"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Wednesday, April 30, 2008

Ang alamat ng USB...

minsan merong mag syota na amerikano at amerikana...

na syempre ay nakatira sa amerika...

oo, bhe ang tawagan nila sa isat-isa kahit na medyo tunog tagalog ito...


minsan dumalaw silang dalawa sa pinas para mag date...



misan kumain silang dalawa sa Jollibee... (libreng advertisment..) sa tabi ng Greenwich(libre ulet...nsknsknsk..)

sobrang nasarapan silang dalawa sa mga kinain nila sa loob ng Jollibee.. kaya naisipan nilang mag-franchise ng Jollibee sa amerika...

pagdating nila sa amerika ay tinawag nila itong US Jollibee..... at sobrang pumatok ito sa mga kano....

di naglaon ay sobrang kumita ito at kumalat na sa buong mundo... na para bang isang sakit.. at di na nalaman na ito ay nagsimula sa Pilipinas...

sobrang kumita talaga ito... dumating ang araw na gumawa na sila ng mga branches at nagkaroon narin sila ng ibang mga produkto....

nagkaroon na rin sila ng school sullpies, bakary needs, at pati construction suppiles... lahat ata kumpleto.. pati gamot at computer accessories...

nagkaroon sila ng store na tinawag nilang USbee at doon ay nagtinda sila ng mga computer supplies....

isa na rito ang isang maliit na bagay na di panila noon alam ang tawag... kulay blue yun minsa, at ang tamang tawag ay flash disc... pero dahil sinasaksak ito dito ay tinawag na itong USB alinsunod sa pangalan ng store nito....

yan ang tunay na alamat ng USB...

diba ang korny?

Tuesday, April 29, 2008

Ramdam nyo ba ang SUMMER?

ako, hindi lang sa init ko nararamdaman ang summer...




pati sa pwet ko, ramdam na ramdam sya...

gusto nyo?

Wednesday, April 23, 2008

ST109C-069

heheh wala lang.. isa ito sa mga naging paborito kong subject sa informatics fairview...

di ko sinasabi to dahil katabi ko si sir hector ngayon habang sinusulat ko to...

nasabi ko yung dahil dito lang ako hindi natulog ng normal dahil sa mga unusual na exercises.... at madugong project... kamote yan, bat kase nauna yung 213 ko eh.. tuloy, parang ganun yung hinahanap ko... masyadong advance....

dito sa subject na to.. naranasan kong:

masiraan... ng project ng dalawang beses.. yung isa, a day before the final defence pa, buti nalang
naurong....


wag matulog ng normal, at mapagkamalang adik ng tatay ko.... kala nya ata di na ko nagaaral, lagi nyang sinisigurado kung saan ako natutulog at kung anong ginagawako, 'Project nga.. ayaw kaseng maniwala eh...' sagot ko naman...(bastos.... nsknsknsk..)

konti nalang ata ay mababaliw na talaga ako... kasabay pa ang pagiging emo ng katawan ko.. hehehe..

pero bilang pampahaba ng post na to.. ay itutuloy ko langtong pagsusulat na to kahit na kaming dalawa nalang ni sir hector ang nasa room a ngayon..

heheh



joke lang.. hindi ko na alam kung pano pa talaga dudugtungan to pero kanina ay nagpi-picture-picture pa kami, para malaman ang nga pagbabagong itsura namin ng bago ang defence, habang defence, at after ng defence.. hehehe taba ng utak ni sir heckie....

at ngayong gabing bago ang final na defence na ay eto nanaman kami.. magpupuyat, at at ibay sasabayan pa ng inom.. ay klamote.. pano kaya kame matatapos nito....

dalawang araw , straight na walang tulog.. at nararamdaman ko nang nagagalit na ang Nagpahiram sakin ng katawan na to.... bumabagsak na tong mga mata ko, pero kelangan pang dumilat at mag-type.. para matapos tong matamis na project na to... ehhehe sige na.. baka di ko pa matapos tong project na to... hehe babay...

Friday, April 18, 2008

Buhay kunwari...

ako si ismael... masaya sa pagiging malungkot... wahaha.. toinks.. labo noh, pero ganun nga..

mali, si balong pala yun...

pero minsan, napapadalas syang nasa informatics....



tahimik kung minsan..

at dapat ay manahimik nalang para masaya lahat.. heheh..

pati ako...

minsan kase ay masayang naipapahayag mo ang mga gusto mong ipahayag sa mga bagay-bagay...

pero hindi lahat ng mga gusto nating ipahayag ay maganda sa pandinig ng lahat at tatanggapin nila... hehehe, nasabi ko ito dahil... gusto ko lang... hindi kase ako expressive sa mga nararamdaman ko, madalas ko itong itinatago para wala nalang ibang taong madamay... o wala nang ibang taong umiwas...

sinubukan kong palitan ang katangian kong ito... pero base sa mga nangyayari... wala pang naibubungang mabuti ito para sakin... kaya nga masmabuti pang manahimik... ng medyo may katagalan... wag munang pansinin ang pusong lumuluha sa mga panahong ito dahil sa mga projects na kelangang gawin... mamamatay na nga ko sa dami ng mga projects ko, mas papatayin ko pa ang sarili ko sa mga masasakit na pangyayari, mas papatayin ko na ang sarili ko nun...

pero di pa naman huli ang lahat para ngumiti... salamat sa Kanya na tunay na nagmamahal.......

hindi bigas yung sinasabi ko ah, mahal rin yun ng sobra, pero hundi yun yon...

hehe ayun muna sa ngayon dahil sa sinabi ko nga kanina... marami pa kong ginagawa... project mode muna...


Thursday, April 17, 2008

Alamat ng Shamrock

minsan may 9 na magkakaibigan na rakista, at dahil mga rakista sila ay mahilig nga sila sa rock...


tapos ay bigla silang nagbuo ng banda...


at ang banda nila ay tinawag na shamrock

Alamat ng Banana Que...

minsan may tatlong magkakaibigang lalake, sina Latundan, Lakatan at si Saba..

minsan ay nagkaroon sila ng maliit na asaran...

Latundan: wala kayo sakin... kahit na maliit ako ay sweet ako.. hehehe

Lakatan: eh mas lalong wala ka sakin... ako, malaki na.. mas sweet pa... ano ka pa...

habang naririnig ni Saba ang dalawa nyang kaibigan na nagaasaran ay bigla syang nalungkot.. bukod sa mataba sya, ay hindi pa sya gaanong ka-sweet-tan.... kaya lumuluha syang naglakad pauwi...


habang naglalakad sya ay nakasalubong nya si Asukal na Pula... pero brown sya... nakita nitong umiiyak si Saba habang umuuwi kaya pilit nya itong ki-nomfort...

Asukal na Pula:Saba, bakit ka ba umiiyak?

Saba: Naguusap kase yung dalawa kong mga kaibigan na sweet.. ako di naman masyadong sweet...

Asukal na Pula:(humawak sa balikat ni Saba..)Wag kang mag-alala.. Di mo ba alam na Im useless without you?....

nagtinginan ang dalawa at naginit sila.. nagtalik sila ng sobrang init... at sa mga susunod na mga araw ay di na sila nakita na dalawa.. at pagkatapos noon ay nagkaroo na ng isang misteryosang ate sumisigaw ng "Bananakyuuuuuu" sa kalye nila... napansin ng magkaibigan na parang katulad ni Saba ang saging na binibenta ni ate.. at naalala nila ang kanilang kaibigan....

yun ang alamat ng banana-que...

Saturday, April 12, 2008

Buhay gibi-gap

eto ay isang post na inaasahan kong maging mas pribado pa kesa sa mga nakaraang mga post...



hehe.. kahit na wala namang bagong mga kwento sa buhay ko ay ipo-post ko to.....

yun ang alam nyo...



sa mga nakaraang araw ay patuloy na naghuhumikahos ang puso ko sa kaguluhan.. hheheh (lalim)

matagal na tong pakiramdam na to...
parang sanay na ata ako eh...
at natutuwa akong nababaliw sa pag-entertain sa pakiramdam na to....

noong infowars pa ata to nagsimula.... pero wala namang talagang kongkretong dahilan... (palusot..)

ang galing ng mga ngiti nya.... nakakatunaw ng ayskrim.. ibang klase sya...
napaka unique...

oo malamang kilala nyo na sya.. at malanag, bagong issue nanaman to para sakin.. pero ahm.. huli na ang lahat.... baket... wala nang dapat panahon ang tsismis sa skul naten.. matatanda na tayo, kumilos tayo ng tama dahil merong mga taong nagaaway tungkol sa mga tsismis... at nasisira ang pagkakaibigan.... baka magkasira pa tayo, wag ko nalang sabihin.. hehehe


pero espesyal nga sya.. gaya nga ng sabi ko sa text..

yung iba.. sasusunod ko nalang isusulat, para marami....

di pa tapos yung mga project ko kaya di pa nadudugtungan ang alamat ni marimando...

Abangan..

Friday, April 11, 2008

alamat ng pari

may isang bata.. kausap ang isang pari...


bata: totoo po bang galing kay Jesus ang bahay namin?

pari: oo anak...

bata: eh, totoo po bang kay Jesus galing lahat ng pagkain namin?

pari: oo anak..

bata:eh, yung mga damit po namin, kay Jesus din po galing?

pari:oo anak... eh bakit mo naman naitanong yan?

bata: wala po... totoo po pala ang sabi ni nanay...

pari: bakit, ano yun?

bata: na wala pong kwenta si tatay....


kwengkwengkweewewwewewew

Sunday, April 6, 2008

Basahan...

hehe... linggo, at galing ako sa ka-curchmate ko, bago ako mapunta dun ay pumunta ako sa Chruch namin... hehehe



nagpunta ako sa impo para gumawa ng project, pero bago ako makarating doon ay meron akong nakitang mga MMDA, nasa kalye at parang nanghaharang ng mga jeep...



sakto may jeep, nagsasakay ng mga pasahero...

sinalubong ng MMDA..
'nahuli ata..'
sabi ko sa isip ko... minsan lang ako makakita ng mga pasaherong nahuhuli ng MMDA...


nakita ko na mayroong inaabot yung Driver kay manong MMDA officer..
'baka lisensya..huli nga toh...'
habang tumatawid ay meron akong ibang napansin... di pala lisensya ang inaabot ni manong Driver kay manong MMDA officer... di ko alam kung bakit nya inaabutan ng BASAHAN si manong MMDA officer...

may ganong batas na ba na pag huhulihin ang driver ay dapat na basahan ang ibibigay sa mga officer?... nagkukulang na ba ng mga basahan sa bahay nila ang mga MMDA officer sa kakalinis nila ng kanilang makikintab na sapatos? syempre nagtaka ako... mahilig kase akong magisip eh...

di pala sya nahuli... bakit ko nasabi? kase minsan sunumpong ako ng hika sa sobrang tulog.. ng naka-dapa... tinakbo ako ng tatay ko sa Quezon City General Ospital... pero di lang kami tumakbo, syempre sumakay naman kami ng jeep... pagdating doon ay gumaan ang pakiramdam ko at lumabas kami ng ospital... meron ako nakitang MMDA officer, pero nagkakape lang... nang sumakay na kami ng jeep pauwi, mula sa novaliches bayan, ay doon lang ako nakakita ng driver na nagtatago ng BENTE PESOS sa basahan, itutupi ito at medyo babagal sa harap ng isang MMDA officer, doon nya ito ibibigay at may konting kwento pa na walang relasyon sa pagbibigay nya ng basahan sa officer..

siguro may utang lang ang driver sa officer kaya ganon, o kaya nangutang yung officer... parang di naman kase sya nangongotong eh.. nakangiti kase.. o kaya nanghihingi ng pang-kape nya... pero bakit kaya kelangan pang itago sa basahan yung pera? baka may Love letter pang kasama.. hehhehehe basta, ang alam ko, hindi sila hinuhuli kapag nagbibigay silang basahang mayroong palaman na BENTE pesos...

kamoteng kaisipan yan ng mga pinoy... gusotng kumita agad, kahit sa di magandang paraan... di na nila inisip na mas makakatulong sila pag sumunod nalang sila sa batas...

isipin natin... ang isang driver na nahuli sa kanyang pagkakamali, pagnanuhol sa sya sa officer ay maaari nya tong bigyan ng 20 hanggang 500 pesos, para lang hindi mahuli... tapos yung pera ay babagsak sa bulsa ng mga poging officers...pero kung isusuko nya ang kanyang lisensya sa mga officers tapos tinubos nya ito sa LTO (doon ba yun tinutubos?)magbabayad sya mg malaki... mga 700 ata... di ko lang sure... tapos yung pera ay babagsak sa pera ng bayan... sa una yung kumita lang ay yung officer, pero sa pangalawa, yung kumita ay yung inang bayan natin... lahat tayo maaaring makinabang, hindi isang tao lang...

hindi ko to sinulat para sa mga MMDA officers lang, kundi para na rin sa mga driver na hindi talaga marunong mag-drive, kaya pag nahuli ay manunuhol nalang... mga kamote kayong lahat... pareho kayong basahan... heheh

yun lang...

Friday, April 4, 2008

Episode 11 maRIMANDO at ESSERyo.. (Summer Break)

sa lalim ng pagiibigan nila manong guard at aling nena... ay nakalimutan na natin kung sino ang mga totoong bida ng blogoseryeng ito...



kaya bumalik tayo sa tagpo kung saan tayo huling nagtapos..

masayang kumakain sina JERTHOcruzdthird, maRIMANDO at ESSERyo sa tindahan ni aling Nena nang meron silang isang bagay na napagusapan...
'habang baasyon ngayon.. swimming naman tayo... minsan ang magkaron ng swimming sa mga seryeng tulad nito lalo't summer...'
pagiimbita ni ESSERyo sa kaibigan at minamahal....
'sige ba sama ko..'
sagot ni JERTHOcruzdthird
'sagot ko na yung tutulugan natin dun.... hehehe, masaya to....'
'sige ako na bahala sa fuds naten..'
biglang singit ni ESSERyo... tila ayaw magpatalo sa kaibigan...

'san naman tayo... (tingin sa langit... [nagpapa-cute]..)'

tanong ni maRIMANDO... habang naguusap sila ay nakikinig sa di kalayuan si anJOYCElica... nagpaplano kung pano sya makakasama...'ilang mga banko kaya ang ho-holdapin ko para magasama sa kanila?..aha! si RosalindaMarimar* nalang ang pasasamahin ko... tutal may trabaho naman sya eh....' masamang pagpa-plano ni anJOYCElica....

*RosalindaMarimar - isang malapit na kaibigan ni anJOYCElica
kung saan pareho silang patay na patay ay ESSERyo....
Maaga silang nagsi-gising na apat... di alam ng tatlo (ESSERyo,JERTHOcruzdthird at maRIMANDO) na kasama nila si RosalindaMarimar....(di ko rin alam kung panong nalaman ni RosalindaMarimar na magbabakasyon sila....magaling sya, may pagka-spy..)
nagkita-kita ang tatlo sa sakayan ng bus hindi sa cubao kundi sa tabi ng NovaStop... excited silang lahat na makatikim ng maalat na dagat kaya nakalimutan nila ang kanilang mga pera kaya uuwi ulet silang tatlo.... pag balik nila, sinigurado nilang kumpleto na ang mga gamit nila... kaya...
ABANGAN....

Alamat ng dahon...

Pumunta si JC, CJ, at SM sa bundok para magpahinga...

pagdating nila sa taas ng bundok ay me nakita silang NAPAKAGANDANG diwata...


at sabi sa kanila ng diwata....
'kung gusto nyo akong makasama ng isang gabi (ng walang malisya..) ay kelangan nyong kumuha ng mga dahon...'
dali-dali silang tumakbo at naghanap ng kanya-kanyang dahon...

naka-kuha si JC ng dalawang malalaking dahon...

naka-kuha naman si CJ ng apat na napakagandang mga dahon...

si SM naman ay nakakuha ng limang maliliit na mga dahon...

at binigay nila ito sa NAPAKAGANDANG diwata...


at yun ang alamat ng dahon...

walang wenta... hehehhe