"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Sunday, March 30, 2008

Episode 9 maRIMANDO at ESSERyo.. (lumang hangarin..)

dali-dali syang (si manong guard) tumakbo sa direksyon kung saan naroon sina maRIMADO, ESSERyo at JERTHOcruzdthird... at...


dahil sa katandaan ay napagod... di alam kung bakit sya napatakbo ni anJOYCElica sa kanyang sagot....

'masmabuti na pong malaman nya kaysa habambuhay ako masisi sa mga maaaring
mangyari...'
biglang mayroon kungano na nag-'pump' sa puso ni manong guard habang inaalala nya ng mga salitang binitawan ni anJOYCElica... tila nagising sya sa isang mahabang pagkakatulog na para bang ayaw na nyang gisingan..





pagdating nya doon ay nakita nya agad si maRIMANDO... napatingin rin sa kanya si maRIMANDO... nagkatinginan silang dalawa ng mga 5 minits(kamote yan, di ko mahanap yung tamang spelling..)..





pero hindi si maRIMANDO ang hinahanap nya..





ang may ari ng tindahan..





si aling nena.. ang kanyang matagal nang crush....





dumiretso sya sa loob ng tindahan ni aling nena na parang karinderya... sa bandang kusina... kung saan nagluluto si aling nena.. at di na nya hinayaang maunahan pa sya ng hiya at biglang nagsalita...
'ahmmm... eheem... ah, nena.... may sasabihin pala ako sayo....'
sabi ni manong guard...
'ha? nagluluto ako eh.. pede bang mamaya nalang?...'
sagot ni aling nena
'di pede.. kelangan mo na tong malaman...'
pagpipilit ni manong guard...
'o sige na nga... ano ba yun?'
nakukulitang sagot ni aling nena...
'mahal kita nena.. matagal ko na tong gustong sabihin sayo... kamote yan, kung
kelan pa matatanda na tayo, ngayon ko lang nasabi... pero mahal talaga kita..
sobra....'
naluluhang sagot ni manong guard...


nag-blush si aling nena sa sinabing iyon ni manong guard...

yun pala eh may sikreto rin si aling nena....
'ahm.. guard, me sasabihin din ako sayo...'
bulong ni aling nena..
'matagal na rin kitang mahal.... di ko lang alam kung pano ko to sasabihin sayo
eh... pero mahal di kita guard, mahal na mahal...'
sa lugar na iyon, sa kusina nila aling nena nabuo ang pagmamahalang nena at guard... mabilis nilang inasikaso ang kanilang kasal at nakgaroon sila ng maraming anak...

nagtayo rin sila ng negosyo... isang karinderya... at dahil sa kakapanganak lang ni aling nena sa huling anak nila ni manong guard ay pinangalanan nila itong....
'BUNSO EATERY'
at doon nabuo ang kainan ni bunso na ngayon ay tinatangkilik ng mga estudyante ng informatics sa tapat ng SM.. yun yon....

hehehe...

abangan ang mga susunod na kabanata...

No comments: