"Para sa mahal kong reader.."

Comments are well appreciated as well as criticisms..

Monday, March 31, 2008

Episode 10 maRIMANDO at ESSERyo.. (gieger counter..)

Setting.... sa future, kung saan nakasal na si manong guard at aling nena at kasalkuyang uwian na ng mga estdyanteng tmatangkilik sa bunso eatery.... pero hindi sobrang future na lumilipad na ang mga kotse.. yung sakto lang.. parang kagabi.. hehehe





**ito ay ngangyari sa totoong buhay ni ESSERyo na itatago natin sa pangalang XR...








di kalayuan sa bunso eatery ay meroong convenient store na ang pangalan ay maliit na hinto... sa tagalog....








doon nagaya ang tatlong magkakaibigan... si CJ, JC at SM.... di alam ng tatlong ito kung anong masasaksihan nila sa maliit na lugar na yon.. at kung bakit nila napagtripan na kumain ng ayskrim at maginuman ng coke zero sa lalim ng gabi... hanggang mga 11 ng gabi.. ng walang hapunan kaya sumakit ang tyan ni SM.... at lahat ng binili nila sa loob nga maliit na hintong iyon ay nilibre ni JC... pero hindi yun ang mahalaga sa kwento to ngayong episode... tungkol to kay XR at RM.... (lalabas si RM sa mga susunod na episode.. abangan.. hehhe)...




nagsimula ang lahat ng umuwi si SK.. yung gf ni JC.. tapos pag tawid ng tatlong magkakaibigan na sina JC, CJ, at SM... nag-aya si JC na mag-ayskrim, gaya ng sabi ko kanina...


di nya talaga gustong manlibre, pero wala syang nagawa... kelangan nya ng kasama eh.. hehehe

wala naman syang problema.. wala rin kami... di lang talaga namin alam kung bakit nag-stay pa kami ng ganun katagal... tuloy.. me nakita kaming mejo di kanais-nais.... hehehe pero sakto lang..


dumating....

ang oras....

kung saan ubos na ang mga ayskrim na kinakain namin... nagparinig si CJ..

'ang tamis.. may natitirang lasa sa lalamunan ko... (ubo..) "zero"'

hehe.. magandang paraan... at dahil sa uhaw ni JC at hilig nya sa mga softdrinks ang di sya nakatanggi.. hehehe

patuloy na humaba ang usapan namin habang nakikinig na mga lovesongs sa radyo... hanggang sa may napansin si SM..

may magandang babae sa may pintuan ng maliit na hinto na iyon.. 'kunin ko kaya number nya..'biglang tumakbo sa isipan nya.. pero dahil alam nyang maaaring may hinihintay ang babaeng iyon at di lang tumatambay sa maliit na hinto ay di nalang nya tinuloy ang binabalak.. at oo di nya kayang gawin yon dahil torpe sya.. malamang kilala nyo na si SM... hehehe

patuloy paring nagpatuloy ang usapang wlaang kinahihinatnan.. at dahil sa lalim ng gabi ay napagpasyahan nilang umuwi nalang na magkakaibigan...

doon natapos ang kwento nila....

sana...

hanggang sa may tinuro si CJ habang lumalabas sila ng pinto...

kala ni SM ay mga inumin lang ang tinuturo nya... kaso nga lang, may binanggit syang pangalan...

'si RM yun ah..'

bulong ni CJ.. narinig si SM at JC yun.. nung inulit nya....

dahil sa hindi ito nakilala ni SM nung unang nakilala ito si CJ ay ginusto rin nya itong kilalanin... kaya napagpasyahan nilang hintayin si XR... ng medyo may katagalan...

bumalik ang tatlong magkakaibigan sa loob ng maliit na hinto dahil sa usok ng mga trysikel..

doon umupo sila sa lamesang halos katapat lang ng inuupuan ni RM.. at doon ay nagsimulang magpapansin... ng konte...

hanggang sa dumating na nga si XR...

ayos, di nya napansin ang magkakaibigan, na mga kaibigan din nya... dahil sa kagustuhan nilang makilala si RM ay doon na sila nagpapansin ulet..... ng sobra...

inakala nilang mapapansin sila ni XR nung mga panahongiyon dahil nagmumukhang tanga na silang tatlo noon... kawawang mga kaibigan... palakasan ng mga ubo at tawanan ang magkakaibigan, para lang mapansin...sa liit ng maliit na hingtong iyon ay (sapalagay ko lang) ay imposibleng di mo sila mapansin... pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay di nga sila napansin... parang biglang lumiit ang mundo ni XR.. wag naman sana.. hehe

namimilit nang lumapit si SM para makilala nya ng legal at makamayan si RM pero ayaw ni JC.. doon lang daw muna sila...

sawing sumunod si SM kay JC.. pero patuloy paring nagpapapansin... lumabas na sila RM at XR.. doon lang sumunod sila CJ,JC,at SM... paglabas ng maliit na hinto ay patuloy ang ubuhan at tawanan ng tatlo... marami nang tao ang nagtitinginan sa kanila... pero wala paring nanggaling kay RM at XR..

patuloy ang lakad, ubo,tawanan at lahat ng klaseng pagpapapansin... pero wa-epek... kamote yan... kuing naging ka-klase mo naman si JC ay maaaring makilala mo ang tunog ng tawa nya..

pero sawing palad ang tatlo.. huminto sila sa tapat ng kainan na may pangalang 'chen-chen eatery..' ang matinding karibal ni bunso... 'sige mga ka-klase ko sa informatics, uwi na ko, sige jcb, at cja uwi na ko..' malakas na pagpapaalam ni SM sa dalawa, na may pasadyang mapansin ni XR... pero wala parin... tekamots nga naman talaga...

konti pang tawanan at paglingon ni SM kay RM at XR ay wala na ang mga ito, parang mga kamaganak ni Flash.. di napansin ni SM na dumaan sa harapan nya mismo si RM... sa ginta nila ni Cj... nasan si XR? ambilis.. nasa tapat agad ng bus na sasakyan nila... kamote... di man lang nila nakilala... parang eyesheild21 ang takbo...

ayun... tuloy ang asaran at ang mga pag-iimbento ng mga 'maaaring' kwento... pero wala silang niisip na masama..

umuwi silang may mga ngiti sa labi dahil sa dami ng coke zerong naubos nila... sana naman ay meron paring tumatangkilik nitong blogoserye na to...

sana ay ganahan pa kong sumulat...

hehe...

pero marami paring mga episodes ang parating.. hehhe

hintay lang kayo....

abangan..

Sunday, March 30, 2008

Episode 9 maRIMANDO at ESSERyo.. (lumang hangarin..)

dali-dali syang (si manong guard) tumakbo sa direksyon kung saan naroon sina maRIMADO, ESSERyo at JERTHOcruzdthird... at...


dahil sa katandaan ay napagod... di alam kung bakit sya napatakbo ni anJOYCElica sa kanyang sagot....

'masmabuti na pong malaman nya kaysa habambuhay ako masisi sa mga maaaring
mangyari...'
biglang mayroon kungano na nag-'pump' sa puso ni manong guard habang inaalala nya ng mga salitang binitawan ni anJOYCElica... tila nagising sya sa isang mahabang pagkakatulog na para bang ayaw na nyang gisingan..





pagdating nya doon ay nakita nya agad si maRIMANDO... napatingin rin sa kanya si maRIMANDO... nagkatinginan silang dalawa ng mga 5 minits(kamote yan, di ko mahanap yung tamang spelling..)..





pero hindi si maRIMANDO ang hinahanap nya..





ang may ari ng tindahan..





si aling nena.. ang kanyang matagal nang crush....





dumiretso sya sa loob ng tindahan ni aling nena na parang karinderya... sa bandang kusina... kung saan nagluluto si aling nena.. at di na nya hinayaang maunahan pa sya ng hiya at biglang nagsalita...
'ahmmm... eheem... ah, nena.... may sasabihin pala ako sayo....'
sabi ni manong guard...
'ha? nagluluto ako eh.. pede bang mamaya nalang?...'
sagot ni aling nena
'di pede.. kelangan mo na tong malaman...'
pagpipilit ni manong guard...
'o sige na nga... ano ba yun?'
nakukulitang sagot ni aling nena...
'mahal kita nena.. matagal ko na tong gustong sabihin sayo... kamote yan, kung
kelan pa matatanda na tayo, ngayon ko lang nasabi... pero mahal talaga kita..
sobra....'
naluluhang sagot ni manong guard...


nag-blush si aling nena sa sinabing iyon ni manong guard...

yun pala eh may sikreto rin si aling nena....
'ahm.. guard, me sasabihin din ako sayo...'
bulong ni aling nena..
'matagal na rin kitang mahal.... di ko lang alam kung pano ko to sasabihin sayo
eh... pero mahal di kita guard, mahal na mahal...'
sa lugar na iyon, sa kusina nila aling nena nabuo ang pagmamahalang nena at guard... mabilis nilang inasikaso ang kanilang kasal at nakgaroon sila ng maraming anak...

nagtayo rin sila ng negosyo... isang karinderya... at dahil sa kakapanganak lang ni aling nena sa huling anak nila ni manong guard ay pinangalanan nila itong....
'BUNSO EATERY'
at doon nabuo ang kainan ni bunso na ngayon ay tinatangkilik ng mga estudyante ng informatics sa tapat ng SM.. yun yon....

hehehe...

abangan ang mga susunod na kabanata...

Friday, March 28, 2008

InfoWars..

hay nako.. isang nakapagod na 3 days na naman ang lumipas... at sa totoo lang masarap...
'i cant bilibid, im part of the toooooottt.....'
ito ang mga unang words na tumakbo sa isipan ko noong tuesday.. ang araw bago pa magsimula ang lahat... baket ko to nasabi?

kase ako ay kasama sa....


TANTANANANANANTANNNN.....
INFORMATICS FAIRVIEW CHEERING SQUAD!!
yahoo!!!sa totoo lang, di ko alam kung bakit ako nakasali dito... ako nga lang ang 2nd year na kasali eh.. hehhee pero ayos lang di naman ako sumali para samahan ang mga kilala ko eh..
sumali ako para magawa ang gusto ko(kase gusto ko talagang sumayaw.. minsan lang me ganitong mga chances..),para maipakita ang (konteng)talento ko(naks..)..at para lumaban para sa mahal ko ng skul...(ayos.. hi bob ong..hehe)


martes, praktis ng sayaw sa, una, kila sir jowie.. doon namin nasimulan ang halos lahat ng part ng sayaw... at doon ko rin unang naapiran si erica.. hehe (ngak..) di ko rin alam na makakaya kong sayawin lahat ng yon... hehehe pero nagawa ko.. heheh ayos... second stop.. sa bahay nila fae.. doon lang ako nakatulog ng dalawang saglit... at dumating ang isang munting binibining me pangalang peklat.. at doon naman ay halos nakumpleto namin ang lahat ng parte ng cheer dance.. at syempre kami ay napagod..... ng sobra..

ang galing nga dahil within the week lang kami nagpraktis ng cheerdance, sana nga yung ibang team din eh.. heheh kaso mas huli na kaming nakakilos dahil sa di malaman na dahilan.(gaya ng mga di alam kung sinong gusto talagang sumama.. dahil siguro ang akala ng ibang mga lalaki(gaya ng papa ko) na ang cheering ay pang babae lang na gawain.. parang pang bakla.. kamote....)

tapos miyerkules tumakbo kami papuntang amoranto sports complex.... sumakay naman kami.. tapos don nanood ng iba't-ibang mga laban.. badminton, table tennis, basketball, volleyball, twoball.. hehe jowk.. at umuwing me konting pagasa sana sa basketball kaso kinabukasan, hwebes, ay nagpraktis kaming ulit ng cheer namin at doon namin nalaman na kaya ko pa palang mag basketball... at natalo na ang basketball team nanim.... tekamots.. pero doon rin naman ay natapos namin ang buong cheer...

ng luhaan.. dahil ako ay wala pa palang uniform ng mga panahon iyon... bumili yung guro namin, tapos di ko alam kung bakit nagkulang, tapos ako ang me mabuting loob na mag bigay nalang sa iba... hehehe kapal.. pero ayos naman ang naging tako ng praktis, maliban sa mga konting pagbabago sa step at ilang mixing problems sa tugtog.. hhehe kala mo propesyonal..


pero ayos talaga ang lahat.. kahit na papano... at natapos kaming pagod... ulet.. ng sobra...

biyernes.. ang huling araw ng event.. ang inaakala naming pangsyam kami ay napuntang pang apat... dahil anim lang na team ang kasali... at dahil sa miunderstanding na yun ay nawalang ako uniform habang nagpeperform... dumating lang ang guro namin after naming mag-perform... ankkk..

sa simula palang ay hindi ko na inaasahan na mananalo kami.. dahil sa konte namin.. yun lang ang dahilan ko kaya wala akong ibang sinisisi.. heheh... kaya sa guro namin jan, ayos lang po yun... kahit sinabi no pong '...' nakalimutan ko na eh.. basta.. its nice working with you guys... hehehe..


at yung episode ni marimando... maghintay nalang po muna kayo.. hhehe


yun lang

Monday, March 24, 2008

Episode 8 maRIMANDO at ESSERyo (the truth about love..)

patuloy pang nagkwentuhan ang mga taong iyon, pero sa di kalayuan ay mayroong nakikinig..




si anJOYCElica naman ay kausap si manong guard... (siguro sa sobrang ka-walang-magawaan.. o katamaran...)nung mga sandaling iyon ay medyo nagkakamabutihan sila ni manong guard..(kamoteng manong guard yan.. kung kelan tumanda.... tsktsktsk) pero di hinayaang mahulog ni anJOYCElica ang kanyang loob ke manong... dahil si ESSERyo parin ang kanyang gusto.... at wala nang iba pa.. hehhe....
'kamusta na nga pala lovelife mo iha?'
tanong ni manong guard kay anJOYCElica.. ano sa palagay nyo ang reaksyon ni anJOYCElica sa sinabi ni manong guard(comment na...!!)..at syempre sumagot sya...
'ah, ako po monong?, ahm..(magsisinungaling)... malungkot po...(ay! hindi
pala... hehehe sensya..)kase po yung taong gusto ko eh may gusto sa ibang tao...
kamote nga po eh... tsktsk..'
sagot ni anJOYCElica kay manong guard..

'pero ayos naman po sa ngayon.. at least nakikita ko sya, dun palang kuntento na
ko... pero iba parin kung magiging kame di po ba? di naman porket nagmahal ka eh
kelangan mahalin ka rin nya para masaya.. ayos po kung may babalik na love pero
kung wala naman eh at least nagmahal ako..at ang mas astig pa nga po ay alam na nya na sya ang gusto ko,masmabuti na pong malaman nya kaysa habambuhay ako masisi sa mga maaaring mangyari...'

'sinabi mo?'

'opo.. ayos na po iyon para sakin..'

patuloy na depensa ni anJOYCelica.. kahit na wala namang sinasabi si manong guard.. sa totoo lang ay napangiti si manong guard sa sinabing iyon ni anJOYCElica...


totoo nga naman, di kelangan na mahalin ka rin ng mahal mo... minsan, one-sided lang parang emo..(korni..)parang pag tumagal na ang relasyon.. minsan, ang 'pangit' nalang ang nagmamahal.. wiiiuuuuuiiiiuuuuww....


hindi inakala ni manong guard na ganoon ang sasabihin sa kanya ni anJOYCElica.. dahil sa isang tanong na iyon..
'sobra ka naman maka-react iha.. yun lang tinanong ko, ganun na sagot mo.. pero
ayos lang yun iha.. naliwanagan ako... pero sandali lang iha ah.. may
pupunahan lang ako ngayon lang to, masmabuti nang alam nya habang hindi pa huli
ang lahat...'
mabilis na nagtanggal ng damit si manong guard ng kanyang damit at whoalla!!! naka-formal attire na agad sya.. parang superman..(asteeg..)

dali-dali syang tumakbo sa direksyo kung saan naroon sina maRIMADO, ESSERyo at JERTHOcruzdthird... at...

abangan po... wahuh..

ang youth fellowship.. ang nakaraan..

hehe... late na tong post na to kase late ko rin nakuha yung photo..


ang topic noong last youth fellowship ay (ayon aky ate elvie...) parang do you have GB?
basta parang ganun.. hehehe

ano nga ba ang ibig sabihin ng GB?

sa mga lokoloko jan, hindi yun girl brend.. hehhe

ang ibig sabihin daw nun ay 'God's Best'... astig noh...

well sa sitwasyon natin ngayon, parang di natin nararamdama yung God's Best sa mga buhay-buhay natin... dahil di pa talaga natin ito nalalaman...

malamang ang iniisip mo ngayong Best eh yung 'best na gusto mo..'

maaaring yung ang Gods Best.. pero maaari rin hindi iyon...

pano natin ito malalaman?

God's Best nga yun kaya malamang, mabuti iyon para sayo.... at nakakalugod ito sa kanya...

kasama na rin dito ang ating mga pamilya, pagaaral, mga desisyon, at sa lovelife...

march na namin yon tinapik pero its all about love parin.. hehehe

syempre, maraming mga kabataan ang papketado doon...

ang sabi ni ate, pag umibig ka, ibinibigay mo ang isang parte ng heart mo sa taong mahalin mo...pag naghiwalay kayo, nawala na yung part na ibinigay mo sa kanya... tapos magmamahal ka ulet... muli kang magbibigay ng bahagi ng puso mo sa taong iyon.. pagkatapos ng lahat ng mga sakit na naramdaman mo, atsaka lang darating ang taong makaksama mo haban-buhay... tapos ibinigay mo na lahat ng natira sayo... papayag ka bang tira-tira nalang ng puso mo ang ibibgay mo sa taong makakasama mo sa habambuhay?...

nakakalungkot kung ang taong magbibigay sayo ng puso nya eh 14 nalang ang natira....

eh pano na kung maraming beses kang nagmahal at nabigo? masakit noh? katiting nalang ng heart mo ang maibibigay mo sa asawa mo...

at pagkatapos ng maraming mga usapan... ipinasulat saamin ang mga traits ng mga opposite sex na gusto naming makasama habang buhay... tapos ipinag-pray namin lahat iyon... idinikit namin sila sa manila paper na may naka drawing na babae at lalakeng naka jumper... at alam ko (sana) na kahit mahirap ang sinulat ko doon ay meron paring babaeng nakalaan ang Lord para saakin... sino man sya ay Sya nalang ang bahala dun.. para astig.. hehhe


yun lang



Godbless..†

Wednesday, March 19, 2008

On-line-learing... ano nga ba to?

almost two months since this online learning thing invaded our school....(nice english..) but i dont really felt its occurence.. hehe..pwamis.. but then, as my topic says.. what is online learning?

based on wikipedia, if you will search that word on their site, they will redirect you to electronic learning... which means...


'Electronic learning or eLearning is a general term used to refer to
computer-enhanced learning. It is used interchangeably in so many contexts
that
it is critical to be clear what one means when one speaks of
'eLearning'. In
many respects, it is commonly associated with the field of advanced
learning technology
(ALT), which deals with both the technologies and
associated methodologies in learning using networked and/or multimedia
technologies.'

im not against it or anything like that pero nahihirapan akong mag-english..

hehehe but then, my auntie was working hard to earn money to support my education... paid my online learning fee, but i hardly felt it....



o sige na nga, magtatagalog na ko...



hindi naman sa ayaw ko ng online learning dahil wala akong computer sa bahay, gusto ko nga yun kahit wala akong computer eh.. kaso nga lang walang masyadong nangyayri...



ang trabaho nya lang(ayon sa mga naranasan ko dito..) ay magdownload ng mga assignments at quizzes.. at i-upload yung mga gawa mo... yun (pa)lang..



sa UP meron silang site na pede kang mag-download ng mga presentations kung tinatamad kang kumopya sa skul..

hindi naman sa may gusto akong mangyari o galit ako pero nakakatawa.. wala akong masamang intensyon sa kung sino man ang may pasimuno nito... sa mga kinauukulan, lecturers, mahal ko po kayo... hehehe..

at dahil sa mga pangyayring ito may iiiwan akong tanong sa inyo...






naranasan nyo na bang umibig?
hehehe
peace yow!!



for your comments and sugestions, please contact me... or
i-post nyo nalang yung komento ninyo.. hehe

Monday, March 17, 2008

Episode 7 maRIMANDO at ESSERyo.. (saglit na kalimot)

patuloy nan bumibilis ang paglalakad ni ESSERyo patungo kila maRIMANDO at JERTHOcruzdthird... parang excited syang makalapit sa dalawang traydor sa paningin nya.... di na nya mapigil ang kanyang damdamin sa mga panahong iyon.. at nung makalapit na sya ay....






tanghali na nang makarating si ESSERyo kina maRIMANDO at JERTHOcruzdthird.. dahil sa daming beses syang nagpabalik-balik kay manong guard (actually ay 2 beses lang yun.. adik kase sya kaya madali syang mapagod..)ay sobrang napagod sya at nagutom...




pagkalapit nya sa dalawa ay...

'anong tinitingin tingin nyo jan?, penge ng langgonisa ah.. hehehe tenks..'
paalam ni ESSERyo sa dalawa..


nagtaka ang dalawa dahil sa naging reaksyon ni ESSERyo nang makita silang makasama... at biglang bumait...
'akala namin galit ka... ambilis mong maglakad eh...'
sabi nila JERTHOcruzdthird at maRIMANDO kay ESSERyo..
'ako, magagalit? bakit naman?, anong dahilan..?'
tanong ni ESSERyo sa dalawa.. ang kay ESSERyo lang naman ay gusto nyang kumain ng langgonisa, dahil yun ang paborito nyang pagkain...
'ay ganun ba... ah, hehe sige lang hehe.. para sayo talaga yan....(kala ko naman
kung ano nang gagawin nya... tsktsktsk)'
sabi ni JERTHOcruzdthird(ung nasa parenthesis, sa sarili lang nya..) biglang tusok ni ESSERyo naman ng stick na kinuha nya kay manong guard sa kulay maroon na langgonisa... TTSSHHHUUGG!!! sabay tanong..
'sandali lang.. pano nga pala kayong dalawa nagkakilala? at bakit parang
kakaiyak mo lang maRIMANDO?'
yun ang tanong nya.. nagtinginan ang dalawa.. kapwa di alam ang gagawin.. si JERTHOcruzdthird na ang sumagot ka ESSERyo...
'ano kase.. ganito yun.. nakita ko sya kanina, naglalakad, tapos umiiyak... di
ko alam kung bakit... eh kilala mo naman ako, mabait, tapos ayaw k pang
nakakakita ng mga babaeng umiiyak... kaya tinulungan ko sya... dun kami
nagkakilala.....'
sagot ni JERTHOcruzdthird.. nakuha naman ni ESSERyo lahat ng sinabi ni JERTHOcruzdthird.. at doon lang nya naalala...yung sinabi ni manong guard(hindi yung magbayad ka naman ah...)... sandali nga lang pala maRIMANDO.. umiiyak ka daw sabi ni manong guard kanina, nung umalis ka.. bhaket?...

biglang napaisip si maRIMANDO sa tanong ni ESSERyong iyon.. ayaw nyang sabihin dito na may gusto sya rito... nangangamote na sya... basta sumagot nalang sya....
'inaaway ka kase ni anJOYCElica... kahtibagong magkakilala palang tayo ay ayaw
kong may taong inaaway sa harap ko... natakot ako kase di ko alam ang gagawin
ko, at dahil sa babae ako, ayun, umiyak nalang ako't umiwas..(hehe magandang
palusot..ehehe)'

at sa unang beses(ata) ay kinilig si ESSERyo sa sinabi ni maRIMANDO...(nice.. nag-blush pa sya, pero pilit nya itong tinatago....)
'wala yun(kala mo gwapo..) ayos lang yun.. ganun lang talaga kaming dalawa...'
sagot ni ESSERyo...

Abangen..

Friday, March 14, 2008

Episode 6 maRIMANDO at ESSERyo...(masarap na tanghalian..)

sabi ni manong guard... isang mabait na tao... dalidaling tumakbo si ESSERyo sa direksyon na tinuro ni manong guard... at doon, nakalimutan nyang bayaran ang kinain nilang dalawa ni maRIMANDO kaya si anJOYCElica ang siningil ni manong guard...

sa bilis tumakbo ni ESSERyo ay hindi mo mapapansin na napapatid na pala sya.... at inabutan nya si maRIMANDO at JERTHOcruzdthird na magka..........

na magka... kakain silang dalawa ng kanin..... yun yung nakita ni ESSERyo...



'maRIMANDO!!!!'

sigaw ni ESSERyo..



at sa gulat dahil may sumigaw... ay napatayo ang dalawang kumakain... kala nila kung ano nang nangyari... sa sobrang pakabigla ni JERTHOcruzdthrid ay nahawakan rin nya ang kamay ni maRIMANDO sa pagaakalang may aagaw sa kanya nito... (yabang.. kala mo naman sa kanya si maRIMANDO...)



at yun ang nakitang tagpo ni ESSERyo... magkahawak ng kamay ang kaibigan nya at ang taong mahal nya.. kung ikaw ang nasa kalagayan ni ESSERyo..? anong gagawin mo?



tumakbo si ESSERyo... papunta kay manong guard para manguha ng stick na fishball...

'hoy.... bumili ka naman...'
bulyaw ni manong guard kay ESSERyo.. tapos bigla syang tumakbo pabalik kila maRIMANDO at JERTHOcruzdthird.... sobrang nakakatakot dahil galit na galit si ESSERyo... ambilis nyang maglakad papunta kila maRIMANDO at JERTHOcruzdthird... di na rin alam ng dalawa ang gagawin dahil sa nakikita.... hindi alam ni JERTHOcruzdthird kung anong nangyayari... ang alam lang nya ay kumain sila ni maRIMANDO ng langgonisa sa tindahan ni aling nena... natatakot sya dahil sa tagal na hindi sila nagkita ni ESSERyo ay ngayon lang nya ito nakita na nagalit nang ganito ka-sobra......



sa parehong paraan ay di rin alam ni maRIMANDO ang kanyang gagawin... sa ikli ng panahon na magkakilala sila ni ESSERyo ay ngayon nya palang ito nakitang nagalit...

patuloy nan bumibilis ang paglalakad ni ESSERyo patungo kila maRIMANDO at JERTHOcruzdthird... parang excited syang makalapit sa dalawang traydor sa paningin nya.... di na nya mapigil ang kanyang damdamin sa mga panahong iyon.. at nung makalapit na sya ay....

Thursday, March 13, 2008

alamat ng martilyo..

Pare 1: pare nakita mo ba yung GRIEF ko?

Pare 2: ano ka ba... sinabi ko na sayo.. hindi GRIEF... BRIEF yun...

Pare 1: ah ganun ba? eh nasan na nga...?

Pare 2: nandu sa kwarto... naka-HAMMER!!!!(hanger..)



wahahha

Tuesday, March 11, 2008

Sino ba si isma pag malungkot???

si isma ay yung masayang tao...





at si balong ang malungkuting side...





ako, parang mas kilala ko na si balong ... bakit? kase halos buong buhay ko na ata ay malungkot ako....





oo, mahilig akong magpasaya ng mga tao, pero sa loob-loob ko, eh malungkot ako....





i used to smile, pero hindi ako masaya, pero mas lalong di ako plastik.... ngumingiti ako para tabunan ang kalungkutan sa loob-loob ko.... ngumingiti ako dahil may Isang palaging nagpapangiti sakin, ano man ang maging kalagayan ko.... buti nalang nanjan Sya palagi..





di dahil sa ganito ang topic ko ay Emo na ko..





kamoteng emo yan... hindi lahat ng mga malungkot na tao eh... emo nga.




pano nalang yung mga taong may sakit na pag masaya sila eh pumapangit sila, kaya mas pinipili nalang nilang maging malungkot, emo ba un?





minsan, nami-misinterpret natin ang mga ibat-ibang emosyon ng mga tao, lalo na ko.. ganun kase ako eh... konting ngiti lang.. masaya na ko.. kala ko naman natuwa sya sakin, yun pala sa chokolate lang...



kamoteng puso it... masyado nang naging malungkot, kaya naghahanap ng mga taong mamahalin...



mas lalo kong nararamdaman tuloy ang kalungkutan na to ngayon dahil.. may tigyawat akong tumutubo sa kanang mata ko... kamote.. ang sakit ng mukha ko...


hay nako.. ano nga ba ang nagudyo sakin na gawin ang lahat ng ito...

noong nakaraang valentines day kase... bukod sa bad trip na lahat ng mga nakikita ko ay meron isang kaibigan na nagbigay sakin ng isang munting papel na may nakasulat na ganito...


'dont be affraid to tell someone you love them... if you do, they might break your heart, but if you dont.. you might break theirs..'
ako naman si kapal ng mukha... kala mo gwapo... natakot ako sa mga maaaring mangyari din... ayun, nagsalita ako at it broke.. hard.. kahit na it is still broken, mas lalo pa tong nadurog.. ang emo ko noh?... hehehe

sa tingin ko nga mas masaya ako pag malungkot ako eh... nakakatawa pero ganun talaga... mas masaya akong Sya lang ang kasama ko.. kase alam kong secured ako sa piling Nya... nakakabaliw, pero dito sa mundong ito, maraming paraan para saktan ka ng ibang tao... and all you can do is to hold on to Him...

kamote.... ganun talaga...


siguro nga eh ang blogoseryeng maRIMANDO at ESSERyo ay palusot ko lang , bukod sa gusto kong magpasaya ng tao..., para di na makita ang mga nakalipas pang mga post...

pero sa ngayon ay medyo masaya naman ako sa pagiging malungkot... sabi nga ni kuya jan.. 'mas masarap lumapit sa Lord kapag broken ang soul mo..' asteeg...

at sa sobrang haba ng ginawa kong ko... ay di ko na alam kung pano to tatapusin... kaya ganito nalang bigla nalang mawawala.. hmp...

Episode 5 maRIMANDO at ESSERyo (pusong masakit..[ng author])

Hindi inaasahan ni maRIMANDO ang pangyayaring iyon..



matagal na rin nyang inaasam-asam na makakilala sila ng crush nya...



parang knight-in-a-shining-shimmering-splendid ang dating sa kanya ng crush nya pagkakita nya, dahil para syang pinagkaitan ng buong kalangitan na makasama si ESSERyo....



sa sobrang hagulgol ng iyak ni maRIMANDO ay napansin sya ng humahanga rin sa kanyang si JERTHOcruzdthird....



siya ay malapit rin na kaibigan kay ESSERyo, ngunit matagal na nyang nakikita si maRIMANDO... sa hindi malamang dahilan ng author..



malamang dahil sa sya nga ay humahanga, kaya nya nakilala si maRIMANDO..



magaling rin syang magdrums...dahil maliit palalang sya ay nagda-drums na sya...

di ko nga lang alam kung paano sya natuto o sinong nagturo sa kanya... basta ang alam ko, magaling sya, at masaya dahil nasaharapan nya si maRIMANDO....

nilapitan ni JERTHOcruzdthird si maRIMANDO dahil ang lakas nitong umiyak.... dahil naaawa sya rito... at dahil sa loob-loob nya, syang ang nahihirapan para kay maRIMANDO...(nice..)di man nya alam kung bakit ito umiiyak ay nilapitan parin nya ito ,kahit na di pa sila naguusap ng personal na dalawa...

habang umiiyak si maRIMANDO ay napansin nyang papalapit sa kanya si JERTHOcruzdthird... may hawak na panyo at parang pursigidong lumapit sa kanya.. kahit na humahanga sya rito ay kahit na papano ay natakot parin sya dahil hindi pa nga sila naguusap na dalawa...

'baka ki-kidnapin ako nito...'

bulong ni maRIMANDO.. dun lang sya natakot sa hinahangaan nya...

nagtaka si JERTHOcruzdthird dahil parang lumayo si maRIMANDO ng kaunti ng pagbunot nya ng panyo...

'wala naman akong masamang balak dito, tutulungan na nga, lumalayo pa...'

bulong nya sa sarili nya... pero gusto nya paring tulungan si maRIMANDO, kaya buong puso nyang nilapitan parin si maRIMANDO kahit na parang lumalayo ito...

'di ko naman to ki-kidnapin eh, bat ako matatakot lumapit',

pagpapalakas nya ng loob ng sarili nya.. at saka sya lumakad....

natatakot man at umiiyak ay buong lakas paring nyang pinigilang na mkalalapit ng husto si JERTHOcruzdthird... ng makalapit ito... ay tinusok nya ito sa hita ng stick ng fishball na kinain nila ni ESSERyo ilang minuto palang ang lumilipas....

'aray, bakit?'

tanong ni JERTHOcruzdthird ka maRIMANDO...

'wag mo kong ki-kidnapin.. hindi porket gusto kita ay sasama na ko sayo.. taking
advantage ka.. kamote!!!'

hindi alam ni JERTHOcruzdthird na may gusto rin sa kanya si maRIMANDO kaya nagulat ito at kinilig..... tapos nag-blush pa (combo..)..kahit masakit ang hita..

'bakit mo naman naisipan ka ki-kidnapin kita... sa ganda mong yan?(nambola pa..,
pero ngumiti naman si maRIMANDO nun..).. nakita kitang umiiyak kaya lumapit
ako... gusto ko snang makatulong...(kinikilig na naman si maRIMANDO) pero tinusok mo naman ako ng stick.. aww..'

pambobola ni JERTHOcruzdthird kay marimando, pero totoo naman ang mga intensyon nya... gusto nya lang talagang tumulong...

agad na nakuha ni JERTHOcruzdthird ang loob ni maRIMANDO kaya hinayaan na nya itong tumulong sa kanya at nagkwentuhan pa sila ng marami pagkatapos nun...

sa kabilang banda naman ay hindi parin tapos na magdebate si ESSERyo at anJOYCElica...

'wala kang kwenta.. bakit di mo matanggap kung sino ako, kasalanan ko bang
maging ganito ako'

'hindi ganun yun... meron lang taong sadyang para sayo at para sakin.. at yun si
maRIMANDO...'

sige lang ang sagutan nilang dalawa.. kala mo wala nang bukas...nang sinabi ni ESSERyo ang pangalan ni maRIMANDO, dun lang nya naalala a kasama nya pala ito, tumingin sya sa paligid, lumingon at patuloy na naghanap... wala roon si maRIMANDO...

'umalis na sya, kanina pa... umiiyak...doon sya pumunta(tumuro sa kabilang direksyon..) masama ang hawak sa stick ng fishball.. parang meron nga syang nakasalubong eh... gwapo..'

sabi ni manong guard... isang mabait na tao... dalidaling tumakbo si ESSERyo sa direksyon na tinuro ni manong guard... at doon, nakalimutan nyang bayaran ang kinain nilang dalawa ni maRIMANDO kaya si anJOYCElica ang siningil ni manong guard...

sa bilis tumakbo ni ESSERyo ay hindi mo mapapansin na napapatid na pala sya.... at inabutan nya si maRIMANDO at JERTHOcruzdthird na mangka..........

abangan

Monday, March 10, 2008

Episode 4 maRIMANDO at ESSERyo.. (ang mabangong nakaraan)

masaya silang dalawa na nagtatawanan at nagku-kwentuhan habang kumakain ng fishball ni manong guard...



tunay ngang masaya silang dalawa sa piling ng isat-isa...


'sana ay di na matapos tong oras na to...'


sabi nila sa isat-isa... habang may fishball sa bibig...



patuloy pang lumipas ang mga oras ng di nila napapansin, at 5 minuto palang talaga ang lumilipas....



hanggang sa abutan silang dalawa ni anJOYCElica....



ang propesyonal na rugby girl na addict kay ESSERyo na taga ortigas.....



at ang sabi nya...




'hule.... hahaha, kala nyo ah.... san ka nanaman galing esseryo?'

'bakit? ano bang pakealam mo jan? asawa ba kita?'



sagot ni ESSERyo kay anJOYCElica....


'sino sya, esseryo? close ba kayo?'


tanong ni maRIMANDO kay ESSERyo...


'hindi noh....! tignan mo nga sya... masyadong maganda ang mga damit nya para
maging rugby girl lang, di kami bagay..'


sagot ni ESSERyo...


'ano ka? matagal na kitang gusto, esseryo.... bakit ba ayaw mo sakin, eh isa
lang naman akong propesyonal na rugby girl...'

bulyaw ni anJOYCElica kay ESSERyo...


'yun nga eh.. ang yabang yabang mo... mas magaling ka pa sakin mag-rugby....
nagmumukha tuloy akong pulube....'

patuloy parin silang nagsagutan na dalawa... ni hindi manlang sila nahiya kay maRIMANDO... at dahil sa mga pangyayaring iyon ay nahiya si maRIMANDO kaya dahan-dahan itong dumiskarte para makalayo nang hindi napapansin....


patuloy silang nagsigawan at di nga nila napansin si maRIMANDO na naglalakad na umiiyak...


sugatan ang kanyang puso dahil hindi man lang sya inasikaso ng taong gusto nya... sobra syang nasaktan dahil ayon sa mga pangyayari ay... mas marami nang panahon na nagsama si ESSERyo at anJOYCElica kaysa sa kanilang dalawa... tuloy nag selos sya...

sa kanyang paglalakad ay nakasalubong nya ang isang matagal na hinahangaan, na matagal na ring humanga sa kanya....

osige na.. kinilig ulet sya,

pero di na kasing lakas ng dati...


Abangan ang susunod na kabanata...

Mic-less Karaoke....

akala mo lang na mukha kang tanga kung kakanta ka sa karaoke ng walang mic pero sa totoo lang, meron rin itong mga advantages.... at oo, mga disad....

unahin natin ang mga disadvantages....
  • Mukha kang tanga..
  • may mga wala sa tono na sasabay sayo...
  • walang nakikinig sayo(dahil lahat ay kumakanta..)
  • lahat kayo sikat...
  • di ka makapagmayabang sa crush mo...

at ang mga advantages...

  • lahat kayo, dimakakapag sapawan...
  • lahat kayo ng tropa mo ay makakapagshare sa isang kanta..
  • ayos lang, di mo mapapansin kung sinong lasing sa hindi...
  • madali mong malaman na wala ka sa tono...
  • di mo malalaman ang score mo...
  • di maririnig ng kapit-bahay mo ang boses mo...
  • maaari kayong sumabay na kumanta ng crush mo.. nang hindi nya nalalaman...hehehhe
  • kahit saan ka pumunta sa loob ng bahay nyo, makakakanta ka ngwalang kableng humahatak sayo...
  • at madali kayo tatamarin na magkantahan dahil parang walang kwenta ang lahat ng ginagawa nyo....

yun lang....

maaari mong i-post ang iyong komento kung meron kang mga rason...

basta, di ko masabi eh... pero kung may gusto kang sabihin, sabihin mo lang.. jan... hehe

Sunday, March 9, 2008

Episode 3 maRIMANDO at ESSERyo... (ang ligaw na bala)

matapos mamili ng nanay ni maRIMANDO ng mga bagong sampaguita na pamalit sa mga nasirang bulaklak ni maRIMANDO, at ayusin ito ay nagsimula na ulit na magtinda si maRIMANDO ng mga sampaguita sa labas ng bahay nila...



kung saan sila unang nagkita ni ESSERyo... para muli silang magkita na dalawa..



umaasa si maRIMANDO na muli silang magkikita sa lugar kung saan sila unang nagkita...



at hindi naman nagkamali si maRIMANDO...





matapos lang ang pamimilit nya sa ilang mga mamimili na bumili ng sampaguita ay muli nyang nasilayan ang taong sinadya nya sa lugar na yaon...



si ESSERyo..




nanibago sya sa malaking pagbabagong pisikal ni ESSERyo, at mas lalo pa syang nahulog sa taong ito, naisip nya tuloy....




'siguro, nagbago sya dahil haiya sya sakin nung una kaming
magkita...'


bulong ni maRIMANDO sa kanyang sarili.. at bigla nanaman syang kinilig... ng sobra....



sa sobrang kilig nya ay natumba sya at nanginig sa gitna ng kalsada...



at dahil sa nakakahiyang pangyayaring iyon ay napansin sya ni ESSERyo at dali-dali nya itong itinayo sa pagkakatumba at muling tinanong....

'ahm... maa.. marimando, ayos ka lang?'

muling tanong ni ESSERyo ke maRIMANDO...



at sumagot sya....



'ay, essss......esseryo, ikaw na pala yan.... anong ginagawa mo?'


tanong ni maRIMANDO kay ESSERyo...



'nanginginig ka, di ko ala kung ano nang nangyayari sayo.... dadalhin kita sa
ospital....'


'hindi, ayos lang ako, ganito lang talaga ako pag kini...(nag-isip).... may hinahanap, yun, pag may hinahanap pala ako.. hehhe'

'ayos lang eh bumubula na ang bibig mo.... tapos nakatirik pa yung mga mata
mo.... ayos lang ba yun? nakakatakot kaya yun....'

'ay ganun ba? sandalilang...(magpupunas ng bibig)... niloloko mo naman ako eh.... wala namang bula eh.....'

'hehehe, binibiro lang kita marimando.... ang ganda mo pala pag nauuto...hehhe'


nagtawanan silang dalawa habang binubusinahan sila ng mga dumadaang jeep,truck ng basura, at school services, at pinanonood ng mga chismoso at chismosa sa kalye....

wala silang naririnig kundi ang tawanan ng isat-isa...

tumayo sila at nagpunta sa tabi ng kalsada, at hanggang sa mga panahong iyon ay patuloy parin na kinikilig si maRIMANDO... patuloy parin syang nanginginig pero pinipigilan nya para di sya tanungin ni ESSERyo.. at kumain silang dalawa ng fishball ni manong guard.... hehehe

hanggang sa makita silang dalawa ni.......

abangan ang susunod na kabanata.....

Friday, March 7, 2008

3 kisses + 1 smile... a great day..

ayos.... sapat na mara makatulog ako ng mahimbing....

yung araw na yun ay kabaligtaran ng araw na nakalipas...

ang galing ...

Thursday, March 6, 2008

Episode 2 maRIMANDO at ESSERyo (ang mga ligaw na ilaw..)

setting:
sa isang madilim na lugar kung saan nagtatago si ESSERyo sa twing gagamit sya ng ipinagbabawal na rugby...

'in hell....











exhell, inhell, exhell,' hawak ni ESSERyo ang plastik na may laman na natutuyong rugby sa tapat ng kanyang ilong at bibig.... patuloy si ESSERyo sa pagsuporta sa kanyang bisyo.. halos patuloy lang sya sa ganitong buhay... gising, unat, labas, isnats, takbo, bili ng rugby, bili ng tinapay kung may sukli, tago, tulog gising... paulit-ulit lang sya sa ganitong pamumuhay....





hanggang sa gabing iyong na nakilala nya si maRIMANDO...




tila isang bagong katauhan ang sumuot sa kanya... bigla syang napatigil sa pagamit ng rugby.... tumayo at sinabi sa sarili... 'hindi na dapat na magpatuloy ito.... kelangan ko nang magbago.... sobrang nakakadiri ang itrusa ko, kelangan ko ng maligo... para kay maRIMANDO, magbabago na ko...'





at simula noong araw na yon ay di na muling gumamit ng rugby si ESSERyo, ayon sa pagkakaalam ng author...








sa kabilang banda naman ay naghahanda na si maRIMANDO para sa ititinda nyang sampaguita sa tapat ng bar o ng bahay nila.... magkaibang lugar yun... habang hinuhugasan ni maRIMANDO ang mga bulaklak ay di parin nawawala sa isip nya ang unang pagkikita nila ni ESSERyo..

'bakit miss.. nasaktan ka ba?'

naalala ni maRIMANDO ang mga unang kataga na sinabi sa kanya ni ESSERyo.. at oo, kinilig sya...
'pasensya na miss, nabigla ako'


hanggang sa mga panahong iyon, di parin alam ni maRIMANDO ang kanyang gagawin sa kakaibang pakiramdam na nadarama nya.... patuloy parin siyang kinikilig...



'Ako naman si ESSERyo... ehhe... hi nga pala...'

dahil sa sobrang pag-entertain nya sa feeling na yon ay napisa niya ang 70% ng mga samaguita na hinuhugasan nya.... at


'kamote kang bata ka, siguro iniisip mo nanaman kung pano ka makakatakas sa mga
gawaing bahay noh? , kumilos ka ngang bata ka....'


bulyaw ng nanay nya.... pero



'pasensya na po inay... me naalala lang ako, di ko naman iniisip na tumakas sa
mga gawain eh... kung hindi ko naman to gagawin, lahat tayo magugutom...'

sagot ni maRIMANDO... at muling nagsalita ang nanay nya...

'o sige na... pagpatuloy mo lang yang ginagawamo, bibili ako ng bagong mga
sampaguita pagnanalo ako sa laro naming BINGO ng mga kumare ko sa labas....'

to be continued....

Wednesday, March 5, 2008

si maRIMANDO at si ESSERyo Episode 1

silang dalawa ay nagmula sa isang sikat na palabas sa tv, ang ninja kids... hehhee

sila ay dalawang taong tunay na nagiibigan at dito nagsimula ang kanilang istroya.....






silang dalawa ay nagmula sa dalawang magkalayong lugar.....

si maRIMANDO ay galing sa malayong kabilang lugar ni ESSERyo... kaya galing silang dalawa sa mga malalayong lugar...

sa sobrang layo ng mga lugar na pinanggalingan nila ay Sir ang tawag ni maRIMANDO kay ESSERyo...

silang dalawa ay nagka-kilala sa isang bar sa Pampanga, pero hindi sa olonggapo.... sa bandang..... quezon(wala akong alam na lugar sa Pampanga)...

nagta-trabaho si maRIMANDO sa bar bilang isang marangal na sampaguita vendor at si ESSERyo naman ay bilang patapon na rugby boy....

isang gabi, habang nagtitinda si maRIMANDO ng sampaguita sa labas ng bahay nila ay may mga tumatakbong rugby boy sa tapt nya, at siyay nabunggo.. 'aray!!!!', ayos ah!!.. sigaw ni maRIMANDO sa mga bata. Isa sa batang tumatako noon ay si ESSERyo, nahuli nga lang.. kaya nung nakita nya na tumatayo si maRIMANDO habang sumisigaw sa mga kasama nya... tinanong nya ito ng 'bakit miss.. nasaktan ka ba?'.... at sila ay natulala sa isa't isa, at nakaramdam silang dalawa pareho ng isang pakiramdam na tila di pa nila nararamdaman sa buong buhay nila...

habang nasa kamay, at nakatingin sa mata ng isat-isa, ay di nila alam ang gagawin dahil sa bagong pakiramdam.... biglang nailang si ESSERyo sa pagkakatingin nya sa mga mata ni maRIMANDO, kaya't napatingin nalang sya bigla sa sahig at 'pasensya na miss, nabigla ako', kinakabahan at nalilito sa pakiramdam ay sumagot si maRIMANDO, 'ahmm... ayos lang... pasensya na rin... ahm.. ako nga pala si mARIMANDO..' 'Ako naman si ESSERyo... ehhe... hi nga pala...'

at yun ang kanilang unang kanilang unang pagkikita...

at silang dalawa ay marami pang mga kwento na di pa nailalantad, kaya dito nyo nalang yun hintayin...

hehehe

Tuesday, March 4, 2008

Noong bata pa si cj.....

eto ay naganap nung mga panahon mga bata palang kami, at ang alam palang naming gawin ay magbandabanda



mga batang naghihintay ng service....


ang original member ng bandang
'Sugar Free'
Yung batang cj na ninaaya ng ice candy....
Peace man....

hindi po ako nagsisinungaling...

MyHeritage: Celebrity Morph - Family tree chart

Sunday, March 2, 2008

"Okay!!!"





hehehe.. isang bagong code ang naimbento ko para maitago ang tunay na gusto kong sabihin para sa isang taong gusto ko... gusto nyong malaman yung ibig sabihon?




okey lang yun.... hehhe