"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Friday, March 14, 2008

Episode 6 maRIMANDO at ESSERyo...(masarap na tanghalian..)

sabi ni manong guard... isang mabait na tao... dalidaling tumakbo si ESSERyo sa direksyon na tinuro ni manong guard... at doon, nakalimutan nyang bayaran ang kinain nilang dalawa ni maRIMANDO kaya si anJOYCElica ang siningil ni manong guard...

sa bilis tumakbo ni ESSERyo ay hindi mo mapapansin na napapatid na pala sya.... at inabutan nya si maRIMANDO at JERTHOcruzdthird na magka..........

na magka... kakain silang dalawa ng kanin..... yun yung nakita ni ESSERyo...



'maRIMANDO!!!!'

sigaw ni ESSERyo..



at sa gulat dahil may sumigaw... ay napatayo ang dalawang kumakain... kala nila kung ano nang nangyari... sa sobrang pakabigla ni JERTHOcruzdthrid ay nahawakan rin nya ang kamay ni maRIMANDO sa pagaakalang may aagaw sa kanya nito... (yabang.. kala mo naman sa kanya si maRIMANDO...)



at yun ang nakitang tagpo ni ESSERyo... magkahawak ng kamay ang kaibigan nya at ang taong mahal nya.. kung ikaw ang nasa kalagayan ni ESSERyo..? anong gagawin mo?



tumakbo si ESSERyo... papunta kay manong guard para manguha ng stick na fishball...

'hoy.... bumili ka naman...'
bulyaw ni manong guard kay ESSERyo.. tapos bigla syang tumakbo pabalik kila maRIMANDO at JERTHOcruzdthird.... sobrang nakakatakot dahil galit na galit si ESSERyo... ambilis nyang maglakad papunta kila maRIMANDO at JERTHOcruzdthird... di na rin alam ng dalawa ang gagawin dahil sa nakikita.... hindi alam ni JERTHOcruzdthird kung anong nangyayari... ang alam lang nya ay kumain sila ni maRIMANDO ng langgonisa sa tindahan ni aling nena... natatakot sya dahil sa tagal na hindi sila nagkita ni ESSERyo ay ngayon lang nya ito nakita na nagalit nang ganito ka-sobra......



sa parehong paraan ay di rin alam ni maRIMANDO ang kanyang gagawin... sa ikli ng panahon na magkakilala sila ni ESSERyo ay ngayon nya palang ito nakitang nagalit...

patuloy nan bumibilis ang paglalakad ni ESSERyo patungo kila maRIMANDO at JERTHOcruzdthird... parang excited syang makalapit sa dalawang traydor sa paningin nya.... di na nya mapigil ang kanyang damdamin sa mga panahong iyon.. at nung makalapit na sya ay....

No comments: