"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Sunday, December 21, 2008

Maligayang Christmas...

oo, taglish yun, eh ano naman.. hindi na mahalaga kung sa anong lengguahe ko pa ito sabihin sa mundo, basta ang mahalaga ay mai-celerate natin ang aarawa ng Lumikha saatin..

diba ito naman ang TUNAY na kahulugan ng pasko... ewan ko pero parang nasulat ko na ata ito noong mga nakalipas na mga pasko.. we celebrate Christmas because it is the birthday of Jesus, our Saviour.. yung iba, wala raw pasko kase huindi naman daw december 25 pnanganak si Jesus.. tama nga naman yun, hindi nga naman talaga december 25 Sya pinanganak, pero ang saakin lang, kelan nila sine-celebrate ang birthday ni Jesus? merong nagsasabi na october, meron pang umabot ng february... hindi na mahalaga ang petsa, basta sine-celebrate ito nang sya ang nasa puso at utak..

Ang pasko ay hindi panahon ng maraming pagkain, ng mga paputok, ng pagsha-shopping, ng putobungbong at bibingka, hindi ito para lamang sa mga bata, at kamote naman... mas lalong hindi ito para kay Santa Claus.. wala nang iba pang dapat na ipagbunyi twing pasko kundi ang birthday ni Jesus... hindi anniversary ni theo at ng ex nyang si rejeanne.. hehehe peace yow..
sinecelbratye natin ang pasko kase kaarawan Nya, kase binigay sya ng Diyos sa atin para iligtas tayo sa mga kasalanan natin..

maaaring lahat tayo kilala Sya, pero misan, di sapat yon.. kelangan nating sumunod sa Kanya para matanggap natin ang kaligtasan na binibigay Nya..




Basta Maligayang pasko at huwag sana nating sayangin ang mga panahon g ito kung saan ibinigay saatin ang pinaka mahalagang Regalo sa buong mudo, si Hesus...

No comments: