"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Thursday, February 28, 2008

February 28, 2008 (blade pa...)

hehe sino kaya ang( mga ) naghihintay ng post na to....



pasado alas-nueve na ata ang oras ng mga panahon iyon.. maalala ko lang...



kakatapos lang naimng maglaro ng mga ka-klase ko... buti nalang at nagsiuwian na agad ang mga elders ng skul namin... kung nandun sila ay baka di ko pa nagawa ang dapat kong gawin... hehehe....



kala ko umuwi na sya.... yun pala.. naghihintay rin.... yung humahawak ng id.. ehehehe

bigla akong kinabahan... "kamote yan ", bulong ko sa isip ko... pero ayos narin kase ayaw kong matapos ang araw na iyon nang hindi ko nasasabi sa kanya ang gusto kong sabihin....



hanggang dumating ang saktong oras na kaming dalawa nalang ang naroon.. hehehe, napaka romantik ng mga salita.. kala mo totoong author...



buti nalang at nandoon ang toong kaibigan kong kaibigan din ng pinsan ko..... sya ang dahilan kung bakit ko nasabi sa kanya dahil sya ang tumawag sa may hawak ng id tapos nagkaroon kami ng chance na makapag usap na dalawa....



unang chempo.... sa dalawang upuan sa may labas ng info... syempre dahil sa katorpehan ko ay di ko kayang magsabe dun ng merong ibang taong nakakarinig... tapos inaya ko syang lumabas sa tapat ng Info..



pangalawang chempo... oo nga, dun sa labas ng info.. nakatayo kaming dalawa roon at ako naman ay ,halos mamatay sa kaba, nag-iisip ng saktong salita para sabihin sa kanya....



puro 'ahmmm' at 'sandali lang.. nag iisip pa ko....' ang lumalabas sa bibig ko...



pareho kaming dalawa na nagpipilitang magsalita na dahil di ko talaga alam kung pano sisimulan...



******* some text missing********



hanggang sa umuwi ako ay... nangangamote ako sa aking sitwasyon... hindi ko alam ang gagawin ko kung talagang matutuwa ako o hindi pa.... hehehe...

naisip ko nga bigla... para syang 'chamba'...

ano nga ba ang chamba?

ang chamba ay madalas masabi kung merong magandang pangyayaring tila hindi na mauulit muli.... (sana tama yung ibig sabihin ko kase, wala akong makitang tamang translation sa internet eh....)

ang chamba ay isang malupet na pangyayaring hindi mo inaasahan.. at sa parehong paraan... hindi mo rin inaasahan na tapos na pala ang magandang pangyayaring iyon... hehehe.... kamote... parang totoo...

oo.. para nga syang chamba... isang maganda (oo, alam ko me sarili kang saloobin... ito lang nakikita ko...), makulit, medyo matino, masarap ngumiti, at masakit sa puso kung maka tingin... iilan nalang siguro sila dito sa mundo.... chamba nga eh noh.... parang magandang pangyayari, tapos wala na agad.... ganun... hehehe.... nawala dahil sa di maipaliwanag (sa blog) na kadahilanan...

sabi ng sa isang shout-out sa friendster na kakadalaw ko lang "In this life, good things never seems to last.." kamote yan.. kase ang mundong ito ay likas na masama....kahit tayo... sa magkakaibang paraan nga lang.. hehehe... at sa kung paano tayo nakikita ng ibang tao...

parang napapalayo na ko...

balik tayo..

ahm.. siguro naman ay naisulat ko na lahat ng gusto kong isulat dito....kaya hanggang dito nalang muna hehehe

Peace yo....







(bitin ka ba? i-comment mo saloobin mo.. kamote)


at saka nga pala.....


kung may impormasyon kayong gustong malaman ay...










patuloy nalang muna kayong maghintay dito sa blog ko.. hehehe

kala nyo ah.. hehehe

Wednesday, February 27, 2008

eto na....


sa post na ito ay kelangan ko ng komento mo, kaibigan....






ayos lang ba sayo kung ang gusto ng paborito mong kaibigan ay isang taong ayaw mo?



bilis... koment na!!! hintayin ko koment mo.. peace men..

Monday, February 25, 2008

hahaha(kamote..)

hay nako.. pano ko ba sisimulan to...

isang araw sa informatics fairview ay biglang nagbrown-out, at syempre... lahat ng mga estujante ay lumalabas pag ganoon ang nangyayari.. (di ko alam ang dahilan kung bakit..)
dahil sa feb na ang buwan ay syempre.. malamig para sakin... di ko alam ang gagawin ko habang lumalabas ng skul dahil sa ginaw.. yung dalawa kong mga kamay ay nakatago sa kilikili ng magkabilang kamay(di ko kase alam yung tawag sa ganun eh..)

hanggang biglang may lumapit saking maliit na batang estudyante ng informatics na high-pitch ang boses, itago natin sa pangalang peklat, at akoy niyakap at tinatawag akong muffin... kamote yan.. at syempre, para masaya ay meron pang nakisali na isang babaeng chubby at sinasabing sya raw ang latest... (ang gwapo ko naman..) ginawa nila akong tali sa tag-of-war.... anak ng tinola.. di ko alam kung anong tinira nilang dalawa, basta ang alam ko giniginaw lang ako.....

at sa di kalayuan ay meron pa silang inayang isang babae... nakita nyang wala na syang kamay na mahuhugot mula sakin kaya...... kinuha nalang nya ang aking id at yun ang hinatak.... sya ay tinatawag nilang spoiler...

at mula doon ay nagsimula na ang isang maliit na kalokohan....

hanggang sa isang araw....

ang maliit na kalokohang ito ay umabot sa loob ng room d, kung saan naroon ang ilang mga (sa inaakala ko) ay maaaring magtago ng isang sikreto... at ang maliit na biruan ay naging kamote...

si kaibigan ko ay narinig ang aming maliit na kalokohan at ipinasa nya ito sa isang basketball player ng skul... at dun kumalat ang isang malupit na kalokohan at sikreto.... dahil di ako marunong magsinungaling ay umamin agad ako.... kamoteng balong... isa kang magaling na bata...... sa ngayon ay giniginaw na naman ako at di ko alam kung anong gagawin ko pag nagkita kaming dalawa.... kung sasabihin ko ba o hindi.. ewan ko ang alam ko ay torpe ako... hehehe

pero kaya ko to... its another move na kelangan ko nanamang pagdaanan.... kaya ko to.... sana ayos lang.. at sana, kayanin ko nga..

Thursday, February 21, 2008

ang alamat ng santol....

pare1: bro, anong tawag dun sa punong yun?
pare 2:san tol?(santol...)
pare1:ah.. salamat..!

Panaginip..

Isang masarap na bikol express ang tanghalian ko kanina.. kasabay ang isang hinahangaan....

Isang pangarap na, oo, natupad... kaso nga lang.. di lahat, gusto sya..

Sana sya nalang pala.. torpe kase eh...

hehehe... syempre si balong ako...

palit ng topic..

kahapon ay may tugtog kami at nakasama namin si tado, jeepney joy ride, wake up your seat mate, bembol rockers, at marami pang iba... actually, 9 bands lang yung nandun, at isa kami dun sa mga guets bands na imbetado...

sarap maging guest band, libreng pagkain at sikat pa banda nyo..(lalo na yung bokalista...) kasama nyo pa yung ibang mga bandang sikat sa back at side stage.. hehhe ayos....

ang galing lalo na ng gitarista ng Cover me quick.. nag-killing-the-cockroach(ipis) hehe.. ang taas ng talon... eh kakatapos lang ng ambon.. ayun... 'swuuuush' WUUUHUUUUU! ayos, nice slide.. hehhee napa ngiti sya sa ganda ng performance nya... sabay sabi samen,'(mura)... madulas pala rito....' hehehe malamang.. kamote... taps nakatabi ko pa yung (magandang)drummer ng wake up your seat mate.. kamoteg mukha yan... parang angel... na matangos ang ilong na rocker... sana lagi nalang kaming magkatabi.... parang may "connection" akong naramdaman saming dalawa eh.... parang may kuryente, "alam mo yun ate"-tanong ko sa sarili ko para sa kanya.. hehehe bading kase.. tas payabangan na pag alis ni ate....

"di mo napapansin, pareho tayong drummer?"
"oo nga drummer tayong tatlo, parehong mga percussion instrument ang gamit natin.."
"he!, wala kong oras sa inyong dalawa.... astig akoh(pa-cute..)"
"ang mga drummer, nagba-body-body"
"oo nga, ang mga drummer, nagyayakapan... ng walang malisya.."
-kanya-kanyang paraan ng pambobola sa sarili...

ang ganda talaga ng ngiti nya... pamatay..

ang galing ng tugtog namin kahapon... ayos, 5 songs, munrik nakong mapaos.. pero sapat lang... with tado with us sa stage ah ayos na ang lahat... tapos meron pa ulet kami bukas.... sa Dayo bar.... sana may pera pa ko... kamote yan..

pero ang mahalaga ay nakapag date kami sa bunso eatery.. hehhe... ayos.. onti nalang...

Tuesday, February 19, 2008

Emong nakapaa

wensday ngayon at kelangan corporate attire ang suot namin... tutugtog kami ngayon kaya dala ko ang aking instrumento... umalis ako sa bahay habang nagpapahinga si papa para hindi na nya tanungin kung bakit ko dadalhin yung djembe at kung san ako pupunta...

kumain na muna ako bago umalis sa bahay... pagdating sa skul... kumain ulet kami... at sa kasalukuyan.. masakit ang tyan ko na para bang natatae....

hehe.. kamote yan.. hanggang gabi pa kami sa tutugtugan namin sa cubao...

at... un.. maalala ko lang yung mga emo noong nakaraang Up fair...

kala mo mga astig...

nung uwian na... naglalakad sila sa kalsada ng nakapaa(inalis nila ang kanilang mga sapatos) siguro, sasusunod na makikipag slamman sila muling gagamit ng sapatos... tapos umabot pa sila ng Philcoa ng walang pamasahe(sa bagong silang ata sila nakatira.. yun kase yung sinasakyan nilang jeep eh..).... ang gagaling... ang tigas.!!! pano kaya nila nagagawa yun?Kawawa naman yung ibang mga tunay(eh wala naman..)na emo.. hehehe nasisira yung walang kwentang image nila.. peace men....

pogi ako..!!

Sunday, February 17, 2008

09197364510

hay nako...

ang saya ng UP fair 'Eufairia'

di pa kami nakakapasok ay naririnig ko nang tumutugtog ang sunflower day camp.... ang galing.. kamoteng haba ng pila yan....buti nalang may nakita kaming mga taga-informatics din.... syempre.. bigla kaming naging close lahat... para lang makasingit sa pila....

ang galing ng mga bandang tumugtog.... antagal naming hinintay ang Urbandub kaso pag dating nila... tugotog agad, di gaanong kagandahan ang tunog na lumabas sa mga speakers.. kamote yun.. ampanget ng sound system... pero ibang klase paring pag marinig mo sila ng personal....

maya-maya pa ay narinig ko na ang Quezo nag galing nila. parang sebentdisaypol... mga propesyonal.. di tumutugtog hanggat di maganda ang tunog nila... ang galing!!!

di ko alam ay pumunta din pala dun ang kapatid ko....

pag uwi ko kinabukasan... nang magkita kami.... 'nawala sim card mo' agad ang sumallubong sakin.... kamote yan... buti nalang merong Nabubuhay sakin na sana ay mabuhay rin sa kanya, naguguluhan ka noh? pero may araw din na makikilala mo kung sno yung Nabubuhay sakin na yon at sana ay mabuhay rin Siya sayo...

kaya ganun nga ang nangyari.. binilihan nya ako ng bagong sim card at 09197364510 na nga ang bago kong number.. hehe...

gets mo ba?

masaya ang eufairia

mas maswerte pa pala ako sa kilala kong taga UP, 2 years na syang nagaaral sa UP, ni isang beses man lang, di pa sya nakakapunta sa UP fair.. hehe ingat nalang

Godbless...†

Araw ng mga puso..

Xempre... wala akong sariling kompyuter kaya laging delaed ako kung mag-post...

pasensya na ah...

February 14 2008 ang petsa.. kamoteng araw...

umaga, papasok ako sa skul, naglalakad palang ako sa labas ng sm eh may tatlong lalake na ata akong nakita na mayroong hawak na bulaklak na parang tinatago sa likod para sorpresahin ang kanilang mga iniirog..
ang galing.. may ilang taon na rin akong single pero eto na ang pinakamasayang valentines day ko kumpara sa iba na single ako... naiiba ito dahil kumpara sa mga nakalipas na mga araw, eto ang pinakamalamig(literal) kamote yan... di tuloy ako makadeskarte... hehehe(kanino?, alam ni esser at ni cj)sana manatili itong malaking sikreto dahil ahmm..kamote yun..

well, change topic...

sobrang delayed na pala ako sa panod ng naruto shippuuden episodes... ayos lang naman yung dahil lahat ng oras ko, sa pagaaral ko natutuon.. hehehe yabang (ang laki na nga ng minus ko sa project eh..)talagang pinalitan ang topic eh noh...

balik tayo..

ngayon, ako ay kasalukuyang nabubuhay na wala atang ibang tao (bukod sa pamilya) na nagmamahal sakin.... pero alam ko na hindi mahalaga iyon.. alam kongg merong Isa na siguradong magmamahal sakin kahit na ano man ang gawin ko... dahl sa Kanya, may dahilan na ako para palaging ngumiti kahit na may problema, na hindi nasasayang ang lahat ng pagmamahal na nararamdaman ko bastat para sa Kanya ito, kahit ilang besen man akong sumablay... Dahil sa Kanya, malaya akong nabubuhay ngayon at ipagkakalat ko ito sa lahat ng hindi pa nakakakilala sa Kanya..

ngayon, ang pagibig saking ay hindi lang nararamdaman mula sa tao.. mag masarap maranasan ang pagmamahal na alam mong walang kondisyon ang pagmamahal na ito..mas masarap maranasan ang pagmamahal na to lalo na kung alam mong wala nang ibang nagmamahal sayo.. mas masasrap maranasan ang pagmamahal na to lalo na kung nagpapanggap kang emo.. hindi mo man ako maintindihan(kahit ako, di ko maintindihan yung sinlat ko) basta may Diyos kang nagmamahal sayo, kumpleto na lahat... nasayo nalang ang paagdedesisyon kung tatanggapin mo ang pagibig na yon o hindi..

Friday, February 15, 2008

Ang College Week.... (noong isang linggo..)

hehehe ang saya saya ng buong linggo ng college week...

Lunes:
nakatulong kami sa mga mangangailangan ng dugo... kahit na ako... hehehe tapos may libre pang nood ng 'meet the spartans' hay... ang saya.... want to sawa pa ang pangkain. hehehe 09196542436...

Martes:
pagdating ko ng skul, halos kakastart palang ng movie ng pinaka maganda artistang si Jessica Alba... ang 'Good Luck Chuck'... ang ganda, ibang klase sya... tapos mamaya maya pa ay pinalabas na ang moving 'Hitman'.. ayos astig... kala mo di pedeng gawin yon ng normal na tao.. pero pelikula lang naman yun... tapos yung 'Sydney White' naman.. ang galing.... kakakilig(daw) ayos lang naman yung movie, kase maganda yung leading lady.. tapos, yung leading man naman ay kamukha ni ben...

Miyerkules:
ayos... ang pinaka hihintay na araw ng mga kaibigan ko dahil ngayon ipapalabas ang 'Saw IV'.. galing... parang di kayang gawin ng isang normal na baliw na tao... sarap kumain ng tocino.. paguwi ko tuloy, puro napupugutan ng ulo ang panaginip ko... pero bago ipinalabas ang saw, nag assesment kami tungkol sa mga gagawin namin sa Eco Park sa mga susunod pang mga araw...

Huwebes:
eto ang unang araw ng aming activity sa EcoPark... unang araw ko palang ay late na agad ako... pero ayos lang.. todo bigay ang lahat ng mga ka-grupo ko.... kala mo mauubusan... talagang gusto kong sumali sa mga physical na challenges kaya lagi ata akong nagpe-prisintang sumali.... nung time na na maglalar ako... eh endurance challenge pala ang gagawin, walang aalis sa pwesto tapos tatayo ka ng isang paa lang pero may hawak ka pang yelo sa magkabilang kamay... kamote yan.. di man lang ako nag init... wala pang 10 seconds tanggal na ko.. kamoteng rules kase yan.... inantok tuloy ako....

Biyernes:
back to skul naman ang mga challenges namin... takbuhan sa loob ng mall.... ang saya kase kami ang panalo.. heheh kami pa ang may pinakamaluwag na klassroom sa lahat ng tribo....

Sabado:
balik nanaman kami ulet sa EcoPark... as usual, late na naman ako.. akala ko meron na kaming nakahanda na tribal dance at yell. Well meron naman pero hindi lang ganoon ka-tigas na cheer... praktis namin ay puro kalokohan kaya hindi namin inaasahan na mayipe-present kami sa labanan ng mga tribo.... yung gma taong hindi mo akalain na tatawa ng ganoon ay halos umiyak na daw sa kakatawa... at natapos ang araw na luhaan kami dahil talo kami, muntik pang manakaw ang kamoteng kalabasa namin na yan... ayos lang naman eh... sakto rin na kaarawan ng isa sa mga elders na estujante sa skul namin... andaming pagkain... halos mapilay ako sa sobrang kabusugan... heehhe tapos walang hanggang kwentuhan... doon muling nabuhay si Rene Rekestas... hehehe 'aaaaaa' hehehe alam na... ang galing.. nakakalasingpala ang sobrang kabusugan at sobrang 'Coke'... hehe


At yung ang buong College Week...


muli....

09196542436... hehehe

Saturday, February 2, 2008

Ginaw....

sunday... 1:10 ng hapon.... tinatamad.. at umaasang makakasama sa panonood ng sine ng mga ka-klase ko... at giniginaw sa lakas ng air-con dito sa info at sa kadahilanang walng masyadong estujante...

sana makauwi na ko dahil parang may praktis pa kami mamya ng banda namin na sana ay matuloy at di magkatamaran ang mga ka-banda ko at ako....

at, muntik ko nang makalimutan, may bago pala kaming egg shaker.. sana tama yung tawag ko... hehehe... ganito talaga ang buhay ng walang internet sa bahay...pag walang pasok...
tapos umasa na may mga klameyt namakikita... ganun.. sige ingats...