hinto... sa tagalog....








doon nagaya ang tatlong magkakaibigan... si CJ, JC at SM.... di alam ng tatlong ito kung anong masasaksihan nila sa maliit na lugar na yon.. at kung bakit nila napagtripan na kumain ng ayskrim at maginuman ng coke zero sa lalim ng gabi... hanggang mga 11 ng gabi.. ng walang hapunan kaya sumakit ang tyan ni SM.... at lahat ng binili nila sa loob nga maliit na hintong iyon ay nilibre ni JC... pero hindi yun ang mahalaga sa kwento to ngayong episode... tungkol to kay XR at RM.... (lalabas si RM sa mga susunod na episode.. abangan.. hehhe)...




nagsimula ang lahat ng umuwi si SK.. yung gf ni JC.. tapos pag tawid ng tatlong magkakaibigan na sina JC, CJ, at SM... nag-aya si JC na mag-ayskrim, gaya ng sabi ko kanina...


di nya talaga gustong manlibre, pero wala syang nagawa... kelangan nya ng kasama eh.. hehehe

wala naman syang problema.. wala rin kami... di lang talaga namin alam kung bakit nag-stay pa kami ng ganun katagal... tuloy.. me nakita kaming mejo di kanais-nais.... hehehe pero sakto lang..


dumating....

ang oras....

kung saan ubos na ang mga ayskrim na kinakain namin... nagparinig si CJ..

'ang tamis.. may natitirang lasa sa lalamunan ko... (ubo..) "zero"'

hehe.. magandang paraan... at dahil sa uhaw ni JC at hilig nya sa mga softdrinks ang di sya nakatanggi.. hehehe

patuloy na humaba ang usapan namin habang nakikinig na mga lovesongs sa radyo... hanggang sa may napansin si SM..

may magandang babae sa may pintuan ng maliit na hinto na iyon.. 'kunin ko kaya number nya..'biglang tumakbo sa isipan nya.. pero dahil alam nyang maaaring may hinihintay ang babaeng iyon at di lang tumatambay sa maliit na hinto ay di nalang nya tinuloy ang binabalak.. at oo di nya kayang gawin yon dahil torpe sya.. malamang kilala nyo na si SM... hehehe

patuloy paring nagpatuloy ang usapang wlaang kinahihinatnan.. at dahil sa lalim ng gabi ay napagpasyahan nilang umuwi nalang na magkakaibigan...

doon natapos ang kwento nila....

sana...

hanggang sa may tinuro si CJ habang lumalabas sila ng pinto...

kala ni SM ay mga inumin lang ang tinuturo nya... kaso nga lang, may binanggit syang pangalan...

'si RM yun ah..'

bulong ni CJ.. narinig si SM at JC yun.. nung inulit nya....

dahil sa hindi ito nakilala ni SM nung unang nakilala ito si CJ ay ginusto rin nya itong kilalanin... kaya napagpasyahan nilang hintayin si XR... ng medyo may katagalan...

bumalik ang tatlong magkakaibigan sa loob ng maliit na hinto dahil sa usok ng mga trysikel..

doon umupo sila sa lamesang halos katapat lang ng inuupuan ni RM.. at doon ay nagsimulang magpapansin... ng konte...

hanggang sa dumating na nga si XR...

ayos, di nya napansin ang magkakaibigan, na mga kaibigan din nya... dahil sa kagustuhan nilang makilala si RM ay doon na sila nagpapansin ulet..... ng sobra...

inakala nilang mapapansin sila ni XR nung mga panahongiyon dahil nagmumukhang tanga na silang tatlo noon... kawawang mga kaibigan... palakasan ng mga ubo at tawanan ang magkakaibigan, para lang mapansin...sa liit ng maliit na hingtong iyon ay (sapalagay ko lang) ay imposibleng di mo sila mapansin... pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay di nga sila napansin... parang biglang lumiit ang mundo ni XR.. wag naman sana.. hehe

namimilit nang lumapit si SM para makilala nya ng legal at makamayan si RM pero ayaw ni JC.. doon lang daw muna sila...

sawing sumunod si SM kay JC.. pero patuloy paring nagpapapansin... lumabas na sila RM at XR.. doon lang sumunod sila CJ,JC,at SM... paglabas ng maliit na hinto ay patuloy ang ubuhan at tawanan ng tatlo... marami nang tao ang nagtitinginan sa kanila... pero wala paring nanggaling kay RM at XR..

patuloy ang lakad, ubo,tawanan at lahat ng klaseng pagpapapansin... pero wa-epek... kamote yan... kuing naging ka-klase mo naman si JC ay maaaring makilala mo ang tunog ng tawa nya..

pero sawing palad ang tatlo.. huminto sila sa tapat ng kainan na may pangalang 'chen-chen eatery..' ang matinding karibal ni bunso... 'sige mga ka-klase ko sa informatics, uwi na ko, sige jcb, at cja uwi na ko..' malakas na pagpapaalam ni SM sa dalawa, na may pasadyang mapansin ni XR... pero wala parin... tekamots nga naman talaga...

konti pang tawanan at paglingon ni SM kay RM at XR ay wala na ang mga ito, parang mga kamaganak ni Flash.. di napansin ni SM na dumaan sa harapan nya mismo si RM... sa ginta nila ni Cj... nasan si XR? ambilis.. nasa tapat agad ng bus na sasakyan nila... kamote... di man lang nila nakilala... parang eyesheild21 ang takbo...

ayun... tuloy ang asaran at ang mga pag-iimbento ng mga 'maaaring' kwento... pero wala silang niisip na masama..

umuwi silang may mga ngiti sa labi dahil sa dami ng coke zerong naubos nila... sana naman ay meron paring tumatangkilik nitong blogoserye na to...

sana ay ganahan pa kong sumulat...

hehe...

pero marami paring mga episodes ang parating.. hehhe

hintay lang kayo....

abangan..

No comments: